Chapter 13
Maaga akong gumising para magluto ng almusal namin ni Kaius. Ito ang unang beses na ipinagluto ko siya. Noong magkasama kami sa apartment ko, si Kaius palagi ang kumikilos. Nagigising ako na may nag-aabang ng pagkain sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom.
Gusto kong bumawi kay Kaius. Alam kong kulang pa itong ginagawa ko. Umaasa ako na magugustuhan niya ang niluto ko dahil hindi naman ako masarap magluto. Kaya nga si Marah na lang ang palaging nagpeprisinta na kumilos sa kusina. Baka raw hindi namin magustuhan at masayang pa.
Nagluto ako ng sinigang na baboy. Mabuti na lang may laman ang fridge niya. Pero kailangan na ni Kaius mag-groceries. Hindi na aabot pa ng dalawang araw ang mga pagkain na nasa loob ng fridge. Kakaunti na rin ang bigas.
Ilang minuto lang ay narinig ko ang mga yabag ni Kaius. Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang makitang may nakahanda ng pagkain sa lamesa.
"Hindi ako magaling magluto," sabi ko at nagkamot ng batok. "Kaya huwag kang mag-expect na masarap 'yan.."
"Thank you," Kaius smiled. "Ngayon na lang uli may nagluto para sa 'kin."
Natigilan ako. "Talaga? Hindi ba pumupunta rito sa condo ang parents mo?"
He shook his head. "Wala silang time, sanay na rin ako."
Nagsimula na kaming kumain. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Kaius. Siguro ang lungkot na walang pakialam sa 'yo ang sarili mong magulang. Na siyang dapat kakampi mo sa lahat.
Habang ang mga magulang ko, kahit na hindi kami mayaman. Sinisigurado talaga nila na makakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Palagi rin silang nakasuporta sa akin. Kahit na nasaktan sila sa kinahinatnan ko, nagawa nilang tanggapin at mahalin ang kanilang apo.
"Babalik ka na ba sa apartment n'yo?" Kaius asked.
I looked away. "Hindi muna..."
"Bakit?"
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na one-week akong leave sa work? Kaya dito muna ako sa condo mo."
Napansin kong natigilan si Kaius. Kahit ako, hindi ko akalain na magagawa kong manatili pa rito. Hindi ko lang mapigilan na masaktan para kay Kaius. Kaya habang nandito ako, ipagluluto ko siya ng pagkain. Para may laman ang tiyan niya bago pumasok sa work.
"Are you sure?" He asked. "Maiiwan kita ritong mag-isa."
I nodded. "Okay lang! Ang daming pwedeng gawin dito, kaya hindi ako maboboring mag-isa..."
Nilibot ko ang tingin sa paligid ng condo niya. Balak kong lumabas para mamili ng groceries. Lilinisin ko rin ang buong unit niya kahit na maayos naman. Walang ideya si Marah na magkasama kami ni Kaius.
Siguradong nasa isip ni Marah na nasa Nueva Ecija na ako. Na kasama ko na ang pamilya ko. Gusto ko naman talagang umuwi, pero baka masundan ako ni Kaius. Kailangan ko pa rin na mag-ingat.
"May pool dito, 'di ba? Sa may rooftop?" tanong ko Kaius na busy sa pagpapatuyo ng buhok niya.
Nilingon niya ako. "Meron, bakit?"
"Gusto kong maligo sa pool!" excited kong sabi.
"Kapag nakauwi na 'ko, tsaka ka maligo sa pool."
Sumimangot ako. "Bakit naman? Kaya ko namang mag-isa, ah."
"No," umiling-iling siya. "Kailangang may magbantay sa 'yo."
"Hindi na 'ko bata para bantayan pa!" singhal ko.
"I know you're not a child anymore," Kaius said. "Pero 'yong pag-aalala ko sa. 'yo. Sobra-sobra, kaya sana sundin mo na lang ako."
Lumapit sa akin si Kaius at marahang hinaplos ang buhok ko. "Kapag may nag-doorbell, huwag mong pagbubuksan. Alam ko ang password nitong condo, kaya ibang tao 'yon."