Chapter 32-Party

1.4K 85 18
                                    

Becky's POV

Mabilis na dumating ang araw ng Sabado. Kinakabahan pa rin ako dahil first time kong umattend sa ganitong party tapos ay naging muse pa ako.

Maaga akong nagising ngayon para maglaba ng mga damit namin. Mamayang 6PM pa naman ang party kaya marami pa akong magagawa dito sa bahay.

Bago maglaba ay naisipan ko munang maglinis ng bahay para wala ng gagawin si Mama pag-uwi niya mamayang gabi.

Mabilis naman akong natapos kaya agad akong nagsimulang maglaba. Tulad ng nakagawian ay si Richie ang tagasampay.

Pagsapit ng tanghali ay nagpunta ako sa malapit na palengke para bumili ng mga sangkap para sa iluluto kong pananghalian namin ni Richie.

Naisipan kong magluto ng nilagang baboy tutal ay nakasweldo naman ako kahapon. Bumili na rin ako ng konting de lata at bigas para may stock sa bahay.

Pag-uwi ko galing palengke ay agad na nagsimula akong magluto ng nilagang baboy. Dinamihan ko na para umabot hanggang mamayang gabi.

Ganon kasi talaga pag mahirap ka lang. Kung anong ulam niyo ng tanghali, dapat ay umabot yun sa gabi. Haha.

Nang matapos ay tinawag ko na si Richie para kumain.

"Richie, tara na dito. Kumain na tayo."  tawag ko.

Habang nag-aayos ako ng hapag-kainan ay dumating naman ito.

"Mukhang masarap yang niluto mo ngayon ah." sabi nito.

"Mas masarap ako diyan. Haha!" natatawang sagot ko dito.

Napakamot naman ito ng ulo.

"Ate, good luck sayo mamaya. Sayang hindi ako makakanood." sabi ni Richie.

"Kinakabahan nga ako eh. Nakakainis naman kasi bakit ako pa yung napili." reklamong sagot ko.

"Okay lang yan, Ate. Maganda ka naman eh. Saka ayaw mo non magkaka-experience ka sa ganyan." sagot naman niya.

"Talaga ba? Maganda ako?" nakangising tanong ko dito.

"Ay hindi, Ate. Joke lang yung sinabi ko." sagot naman nito.

"Ewan ko sayo, Richie." sagot ko sabay irap dito.

Tumayo na ako pagkatapos kong kumain.

"Richie, ikaw na ang maghugas ng plato ah? Magpapahinga muna ako bago dumating si Kelly." sabi ko dito.

"Sige, Ate. Ako na ang bahala dito. Magbeauty rest ka muna kahit wala ka namang beauty. Haha!" nang-aasar na sagot nito.

"Manahimik ka nga diyan!" inis na sabi ko saka inirapan ito.

Nagpunta na ako sa kwarto para makapahinga. Medyo napagod din ako sa mga ginawa ko ngayon.

Si Kelly pala ay ang bading naming kapitbahay. Medyo kaclose ko ito. Mabuti na nga lang ay libre lang ang magpaayos dito dahil wala naman akong ibabayad sakanya kung sakali.

Pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sakin ang nakasampay na red na gown na pinahiram sakin ni Yuki.

Kinakabahan talaga ako para mamaya. First time kong magsusuot ng ganito kagandang gown sa buong buhay ko.

Nahiga ako sa kama at maya maya ay di ko na namalayan na nakatulog na ako.

__________________________

"Ate, gising.. Nandito na si Ate Kelly." gising sakin ni Richie.

Agad naman akong tumayo nang marinig ang sinabi nito. Mabilis na kinuha ko ang tuwalya para maligo.

Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon