Chapter 1

189K 2.8K 2.8K
                                    

Chapter 1

"Ms. Cruz and Mr. Legaspi..." sambit ni Sir. Ebora. "Kayong dalawa ang partner sa thesis..."

Natigilan ako sa sinabi ni sir. Pasimple kong nilingon si Kaius, nakapangalumbaba lang siyang nakatingin sa unahan. Nilalaro niya pa ang ballpen na hawak niya. Para bang wala siyang pakialam na partner kaming dalawa sa thesis. Habang ako ay hindi na mapakali.

Kahit na matalino siya, hindi ko pinangarap na magkasama kami sa isang project. Baka mahila ko lang siya pababa. Hirap akong maka-intindi. Simpleng instructions, hindi ko masunod. Baka ma-stress lang si Kaius nang dahil sa 'kin.

President namin siya, at matataas ang nakukuha niyang grades. Sobrang active niya rin sa acads. Ni minsan, hindi ko nakitang nakakuha siya ng mababang marka.

Mukhang ako talaga ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi siya ang maging partner ko sa thesis.

"Sir, baka naman po pwedeng iba na lang ang partner ko? Huwag na po si Kaius, maawa ka naman po sa lalaking 'yon. Baka mahulog siya nang dahil sa 'kin."

Pinaglapat ko pa ang mga palad ko. Napailing na lang siya at inayos ang salamin. "No, final na ang decision ko. Kayong dalawa ang partner sa thesis."

I sighed. "Ba't kaming dalawa pa ang partner? Eh, ang talino po no'n. Walang-wala ako kumpara sa kanya."

"Ba't ko kayo pinag-partner na dalawa ni Mr. Legaspi? Dahil matutulungan ka niya," aniya. "Sa inyong magkakaklase, ikaw palagi ang nakakakuha ng mababang grades. Kapag binagsak mo rin ang thesis, baka hindi ka na maka-graduate pa ng college."

Napayuko na lang ako. Mukhang wala na akong magagawa. Mabait si Sir. Ebora sa aming mga estudyante niya. Para na nga niya kaming mga anak, habang ang ibang prof ay sobrang strict.

Mainit ang dugo nila sa 'kin dahil palagi na lang mababa ang nakukuha kong score. Nag-aaral naman ako, pero bobo talaga ang test paper. Sobrang hirap nilang intindihin.

Bumalik ako sa room na bagsak ang magkabilang-balikat. Agad na dumako ang tingin ko kay Kaius. Wala pa ang prof kaya nagbabasa siya ng libro. Umupo ako sa pwesto ko at tinitigan siya.

Aaminin kong guwapo siya. Idagdag pa ang katalinuhan niya kaya sobrang lakas niya sa mga babae. Marami ang nagkakagusto sa kanya. Pero wala pa 'kong nababalitaan na naging girlfriend niya.

"Ba't gan'yan ang mukha mo? Eh, ang dami ngang nalungkot na kaklase natin dahil hindi nila ka-partner si Kaius sa thesis," sambit ni Marah pagkaupo sa tabi ko.

I sighed. "Ayaw ko sa lalaking 'yon," umub-ob ko. "Sobrang bobo ko! Tapos ipapartner pa 'ko sa matalino, paano kung uminit lang ang dugo no'n sa 'kin?"

Dalawang-araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakakausap si Kaius tungkol sa thesis. Nagsisimula na 'yong iba sa pag-iisip ng topic nila, habang kami ng partner ko. Hindi man lang nagkikibuan.

"Lapitan mo kasi, para naman alam mo ang gagawin. Iinit talaga ang dugo no'n sa 'yo kapag nagmatigas ka pa."

Ngumuso ako. "Bayaran ko na lang kaya siya? Siya na lang tumapos ng thesis namin?"

Binatukan ako ni Marah. "Gaga! Tapos pagdating sa defense, nganga ka kasi wala kang alam sa papers n'yo! Tsaka wala ka ring pera para mabayaran mo siya."

Nagpapadyak ako sa inis. Matatapos na naman ang araw na hindi ko man lang nakakausap si Kaius. Alam kong hindi niya rin pababayaan ang thesis. Lalo na't malapit na kaming grumaduate ng college.

Nang matapos ang klase'y hindi agad ako umalis sa pwesto ko. Pinauna ko si Marah na umuwi. Kailangan kong makausap si Kaius tungkol sa thesis. Hindi rin ako mapapakali kung hindi ako makatutulong sa kanya.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon