Chapter 25

116K 2K 1.9K
                                    

Chapter 25

Nang malaman kong buntis ako ay inalagaan ko na ang sarili ko. Walang gagawa niyon para sa akin. Iniwan na ako ni Kaius. Kung iniisip niya na basta ko na lang siya susukuan, nagkakamali siya. Pilit ko pa rin aayusin ang relasyon naming dalawa.

It was hard. Para akong bumalik sa simula. Pakiramdam ko na nag-iisa lang ako. Nasa piling ko naman sina Mama at Traver, pero ang sakit lang na muling mararanasan ng anak ko na lumaki na wala sa tabi niya ang kanyang ama.

Kaya kahit na magmukha akong kaawa-awa sa harap ni Kaius. Hindi ko pa rin siya titigilan. Kailangan ko siya, lalo na ang mga anak namin. Kahit ang mga bata na lang ang mahalin niya, huwag na ako.

Masaya na ako, basta maranasan lang ng mga anak namin ang pagmamahal at kalinga ng isang ama.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong ni Mama. "Huwag ka na kaya munang umalis?"

"Kailangan po, Ma," tipid akong ngumiti. "First day ko po sa work, bawal po akong um-absent."

"Kakayanin mo ba?" nag-aalalang tanong ni Mama. "Lalo na't buntis ka, baka mahirap ang gawin mo roon. Kaya ko pa namang mag-trabaho, kaya ako na ang kikilos sa atin."

Umiling-iling ako. "Hindi po, Ma, mabait po ang boss ko. Hindi niya po ako pababayaan doon."

Bigla na lang tumawag sa akin si Nikko noong isang araw. Sinabi niya na magpasa ako sa kanya ng resume ko. Hindi na ako magtataka kung si April ang nagsabi sa kanya na naghahanap ako ng trabaho. Nahihiya man ako sa lalaki, pero wala na akong magagawa pa.

Trabaho na ang nalapit sa akin, hindi ko magagawang tumanggi sa grasya.

Nang maihanda ko ang sarili ko ay nagpaalam na ako sa kanila. Malapit-lapit na ang pasukan ni Traver. Hindi ko pa siya naibibili ng mga gamit. Palagi na lang masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakilos.

Mabuti na lang maayos ako ngayon. Start ng work ko at ayaw kong um-absent. Mabait na tao si Nikko, ayaw kong lubusin ang kabaitan niya. Hindi ko magagawa ang bagay na nagagawa ko sa shop ni Kaius.

Isang linggo akong hindi nagpakita kay Kaius. Siguradong masaya siya dahil wala ako. Baka inisip niya pa na sumuko na ako na imposible namang mangyayari. Maghihintay pa rin ako hanggang sa siya na mismo ang kusang bumalik sa akin.

Hindi pa nga niya naaalis ang mga posts niya sa Instagram. Kahit na sa ganoon lang, lumaki na ang pag-asa ko na magkaka-ayos kami. Na babalik ang dating kami.

"Hi, Xyleenah," bati ni Nikko nang makita ako.

Nginitian ko siya pabalik. "Good morning po, Sir."

"Nikko na lang," aniya at humalakhak. "Huwag mo 'kong tawaging Sir..."

"Pero boss kita," tugon ko. "Nakakahiya naman na para kitang tropa kung tawagin."

"Okay lang, mas sanay ako na Nikko ang tawag mo sa 'kin."

Pumasok na kami sa loob ng restaurant. Nagtungo kami sa office niya. Nasabi na naman sa akin ni Nikko na magiging cashier ako. Hindi masyadong mabigat ang gawain na iyon. Kailangan kong mag-ingat dahil baka mahirapan ako sa pagbibilang ng pera.

"Thank you talaga," sabi ko at ngumiti. "Ang kapal ng mukha kong magtrabaho rito matapos kong tanggihan noon ang offer mo."

"Wala 'yon," Nikko chuckled. "Kinulit din ako ni April na tanggapin kita. Sakto naman na umalis na ang cashier namin kaya ikaw agad ang naisip ko."

Tinuruan ako ni Nikko sa gagawin ko. Inaral ko rin ang presyo na nasa menu nila. Sa unang araw pa lang, hindi ako nahirapan. Palagi akong pinupuntahan ni Nikko para tulungan. Nahihirapan pa rin akong magbilang ng centavos. Habang sa malalaking halaga ay okay naman ako.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon