Chapter 13 - Sleepless Night

1.2K 55 1
                                    

Freen's POV

Wala talaga akong balak sumunod sa mga kaibigan ko sa mall. Ngunit pagkatapos ng pangyayari sa library ay nagbago ang isip ko. Kailangan kong malibang para makalimutan ko ang nangyari kanina.

Nag chat ako sa group chat namin para alamin kung nasa mall pa sila.

"Are you guys still in the mall? I am on my way there now."

"Yes, Freen. Make it quick." Agad na reply ni Nam.

"Wait for me at the entrance. I don't want to look for you." Sagot ko at mabilis na nagdrive palabas ng school.

Hindi ako na-traffic kaya ilang minuto lang ay nakarating agad ako sa mall. Nakita kong naghihintay na sila sa entrance.

"What's up, Freen? Akala namin hindi ka na susunod." -Kirk

Tiningnan ko lang ito at hindi sinagot.

"How's your tutorial session with that Armstrong girl? May natutunan ka naman ba?" Nakangising tanong ni Tee. Halatang nang-aasar ito.

"Shut up!" Inis na sagot ko.

Ngumiti lang ito ng may kahulugan. Inirapan ko nalang siya.

"Guys, let's have a massage para naman marelax tayo." Singit ni Kade.

"Later na, kain muna tayo. Nagugutom na ko." As usual, si Nam.

"Let's have a massage first, then eat." Sabi ko naman sabay talikod sakanila.

Sumunod naman sila sakin. Wala naman silang magagawa dahil ako ang boss. lol

I need to relax to put that Armstrong girl out of my head.

***************************

After 2 hours ay nakalabas na kami ng massage parlor. Naghanap agad ng makakainan ang mga kasama ko dahil gutom na gutom na daw si Nam.

Sa korean restaurant kami napadpad because Nam is craving for korean foods. Pinagbigyan ko nalang ito dahil nakakaawa na ang itsura nito.

Pagpasok namin sa resto ay agad namang nag-order sina Kirk at Tee. I told them that they can order anything and it is my treat.

"Someone's in the mood right now." Nakangiting sabi ni Nam.

"You're right. Nanlilibre lang naman yan kapag maganda ang mood niya." Singit ni Kade.

Tiningnan ko lang ang mga ito.

They were right. Nasa mood nga ako ngayon. Bakit kaya? Is it because of that Armstrong girl?

"Nooooooo!" Sigaw ng utak ko.

Maya maya ay dumating na ang mga pagkain na inorder nila. Nakaramdam naman ako ng gutom nang makita ko ang mga yon.

Nagsimula na kaming kumain. As usual, nagmamadali na namang kumain si Nam na akala mo ay mauubusan ng pagkain.

"Hey Nam, dahan dahan sa pagkain. Hindi ka mauubusan. Baka mabilaukan ka diyan." Natatawang saway ni Kirk.

"Pabayaan mo nalang yan. Ganyan naman yan kung kumain, akala mo ginugutom sakanila."  -Kade.

Natatawa nalang sila habang sinasaway si Nam. Napatingin naman sakin si Tee at biglang ngumisi na para bang nang-aasar. I just rolled my eyes.

Nang matapos kaming kumain ay nag decide na kaming umuwi.

***************************

Madaling araw na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Pilit na sumisiksik sa isip ko ang nangyari samin ni Rebecca sa library. Kahit anong gawin ko para wag isipin, tila naman nakadikit na ito sa isipan ko.

"What the fvck!" Inis na sigaw ko.

Pabaling baling ako sa kama ko. Hindi ko na alam kung anong pwesto ang gagawin ko para makatulog. Pilit na nagpa-flash back sa isip ko ang mukha ng Armstrong na yon.

Dumagdag pa sa inis ko yung mga estudyante na dumaan sa gilid ng table namin. Kung hindi dahil sakanila hindi sana matitigil ang titigan namin. Panira ng moment eh!

"Talaga ba, Freen? Anong moment yan?" Sagot ng bitch kong utak.

Tumayo ako at pumunta sa sofa. Naisip kong manood nalang ng paborito kong Forensic Files. Sana after ng ilang episode ay antukin na ko.

Ngunit sa kasamaang palad, pagkatapos ng 3 episode ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napansin kong medyo maliwanag na sa labas kaya nag check ako ng oras.

"Shit. 5:30 na pala!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"It's your fault, Armstrong!"

***************************

Pumasok akong antok na antok. Nagpahatid lang ako sa driver namin dahil baka makatulog ako sa pagdadrive. Napilitan din akong magsuot ng shades dahil kapansin pansin ang pangingitim ng paligid ng mata ko at kitang kita ang eyebags ko.

Pagtapat ng sasakyan sa gate ng Stoneridge ay agad naman akong bumaba. Sa kamalas malasan ay nakasabay ko pa si Armstrong pagpasok ng gate.

Napansin kong napatingin ito sakin kaya tiningnan ko rin siya. Wala ako sa mood makipagtitigan sakanya ngayon. Kaya agad ko naman itong nilampasan at nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay humarap ulit ako sakanya sabay sabing..

"This is your fault, Armstrong!" Malakas na sigaw ko sabay talikod.

Nagmadali akong maglakad dahil hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ba ginawa yon.

"Fvck!" I cursed.

Dahil sa ginawa kong yon, napagdesisyonan ko nalang na hindi pumasok. Hindi ko pa kayang harapin ulit si Armstrong dahil sa nangyari. 

Sa clinic ako dumiretso at nagkunwaring masama ang pakiramdam ko para makapagpahinga at matulog don. Hindi naman ako makakabalik sa bahay dahil wala akong dalang sasakyan.

Mabuti nalang at my private room dito sa clinic. Pwede akong pumwesto dito dahil anak naman ako ng may ari ng school na ito. Hindi na ako kinuwestiyon pa ng nurse dahil kilala naman niya ako.

Bago ako mahiga ay nagtext ako sa driver namin na wag na kong sunduin. Sasabay nalang ako kay Kirk mamaya dahil nasa iisang subdivision lang naman kami nakatira.

I texted Kirk too.

"Fetch me here in the clinic later after class. Don't tell the others, okay?"

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Nahiga na ako at dahil sa sobrang antok ay kinain agad ako ng kadiliman..

***************************

Short update po muna. Please follow me, vote and share. Thank you.

RheigneG.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon