Chapter 30

126K 2K 2.2K
                                    

Chapter 30

Trigger Warning: Sensitive language and content.

"Tulala ka yata, hija?" biglang tanong ni Mama. "May problema ka ba?"

Umupo si Mama sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Samuel. Palagi na lang sumasagi sa utak ko ang pinag-usapan namin. Wala akong sinabihan, kahit pa kay Kaius.

Alam kong nagbibiro lang si Samuel. Hindi ko masisisi kung nagseselos siya kay Kaius. Pero hinding-hindi niya magagawang manakit ng iba. Matagal ko na siyang kilala. Kahit nga sina Mama at Papa ay natutuwa sa kabaitan ng lalaki.

"Ma, gaano n'yo po kakilala si Samuel?"

"Si Samuel ba?" Mama asked. "Nakapa-buting tao ng batang 'yon. Noong nasa Maynila ka, palagi siyang bumibisita rito sa bahay para kumustahin kami. Minsan nga, dinadalhan niya kami ng pagkain."

"Talaga po?"

"Oo, hija, kung wala ka nga lang kasintahan, ipinagtabuyan na kita kay Samuel. Alam kong hindi ka niya pababayaan..."

I looked away. "Wala na po kami ni Kaius, at kahit na hindi na kami. Wala po akong balak na magpaligaw sa iba..."

"Alam ko," ani Mama. "Kahit na galit ka kay Kaius, nararamdaman ko pa rin na mahal mo siya. Mas nangingibabaw lang ang galit mo..."

Hindi ko magawang umimik sa sinabi ni Mama. Totoo ang sinabi niya. Mahal ko pa rin si Kaius. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi na siya ang laman ng puso ko. Mahirap itigil ang nararamdaman ko para sa kanya. Bukod sa si Kaius lang ang lalaking minahal ko, siya rin ang ama ng mga anak ko.

"May tampuhan ba kayo ni Kaius?"

Natigilan ako. "Paano mo po nasabi?"

"Halos isang linggo na kayong hindi nag-uusap. Kapag kasabay nating kakain si Kaius, ramdam kong may iba sa inyo."

Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Samuel, ramdam ko ang pag-iwas sa akin ni Kaius. Hindi naman siya nakalimot na kumustahin ako. Lalo na't madalas nang nananakit ang balakang ko. Minsan nga, siya pa ang tumatapos ng mga gawain ko.

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Mama nang lumapit sa amin si Traver. May pinapirmahan lang siya sa akin na kailangan sa school. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin pinapansin ang kanyang ama.

"Galit ka pa rin ba sa Daddy mo?" I asked him.

Hindi sumagot si Traver. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Alam kong hindi na siya galit. Minsan ay napapansin kong nakatitig siya sa kanyang ama kapag hindi nakatingin si Kaius.

"Kasalanan ko ang nangyari," pag-amin ko.

"Bakit po?" Traver asked.

"Hindi alam ni Kaius ang tungkol sa 'yo, kahit noong ipinagbubuntis pa kita," I mumbled. "Natakot akong aminin sa kanya, dahil akala ko hindi niya ako pananagutan..."

Bumahid ang gulat sa mukha ni Traver. Maiintindihan ko kung magagalit siya sa akin. Kasalanan ko rin naman kung bakit sila nagkalayong mag-ama. Hindi ko na kaya pang maglihim sa anak ko.

"Kahit na kami na ng Daddy mo, hindi ko pa rin sinabi sa kanya ang totoo. Nalaman lang niya sa iba ang tungkol sa 'yo..."

Napayuko si Traver. Yayakapin ko sana siya pero bigla siyang umatras palayo sa akin. Nanikip ang dibdib ko. Tatanggapin ko ang galit na ipararamdam niya sa akin.

"B-bakit mo po nagawa 'yon?" His voice trembled. "A-akala ko po, siya ang may mali. Na hindi niya ako kayang tanggapin kaya niya ako iniwan..."

"I'm sorry," I mumbled. "Pinangunahan lang ako ng takot, kaya nagawa kitang ilayo sa sarili mong ama..."

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon