Chapter 2
"Kapag hindi mo binawi ang sinabi mo kay Sir, ikakalat ko ang scandal natin!"
Bumakas ang gulat sa mukha ni Kaius habang nakatingin sa akin. Hindi ko na babawiin ang sinabi ko. Kapag hindi niya talaga ginawa iyon, hindi ako magdadalawang-isip na ikalat ang video ng scandal namin.
We had sex that night.
He was my first. Binigay ko ang sarili ko sa kanya sa takot na hindi ako maka-graduate. At sa oras na ikalat ko iyon, masisira ang reputasyon niya sa school. Pwede kong baliktarin ang kwento na kaya ako pumayag na may mangyari sa amin dahil pinilit niya ako.
Posibleng sa akin din bumalik ang ginawa ko. Lalo na't babae ako. Maraming panghuhusga ang matatanggap ko mula sa kanila lalo na sa mga kapwa ko babae. Pero desperada na ako.
Hindi ko kayang biguin ang parents ko. Kahit na ano ang mangyari, gagawin ko ang lahat para maka-graduate ako. At tanging ang lalaking nasa harap ko ngayon ang makatutulong sa akin.
"You planned it . . . You fucking used me," halos pabulong niyang sambit. "Why are you doing this to me?"
Napayuko na lang ako, hindi ko na napigilang maluha. Nakuyom ko na rin ang mga palad ko. Kahit na hindi ko nakikita si Kaius, alam kong nakapako sa 'kin ang atensyon niya.
He was right. I used him. Nagawa ko 'yon para sa sarili kong interes. Hindi ko man lang inisip kung ano'ng mararamdaman niya. Nagustuhan niya 'yong nangyari sa 'min no'ng gabing 'yon. Wala siyang ideya na may nakatutok na sa aming camera, at 'yon ang ginagamit kong panakot sa kanya ngayon.
"N-nagawa ko lang 'yon dahil natatakot akong hindi maka-graduate!" I sobbed. "S-sinabi ni Sir ang posibleng mangyari sa 'kin kapag hindi ako nakapasa sa thesis . . . H-hindi ako makaka-akyat ng stage para makuha ang diploma ko..."
Lumapit ako kay Kaius at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa mga bisig niya.
"H-hindi ako matalino . . . S-sa ating magkakaklase, ako palagi ang mababa ang grades. K-kahit sa 'yo, pabigat ako..."
Kumapit ako sa uniform niya. Sobrang lapit na namin ni Kaius sa isa't isa. Hinihintay ko na ipagtulakan niya 'ko pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya 'kong umiyak sa dibdib niya.
"G-gusto kong makuha ang diploma ko," I sobbed. "K-kaya sana tulungan mo 'ko..."
Lumayo na 'ko at tumitig sa kanya. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Hindi ko mabasa kung ano'ng tumatakbo sa isip niya sa oras na 'to. Basta isa lang ang gusto kong gawin, ang magmakaawa sa kanya para lang magawa kong makuha ang diploma ko.
"D-don't leave me," I begged. "H-hindi na 'ko magiging pabigat pa sa 'yo. T-tatapusin ko ang lahat ng pagagawa mo, basta huwag mo lang akong iwan..."
"Okay," ani Kaius. "Hindi kita iiwan..."
May kinuha siya sa bulsa niya at inilabas ang isang panyo. Iniabot niya 'yon sa 'kin na agad kong tinanggap. Humigpit ang kapit ko ro'n habang nanatili ang tingin ko sa kanya.
"Please, stop crying," he said softly. "Hindi ako marunong mag-comfort..."
Tinalikuran na niya 'ko. Saktong pumasok ang mga kaklase namin. Lutang lang ang isip ko habang nasa klase. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumulyap kay Kaius.
Sobrang active niyang sumagot sa prof. Kahit na mahirap ang tanong, nagagawa niyang lusutan. Humahanga na lang ako sa talino niya. Habang ako, kahit magpakapuyat pa ako sa pag-aaral. Kapag tinanong na ng prof, biglang nabablangko ang utak ko.
Kahit papaano'y nakampante na 'ko. Pero hindi mawala sa isip ko na nagawa niyang magsumbong sa prof namin. Tumutulong naman ako sa kanya, pero mali sa paningin niya ang ginagawa ko kaya lumalabas na wala talaga akong ambag sa kanya sa thesis.