Chapter 31
Trigger Warning: Mention of drugs and sexual harassment.
I was crying the whole time. Hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko nang dahil sa nangyari. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Samuel. Nagawa niyang manakit ng iba para lang mapunta ako sa kanya, na imposible namang mangyayari.
Nahuli na si Samuel ng mga pulis. Napag-alaman na gumagamit ng drugs ang lalaki. Marami ring videos ng mga babaeng hubo't hubad sa phone niya. Isa na ako roon, habang naliligo sa banyo namin na yari lang sa kawayan. Kaya pala palagi siyang tumatambay sa bahay namin noon para gawin niya ang kabastusan niya.
Hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Samuel. Akala ko talaga, mabuti siyang tao. Sobrang inosente rin niya kaya hindi ko siya pinag-isipan ng masama. Pati mga co-workers ni Samuel, nagrereklamo na rin sa lalaki. Hinihipuan sila at binabastos. Hindi nila magawang magsumbong dahil tinatakot sila ng lalaki.
Ang isa pa sa sobrang pinagsisisihan ko, nagawa kong ipagtanggol si Samuel kay Kaius. Ngayon ay nandito kami sa ospital. Wala pa ring malay si Kaius. Marami-rami ang dugong nawala sa kanya. Kinailangan niyang salinan ng dugo. Nahirapan pa silang maghanap dahil sa blood type niya. Gusto sanang mag-presinta ni Traver, pero hindi ako pumayag. Mabuti na lang na-solusyonan nila.
Sinabi ng Doctor na maayos na ang kalagayan ni Kaius. Hindi ko pa rin mapigilan na mag-alala. Dalawang-araw na siyang walang malay. Lumipas na ang birthday nilang mag-ama nang hindi man lang niya namamalayan. Balak niya pa sanang sorpresahin ang anak namin na hindi na nangyari pa.
Hindi na rin nag-celebrate pa si Traver. Hindi niya kayang magsaya habang nasa ospital ang kanyang ama. Kahit siya, nagulat sa nangyari. Dalawang-araw na rin siyang absent para samahan si Kaius sa ospital.
Habang si Mama naman, sobrang nagsisisi na nagtiwala siya kay Samuel. Kahit siya, nauto ng lalaki. Hindi totoo ang kabaitang pinapakita ni Samuel. Kaya lang naman siya pumupunta sa bahay nang dahil sa akin. Kahit na wala ako, kumukuha siya ng mga gamit ko. Sobrang obsessed sa akin ng lalaki.
Isa sa ipinagpapasalamat ko na hindi kami napahamak ng anak ko. Malakas ang kapit niya sa akin. Baka hindi kayanin ni Kaius sa oras na may mangyaring masama sa aming mag-ina
"Umuwi ka na kaya muna, anak?" tanong ni Mama. "Kami na ang bahala kay Kaius."
Umiling-iling ako. "Hindi po ako aalis. Babantayan ko po si Kaius."
"Baka maapektuhan ang ipinagbubuntis mo sa ginagawa mong 'yan. Hindi ka rin makatulog, baka magkasakit ka..."
Nilingon ko si Kaius. Hindi ko mabitiwan ang kamay niya. Umaasa ako na gigising na siya. Mabuti na lang nakahingi agad ng tulong sa iba si Papa. Sakto naman na may nurse sa lugar namin kaya kahit papano ay naagapan ang sobrang pagdurugo ni Kaius. Agad din akong tumawag ng ambulansya.
Hindi ko alam ang gagawin ko habang nasa emergency room si Kaius. Sobrang takot na takot ako. Lalo na nang sandaling ipikit niya ang mga mata niya habang nasa mga bisig ko. Kahit anong gising ko sa kanya, ayaw niya talagang gumising.
"Hindi ko po kayang iwanan si Kaius," I mumbled. "Isama n'yo na lang po pauwi si Traver. Para po makapagpahinga siya sa bahay..."
Nilingon ko si Traver, nakahiga siya sa couch. Katutulog niya lang dahil binantayan niya si Kaius. Gusto niyang bumawi sa kanyang ama. Kahit siya, hindi mapakali dahil hindi pa rin nagigising si Kaius. Sobrang nagsisisi si Traver dahil nagawa niyang iwasan ang kanyang ama.
Tumayo ako at lumapit kay Traver. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Naalimpungatan siya nang dahil sa ginawa ko.
"Bakit po?" aniya at umupo sa couch. "Gising na po ba si Dad?"