Chapter 9
Nagsimula nang magtrabaho si April sa shop. Maayos naman siya, magaling na barista. Mabilis din siyang matuto. Minsan nga, sa kanya pa ako nagpapaturo dahil siya ang mas tumagal sa ganoong trabaho.
Hindi ko lang maintindihan, na kung bakit minsan ay naiinis ako sa kanya. Lalo na sa tuwing dumarating si Kaius para bisitahin kami. Unang kita pa lang ni April sa lalaki, gusto na niya agad ito.
Palagi na lang siyang nagpapapansin kay Kaius. Minsan nga, sinasalubong pa ni April ang lalaki sa tuwing dumarating sa shop. Kahit na hindi ko gaanong kilala si Kaius, alam kong hindi siya papatol sa babaeng tulad ni April.
Minabuti ko na lang na huwag magpahatid kay Kaius pauwi. Siguradong sasabay sa amin si April para magpahatid din siya sa bahay nila. Malayo-layo pa naman ang lugar ng babae. Baka maubos ang oras ni Kaius nang dahil sa kanya.
"Oh, bakit nakasimangot ka na naman d'yan?" biglang tanong ni Marah.
Niyakap ko ang maliit na unan at bumuntonghininga. Umaga na at kailangan ko na namang pumasok sa work. Nakuha ko na rin ang sahod ko kay Kaius. Hindi ko inaasahan na mas malaki pa ang ibibigay niya sa akin. Minsan nga, natutulog lang ako sa trabaho.
Bumili ako ng mga kailangan ko. Nagpadala na rin ako ng pera kina Mama. Habang ang natira ay inipon ko para sa balak kong pagbili ng bahay na matitirhan namin dito sa Maynila.
"Si April kasi..." I sighed. "Maayos naman siya sa work, pero may time talaga na naiinis ako sa kanya."
"Anong reason ba?"
"Kapag kasama namin si Kaius," sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Palagi na lang siyang nagpapapansin sa lalaki."
"Sus!" Mahina niya akong hinampas sa balikat. "Nagseselos ka lang."
I gulped. "Ba't naman ako magseselos?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" She raised a brow. "Malamang na hanggang ngayon ay gusto mo pa rin si Kaius."
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko para kay Kaius. May mga araw na ayaw ko siyang makita, pero kapag hindi ko naman siya nakita. Para bang hindi na buo ang araw ko.
Hindi na lang ako umimik pa. Nauna na ako kay Marah na umalis dahil susunduin siya ng boyfriend niya. Ayaw kong masaksihan ang landian nilang dalawa. Baka masuka lang ako sa harapan nila.
"Xyleenah!" tawag sa akin ni April nang makita ako.
Nginitian ko siya. "Kanina ka pa rito?"
Iniwas ko na ang tingin sa kanya at binuksan na ang pinto ng shop. Sa akin ipinagkatiwala ni Kaius ang susi. Kahit na mas maagang pumasok sa akin si April, kailangan niya pa rin akong hintayin.
"Kararating ko lang," tugon niya. "Nasaan si Sir? Ba't hindi mo kasama?"
"Hindi ko na inabala pa, baka busy na sa work niya."
Pumasok na kami sa loob. Sinimulan ko nang ayusin ang mga upuan. Habang si April ay nagpupunas ng mga lamesa. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Mabait naman siya, at marami pang kwento. Ang kinaiinisan ko lang talaga ay ang palagi niyang pagdikit kay Kaius.