Chapter 18
Warning: R-18
Nagising kami ni Kaius na may ngiti sa aming mga labi. Alam kong hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko. Noong una pa lang, ramdam ko nang tatanggapin ko siya sa buhay ko. Kung may pagsubok mang humarap sa amin, hinding-hindi ako bibitiw sa kanya. Hindi ko na kakayanin pang mawala siya sa tabi ko.
"Panaginip ko lang ba 'yon?" biglang tanong ni Kaius.
"Ang ano?"
"Na sinagot mo na 'ko," tugon niya. "Na girlfriend na kita..."
Mahina ko siyang hinampas. "Mukha ba 'kong bangungot sa 'yo?"
Babangon na sana ako nang pigilan ako ni Kaius. Muli niya akong niyakap. Marahan niyang pinapatakan ng halik ang buhok ko.
"I love you," he whispered. "My girlfriend..."
"Agang-aga, ang landi mo!" singhal ko kahit ang totoo ay kinikilig ako.
Bumangon na ako at nag-unat-unat. Tinanaw ko ang labas mula sa glass wall. Makikita ang malawak na karagatan. Unti-unti na ring nagpapakita ang araw kaya mabilis kong kinuha ang phone ko para kuhanan iyon ng litrato.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagyakap ni Kaius mula sa likuran. Ibinaon niya pa ang mukha niya sa balikat ko. Para siyang batang naglalambing sa akin.
"Anong gagawin natin ngayon?" I asked him.
"Let's eat breakfast first," tugon niya. "Bago natin isipan 'yan..."
Nagtungo kami sa malapit na restaurant. Habang naghihintay ng order namin, inabala ko ang sarili ko sa phone. Habang si Kaius ay nakikipag-usap gamit ang phone sa ina ng pasyente niya. Kahit na pahinga siya, hindi pa rin niya matatakasan ang trabahong iniwan niya.
Nagpunta ako sa Instagram. Nakita ko agad ang post ni Kaius. Wala akong ideya na nag-post siya kahapon. Kung kailan ko siya sinagot at naging kami. Magkasama kaming dalawa sa litrato. Makikita na ang mukha ko roon.
Nagpa-picture kami sa isang babae. Buhat-buhat niya ako, bridal style habang nakangiti kami sa isa't isa. Mayroon pang nakayakap siya sa akin mula sa likuran ko, habang nakatanaw kami sa malawak na karagatan.
Napangiti na lang ako nang mabasa ang caption niya sa post. Nakakapanibago na nagiging active na siya sa social media, lalo na kapag kasama ako. Halos ako na ang laman ng Instagram niya.
kailegaspi aaaa sinagot na niya ako!!! girlfriend ko na si xyleenah!!! 😭💓
Hindi ako magpapatalo sa kanya, kaya nag-post din ako sa Instagram ko. Nalaman na nila ang account ko dahil palagi akong naka-tagged kay Kaius. Nasa 61 lang ang followers ko noon, ngayon ay nasa 350 na. Hindi na ako magtataka kung may mam-bash sa akin. Si Kaius lang naman ang habol nila.
Pasimple kong kinukuhanan si Kaius ng litrato sa tuwing magkasama kami, kaya iyon ang pictures na ipinost ko sa Instagram. Halos siya na ang laman ng gallery ko.
May picture ako ni Kaius habang nagmamaneho siya, meron din na umiinom siya ng kape lalo na kapag tumambay siya sa shop. Isa rin sa kinuhanan ko ay sa tuwing suot niya ang white coat niya. Hindi papahuli ang litrato niya habang nakasuot ng apron. Ang mas paborito ko sa nakuhanan ko ay nang nakangiti siya habang nakatingin sa bata.
Wala siyang ideya sa mga picture na iyon. Kahit na stolen lang lahat, mahal na mahal siya ng camera. Hindi man lang niya naranasang pumangit. Maiinggit ka na lang talaga sa isang tulad niya.
Mabuti na lang palagi akong nakatagilid sa kuha niya sa aking litrato. Hindi naman ako photogenic. Hindi rin ako mahilig kumuha ng litrato ko, bilang na bilang nga lang ang selfies ko sa phone ko.