Becky's POV
Kinabukasan ay pasado alas dose na ako nang magising. Mukhang may hang over pa ako dahil medyo masakit ang ulo ko.
Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush pagkatapos ay nagpunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain.
Nasa sala sina Mama at Richie, nanonood ng tv. Naisipan ko na don nalang kumain.
"Ma, Richie, kumain na ba kayo?" tanong ko bago ako maupo.
"Oo kanina pa, anak." sagot naman ni Mama.
Nagsimula na akong kumain habang nakatutok ang mata ko sa tv. Maya maya ay nagtanong si Mama.
"Anak, anong oras ka na pala nakauwi kagabi? Hindi ko na namalayan dahil maaga akong nakatulog."
"Mag aala una na ata, Ma. Nag-enjoy kasi ako sa pagsswimming, hindi ko na po namalayan ang oras. Pero hinatid naman po ako nila Yuki." pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman kung ganon. Kaninong towel pala yung nakasampay sa banyo?" dagdag na tanong pa nito.
"Kay Yuki po yun, Ma. Nakalimutan ko kasing magdala ng pamalit kagabi kaya umuwi nalang po ako ng basa tapos pinahiram po sakin ni Yuki yung towel niya. Lalabhan ko muna bago ko ibalik sakanya." pagsisinungaling ko pa.
Hindi na sumagot pa si Mama, nagfocus na ulit ito sa panonood.
"Magsisimba po ba tayo ngayon, Ma?" tanong ko kay Mama nang maalala na araw pala ng Linggo ngayon.
"Oo anak, mga alas kwatro." sagot naman niya.
"Sige po." maikling sagot ko.
Nang matapos akong kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko saka dumiretso sa kwarto para gumawa ng assignment.
Pagdating ng alas tres ng hapon ay naligo na ako at nag-asikaso para magsimba.
Mabilis kaming nakarating ng simbahan dahil malapit lang naman ito samin.
Pagkatapos ng isang oras na misa ay dumaan muna kami sa malapit na palengke para bumili ng ulam na lulutuin ni Mama para mamayang dinner at pagkatapos ay agad ding umuwi.
Dumiretso na muna ako sa kwarto habang nagluluto si Mama.
Nahiga ako at saglit na nag cellphone. Nagmessage pala sakin si Yuki, Tee at isang unknown number. Hindi ko na kasi nacheck ang cellphone ko simula kagabi.
Una kong binasa yung message ni Yuki.
"Good morning, Bes! Thank you sa paghatid nyo ni Tee sakin kagabi :)."
"Hey, Becky. Just got home." kagabi pang message ni Tee.
"Good afternoon, Becky. Hiningi pala sakin ni Kirk your number mo, nabanggit ko kasi sakanila na hiningi ko yung number mo kagabi. Sorry hehe." galing ulit kay Tee.
"Hello, Rebecca! Kirk here. I got your number from Tee. I hope it's okay :)."
Sinagot ko naman ang mga ito.
"Sorry late reply. Now ko lang nabasa yung message mo. How are you?" reply ko dkay Yuki.
"It's okay, Tee. I am glad nakauwi ka ng safe kagabi. Thank you ulit sa paghatid samin ni Yuki :)." sagot ko naman kay Tee.
"Hi, Kirk. It's okay. I will save your number too." para kay Kirk.
Pagkatapos kong magreply sakanila ay nagcheck naman ako ng facebook at instagram. Wala naman masyadong ganap kaya agad ko rin tinapos ito saka binitawan ang cellphone ko.

BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...