Chapter 34
Nagising ako na buhat-buhat ni Kaius ang anak namin. Hindi ko namalayang napahaba na pala ang tulog ko. Umaga na at hindi ko man lang nabantayan si Xyline. Kaya siguradong hindi pa rin natutulog ngayon si Kaius dahil siya ang magdamag na nag-alaga sa anak namin.
Nandito kami ngayon sa loob ng room ni Kaius. Malawak-lawak naman ang lugar. Naglagay kami ng crib na tulugan ni Xyline. Kahit na natutulog lang siya, hindi pwedeng walang nagbabantay sa kanya. Madali naman siyang patulugin, pero ang bilis din niyang magising.
Two months old na si baby. Parang kailan lang noong inianak ko siya. Lahat ng pagod at hirap ko, nawala nang sandaling mabuhat ko siya sa mga bisig ko. Kapag may masamang nararamdaman si baby, nalalaman agad ni Kaius kaya hindi na lumalala pa. Mahirap mag-alaga ng bata, pero nagiging madali dahil kasama ko si Kaius na gagawin ang lahat para sa mga anak namin.
Kahit na inaantok na siya, hindi niya talaga ako aabalahin sa pagtulog ko. Maya't maya na lang nagigising si Xyline. Lalo na sa madaling-araw. Kaya si Kaius ang nag-aalaga sa kanya habang masarap ang tulog ko.
"Ako na ang mag-aalaga sa anak natin," sabi ko pagkalapit ko sa mag-ama ko.
Nilingon ako ni Kaius. "Did you sleep well?"
I nodded. "Ang sarap nga ng tulog ko, habang ikaw ang naghihirap sa pag-aalaga sa anak natin..."
Pinagmasdan ni Kaius si baby. Umukit ang saya sa mukha niya. Hindi ko maalis ang tingin sa mag-ama ko. Wala na akong mahihiling pa. Ang sarap sa pakiramdam na nasa tabi ko si Kaius para bantayan ang anak namin.
Bumabawi talaga siya sa bagay na hindi niya nagawa noon. Sinisigurado niya na hindi na ako mahihirapan pa. Hinahayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya, lalo na sa mga anak namin. Alam naman niya ang gagawin dahil Doctor siya ng mga bata.
"Hindi naman ako pinahirapan ni baby," he said softly. "Ang bait-bait kaya ng prinsesa ko..."
"Pero hindi ka pa natutulog. Kailangan mong magpahinga..."
Marahan kong kinuha sa mga bisig niya si Xyline. Mahimbing ang tulog ng anak namin. Mas gusto niya talagang buhat-buhat kapag natutulog siya. Lalo na kapag si Kaius ang gumagawa niyon. Para bang nakikilala na agad niya kung sino ang nagbubuhat sa kanya.
"Walang mahirap kung kayo ang inaalagaan ko," ani Kaius at hinagkan ang noo ko. "Kahit kailan, hindi ako magrereklamo sa pagiging ama ko sa mga anak natin..."
Napangiti ako. "Kaya dapat alagaan mo rin ang sarili mo. Kapag inaantok ka na, gisingin mo 'ko para ako naman ang magbantay kay baby..."
"No," he shook his head. "Alam kong mas pagod ka. Kaya ko namang magpuyat hanggang umaga, basta maalagaan ko lang ang anak natin..."
Hinayaan ko nang matulog si Kaius. Habang nagising naman si Xyline kaya agad ko siyang pinainom ng milk sa akin. Nainom naman siya sa baby bottle, pero mas gusto niya ang lasa ng gatas ko. Hindi naman ako nahihirapan mag-produce ng milk dahil mahilig akong kumain ng gulay na malunggay.
Labis-labis pa nga ang gatas ko kaya iniipon ko na lang para may mainom si Xyline, kung sakaling natutulog ako. Pareho kami ngayon ni Marah ng sitwasyon. Hindi kami makagala tulad ng ginagawa namin noon. Pero mas masarap sa feeling na maging abala kami sa pag-aalaga sa mga anak namin.
Kapag lumaki na ang mga bata, baka maging magkaibigan din sila. Wala namang problema. Alam kong mapapalapit ang loob nila sa isa't isa na katulad namin ni Marah.
"Traver," tawag ko sa kanya at kumatok ako sa pinto.
Inihiga ko na lang si Xyline sa tabi ng kanyang ama. Nagharang na lang ako ng mga unan para hindi mahulog si baby. Para na rin hindi maipit ni Kaius kung sakaling gumalaw siya. Hindi naman malikot matulog si Kaius kaya kampante akong itabi sa kanya ang anak namin.