Chapter 33

123K 2.1K 1.9K
                                    

Happy 100K reads, HMT!

Chapter 33

Five days after my mother's body was buried, my father lost his life.

Hindi kinaya ni Papa ang pagkawala ni Mama. Hindi siya kumakain, kahit pag-inom ng tubig ay hindi niya ginagawa. Hanggang sa magising na lang kami na wala na rin si Papa. Sobra siyang nanghina sa ginawa niyang pagpapabaya sa sarili. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi pa ako nakababangon sa pagkawala ni Mama, si Papa naman ang nang-iwan.

Nalaman ko na matagal na pa lang may komplikasyon sa puso ni Mama. Kung minsan ay nahihirapan siyang huminga. Kaya madalas siyang wala sa bahay, para hindi ko malaman ang kalagayan niya. Hindi man lang siya nagsabi sa akin para magawa ko siyang mapatingnan sa Doctor. Kasama pa sana namin siya ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang dalawang tao na pinakamamahal ko, parehas na nawala sa akin. Hindi man lang nila nakilala ang kanilang apo. Hindi ko na alam kung paano pa ako babangon. Mabuti na lang nasa tabi ko si Kaius, na pilit pinapalakas ang loob ko.

"Kung iiyak ka na naman, tawagin mo 'ko," rinig kong sabi ni Kaius. "Sasamahan kita..."

Nilingon ko si Kaius. May dala-dala siyang pagkain. Magdamag na naman akong nagkukulong sa kuwarto. Nandito pa rin kami sa Nueva Ecija. Hindi ko magawang iwanan ang bahay na nagpapaalala sa akin sa mga magulang ko.

"Masaya na kaya sila?" I mumbled. "Ang daya naman nina Mama at Papa, bakit sabay pa nila kaming iniwan ng mga apo nila?"

Lumapit sa akin at si Kaius at niyakap ako. Hindi ko napigilang umiyak sa mga bisig niya. Nararamdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa likuran ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas kung wala siya sa tabi ko.

"I know, masaya na sila kung nasaan man sila ngayon," he mumbled. "Kaya dapat maging strong ka. Hindi sila matutuwa sa ginagawa mong pagpapabaya sa sarili mo..."

Humiwalay na ako sa yakap. Marahang pinunasan ni Kaius ang mga pisngi ko. Kahit siya ay nalungkot sa pagkawala nina Mama at Papa. Lalong-lalo na si Traver na sobrang nasaktan sa nangyari. Hindi nga siya makapasok sa school. Naiintindihan naman namin ni Kaius. Close na close si Traver sa Lolo't Lola niya kaya hindi niya matanggap na wala na sila sa piling namin.

"Si Traver?" I asked him. "Kumain na ang anak natin?"

"Pinakain ko na," aniya. "Kaya dapat kumain din ang Mommy niya..."

Sinubuan ako ni Kaius ng pagkain. Halos siya na ang kumikilos dito. Mula sa pagluluto, paghuhugas ng plato. Kahit pa sa paglalaba ng mga damit namin. Hindi ko talaga kayang kumilos dahil hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala nina Mama at Papa.

"Sorry," I mumbled. "Nagiging pabigat na 'ko..."

"Hindi ka pabigat sa 'kin..." He cupped my face. "Kasama mo 'ko sa laban mo. Hindi kita pababayaan..."

Marahang hinaplos ni Kaius ang baby bump ko. Isa sa dahilan kung bakit pinipilit kong maging matatag ay para sa mga anak namin. Lalo na sa ipinagbubuntis ko na nakararamdam ng emosyon na nararamdaman ko.

"Right, baby,?" Kaius mumbled. "Nandito lang si Daddy sa tabi n'yo. Aalagaan ko kayo ng Mommy at Kuya mo..."

Napangiti ako habang pinapanood si Kaius. Hindi nga niya kami nagawang pabayaan. Noong naka-burol sina Mama at Papa. Wala siyang tulog para lang mabantayan sila. Hinahayaan niya kami ni Traver na magpahinga.

Pumunta rin dito si Marah na sobrang nasaktan sa nangyari. Kaaanak niya pa lang, pero pinag-aalala na namin siya. Pinabantayan na lang niya muna sa pinsan ni Harren ang baby nila. Hindi sila nagtagal dito dahil palaging naiyak ang anak nila at hinahanap sila.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon