Chapter 4
Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na nakita pa si Kaius. Hanggang ngayon ay puno pa rin ng katanungan ang utak ko. Kung anak niya nga ba ang batang kasama niya. Pero hindi talaga imposible na may sarili na siyang pamilya.
Hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko sa ginawa niya no'ng araw na 'yon. Siguro kaya niya 'ko binigyan ng pagkain nang dahil sa anak niya na tinulungan ko. Sa tingin ko'y mas matanda si Traver kaysa ro'n sa batang kasama ni Kaius.
Naputol ang pagmuni-muni ko nang marinig kong bumababa ng hagdan si Marah. Wala siyang work ngayon. Hindi na 'ko magtataka kung aalis siya para tagpuin si Harren. Habang ako, maghahanap na naman ng trabaho.
"Aalis ka?" tanong ko kay Marah na kasalukuyang nagtitimpla ng kape.
"Mamaya pa," aniya. "Sasama ka ba sa 'kin?"
"Saan naman? Gagawin n'yo pa 'kong third wheel."
She chuckled. "Hindi, marami tayong makakasama. Birthday ngayon ni Harren, at magre-rent siya ng bar para do'n mag-celebrate."
Tumango-tango ako. "Sosyal naman ni Harren, pa-rent-rent lang ng bar, yaman ng jowa mo."
"Ano pa kapag Doctor? Kung ako sa 'yo, lalandiin ko na si Kaius. Para mabuo na kayong pamilya."
Napangiwi ako. "Ba't ko naman lalandiin 'yon? Eh, may pamilya na 'yon. Gagawin mo pa 'kong kabit!"
Umupo siya sa tabi ko. "Wala 'kong nababalitaan na may pamilya na si Kaius. Imposible talaga na may asawa na 'yon."
"Kung gano'n, sino 'yong batang kasama ni Kaius sa restaurant? Tinawag pa siyang 'Daddy' kaya malamang na anak niya 'yon."
"Hindi ko rin alam," she shrugged. "Si Kaius mismo ang tanungin mo nang matahimik ka na riyan."
Hindi na 'ko umimik pa. Maraming taon na ang lumipas, pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Kaius. Isa siya sa dahilan kung bakit wala akong interes sa ibang lalaki.
Hindi sa umaasa ako na magiging kaming dalawa, kundi dahil sa anak namin. Natatakot akong hindi niya tanggapin si Traver. Nabuo ang anak namin nang dahil sa plano ko. Ni wala kaming naging relasyon no'n!
Kaya baka hindi niya harapin ang responsibilidad niya bilang ama sa anak namin.
"Oo nga pala," pag-agaw ni Marah sa atensyon ko. "May nakita ako sa Facebook na magbubukas na milk tea house, naghahanap sila ng barista."
"Talaga? Saan?"
"Malapit lang, isang biyahe lang papunta ro'n. Interesado ka ba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Minsan na rin akong naging barista. Pero ayaw ko nang alalahanin pa ang nangyari. Binuhusan ba naman ako ng boss ko sa mukha ng milk tea na ginawa ko. Sa harap pa ng maraming customers. Pinagtawanan tuloy nila ako.
"Hindi," umiling-iling ako. "Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho."
"Talaga? Kahit 1200 per day ang sahod? Hindi ka pa rin interesado?"
Biglang kuminang ang mga mata ko. "Seryoso? Gano'n talaga kalaki ang sahod na matatanggap do'n?"
She nodded. "Oo, pero dapat marunong ka rin mag-timpla ng kape at gumawa ng frappe, hindi lang milk tea ang gagawin mo ro'n."
Marunong din akong mag-timpla ng kape at gumawa ng frappe. Isa lang ang inaalala ko, baka matapang na naman ang maging boss ko. Pero sayang 'yong sahod, sobrang laki kumpara sa mga pinasukan kong trabaho na hindi man lang umaabot sa libo ang nakukuha ko.
"Sweet bubble tea ang name ng page sa Facebook, mag-message ka na agad sa kanila. Mas malaki ang chance na ikaw ang matanggap kung mauuna ka."
Agad kong kinuha ang phone ko at nag-message sa page. Nagulat na lang ako sa bilis nilang mag-reply. Sinabi na rin nila kung kailan ang interview ko. Binilinan din nila akong magdala ng resume.