Chapter 17

119K 2K 1.6K
                                    

Chapter 17

"Ano ba, Xy? Pwede bang kumalma ka d'yan?" suway sa akin ni Marah.

Umupo ako sa gilid ng kama at sinapo ang mukha ko. Kung hindi lang dahil kay Marah, baka nahuli na ako ni Kaius. Saktong nasa mall lang din si Marah kanina, kasama ang ka-trabaho niyang si Lorein. Nakiusap si Marah kay Lorein na sunduin si Traver kay Kaius.

Nahirapan pa si Lorein na pasamahin ang anak ko sa kanya. Hindi basta-basta nagtitiwala si Traver sa ibang tao. Maliban na lang kay Kaius na siguradong naramdaman ng bata na magaan ang loob niya sa lalaki.

Nang makabalik na sa amin si Traver ay agad din kaming umuwi ng bahay. Nag-order na lang ako ng pagkain dahil hindi na kami nakakain pa. Alam kong natakot sina Mama at Papa nang sandaling mawala sa piling nila ang kanilang apo.

Sinisisi pa nila ang sarili dahil naging pabaya sila. Kung may dapat mang sisihin, ako na iyon. Hindi ko sila dapat iniwan. Lalo na't hindi sila sanay sa lugar. Sobrang lawak ng Mall of Asia. Kahit nga ako, hindi ko pa gaanong nalilibot ang bawat sulok ng mall.

Ngayon ay natuto na ako. Hindi ko na hahayaan pang mangyari iyon. Hangga't maaari, mananatili ako sa tabi ng anak ko. Natatakot ako na baka mapahamak na naman siya nang dahil sa kapabayaan ko.

"Hindi niya naman siguro ako nakilala, 'no?" tanong ko kay Marah. "Nakatalikod naman ako sa kanila kanina."

"Hindi ko alam," she shrugged. "Naniniwala ako na kahit gaano pa kalayo ang isang tao, basta mahal mo. Mabilis mo siyang makikilala."

Inis akong nagpapadyak. "Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'yon sa mall? Kalalabas niya pa lang ng ospital, naglalakwatsa na agad siya."

"Kung kinakausap mo si Kaius nang kumalma ka na d'yan," ani Marah. "Kung alam na nga ni Kaius ang totoo, wala ka nang magagawa kung hindi ang umamin sa kanya."

Naiwan akong mag-isa sa room habang umalis na si Marah. Magkikita pa sila ni Harren. Sumaglit lang talaga siya rito para samahan ako. Alam niya kung gaano ako kataranta kanina. Mabuti na lang na nasa iisang lugar lang kami. Nasa mall si Marah para bumili ng ireregalo kay Harren.

Bumaba na ako at hinanap si Traver. Nakaupo siya sa couch habang nakapatong sa isang silya ang kanang binti niya. Nagkaroon siya ng sugat sa tuhod nang dahil sa nangyaring tulakan. Hindi pa rin naaalis ang benda sa tuhod niya. May nakasulat pa roon na si Kaius mismo ang nagsulat.

"Pagaling ka po ٩(^_^)۶" – Dr. Kaius Legaspi

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan iyon. Siguradong ganito rin si Kaius sa ibang bata. Pero gusto kong malaman kung anong naramdaman niya nang sandaling makasama ang anak namin.

"Masakit pa ba ang sugat mo?" tanong ko kay Traver at hinaplos ang buhok niya.

"Okay na po ako," sabi niya at tumango. "Sorry, Mommy..."

Niyakap ko siya at marahang pinatakan ng halik ang ulo niya. Kahit papaano ay kumalma na ako. Napunta siya sa mabuting tao. Nalaman ko na kinarga pa siya ni Kaius papunta sa clinic. Kahit na may Doctor doon, si Kaius ang nag-presinta na gumamot sa anak ko.

"Mommy, ibinigay po ito sa 'kin ng Doctor kanina..."

Iniabot sa akin ni Traver ang isang calling card. Nakita ko roon ang picture ni Kaius. Seryoso lang ang mukha niya roon, pero sobrang lakas pa rin ng dating niya.

DR. KAIUS WARNER LEGASPI
Pediatrician

📞 +639568917451

Itinabi ko iyon sa bulsa ko. Iba ang ginagamit ni Kaius na number sa work niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya binigyan ng calling card si Traver. Kaunting sugat lang naman ang natamo ng anak ko.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon