Chapter 29

127K 1.8K 2K
                                    

Chapter 29

Nagpatuloy ang mga araw na umiiwas si Traver sa sarili niyang ama. Akala ko, madali niyang matatanggap si Kaius, dahil nagkita na sila noon sa mall at tinulungan pa siya. Palagi niya pang ipinagmamalaki sa akin ang kabaitang taglay ng Doctor.

Nagkamali ako. Mukhang nasasaksihan ni Traver ang pag-iyak ko nang dahil sa kanyang ama. Hindi ko man sabihin sa kanya kung sino ang nananakit sa puso ko, malakas na ang kutob niya na si Kaius iyon. Kaya ganoon na lang din kalaki ang galit ni Traver sa lalaki.

"Pasabayin na lang kaya nating kumain dito si Kaius?" biglang tanong ni Mama. "Baka hindi siya kumakain doon."

Naghahanda na kami ng aming dinner. Nagluto si Mama ng paksiw na baboy. Nakaluwag-luwag kami ngayon dahil sumahod si Papa sa talyer. Habang mabenta pa rin ang mga gulay ni Mama. Nagtatrabaho pa rin ako sa karinderya. Hindi naman ako gaanong nahihirapan doon.

Palaging sinasabi ni Kaius na siya na ang bahala sa lahat ng gastusin. Tinatanggihan ko lang ang offer niya. Tumigil na siya sa trabaho, baka maubos lang ang ipon niya. Nakakaya naman naming pamilya ang mga gastusin.

"Oo nga, anak," sabi ni Papa. "Laking Maynila pa naman iyon, baka nahihirapan siya sa pagluluto gamit ang kawayan..."

I sighed. "Sige po, papupuntahin ko rito si Kaius..."

Nilingon ko si Traver, tahimik lang siyang nakaupo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit nga si Kaius, hirap na hirap amuhin ang sariling anak. Hindi ko naman masisisi si Traver. Iniisip niya na hindi siya tanggap ng kanyang ama kaya siya nagawang iwan. Kahit na ako naman ang totoong may kasalanan.

Pumunta na ako sa bahay ni Kaius. Kumatok ako sa pinto. Wala pang isang minuto ay agad na nagbukas iyon. May hawak-hawak na cup noddles si Kaius na mukhang iyon ang balak kainin ngayong dinner.

"Bakit po?" Kaius asked. "May problema ba?"

"Iyan palagi ang kinakain mo? Cup noddles?"

Nagkamot si Kaius sa batok. "Nahihirapan akong magpa-apoy sa kawayan. Mabuti na lang may dala ako water heater. Doon na ako nagpapa-init ng tubig..."

"Eh, noong wala pang kuryente? Anong kinakain mo?"

"May dala naman akong biscuit," aniya. "Hindi ko alam kung paano um-order dito ng pagkain."

"Iyon lang talaga ang kinakain mo?"

Kaius nodded. "Okay lang ako, nasasanay na rin..."

Hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa kay Kaius. Habang masarap ang kinakain namin, si Kaius ay nagtitiis sa ganoong pagkain na hindi naman siya mabubusog. Ginusto niyang tumira dito, kaya dapat panindigan niya. Pero sana, kung wala siyang makain. Magawa niyang magsabi sa amin. Kaya pala napapansin ko ang bilis na pagpayat niya.

"Sabi ni Mama, sumabay ka na sa amin sa pagkain," I looked away. "Hinihintay ka na nila roon..."

Nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay. Habang sumunod si Kaius. Pagbalik namin doon ay wala na sa hapagkainan si Traver. Bumakas agad ang lungkot sa mukha ni Kaius dahil hindi niya makakasama ang anak niya.

"Kumain na po si Traver?" tanong ko.

"Oo, anak, kumain na ang apo ko," tugon ni Mama. "Nauna na sa atin..."

Umupo na si Kaius sa pwesto kanina ni Traver. Kung hindi ko pa bibigyan ng pagkain si Kaius, hindi siya kikilos. Nakamasid lang sa amin sina Mama at Papa. Alam kong umaasa sila na magkaka-ayos kaming dalawa.

Hindi ko alam. Hindi pa ako handa. Kahit na nakikita kong bumabawi si Kaius, hindi pa rin naghihilom ang sakit na pinaramdam niya sa akin. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko na hindi niya kami nagawang piliin.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon