Chapter 35

135K 2K 2.1K
                                    

#LastChapter ٩(^_^)۶

Chapter 35

Warning: R-18

Nag-plano na kami ni Kaius sa nalalapit naming kasal. Matutupad na ang pangarap ko na ikasal sa Manila Cathedral. Habang papalapit ang araw, hindi na mawala pa ang sayang nararamdaman ko. Hindi rin mawawala ang lungkot dahil wala sa tabi ko sina Mama at Papa para masaksihan ang pinaka-espesyal na pangyayaring iyon.

Hindi muna nila hinintay na makasal ako. Kung alam ko lang na iiwan nila kami, sana pinilit ko si Kaius na pakasalan na ako. Para man lang masaksihan nina Mama at Papa ang kasal ng nag-iisa nilang anak.

"May problema ba?" biglang tanong ni Kaius.

Nilingon ko siya na kasulukuyang pinapalitan ng diaper si Xyline. Napansin niya sigurong tulala ako. Hindi ko lang mapigilan na isipin sina Mama't Papa. Ilang buwan na ang nakalipas nang mawala sila sa piling namin.

Palagi ko pa rin naiisip ang nangyari. Ang sakit na wala man lang akong nagawa para sa kanila. Hinayaan kong mawala sila sa buhay ko.

"Namimiss ko lang sina Mama't Papa," I tried to smile. "Wala sila sa araw ng kasal natin..."

Lumapit sa akin si Kaius habang buhat-buhat na si Xyline. Nakangiti ang anak namin na para bang sinasabi na ngumiti rin ako. Binuhat ko si Xyline at niyakap. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa anak namin.

"I love you, baby," I whispered. "Sobrang mahal na mahal ka ni Mommy..."

Pinatulog ko na si Xyline, habang si Kaius ay kausap sa phone ang organizer namin sa kasal. Malapit na ring magawa ang wedding dress ko. Nag-iba ako ng style, hindi na iyong unang napili ko. Pakiramdam ko na malas iyon at ayaw ko nang maulit na hindi matuloy ang kasal namin ni Kaius.

"Magkikita kami ni Marah bukas," ani ko at umupo ako sa lap ni Kaius.

"Saan ang lakad n'yo?"

Niyakap ako ni Kaius mula sa likuran at hinalik-halikan ang balikat ko. Natutulog na naman si Traver kaya hindi niya makikita ang kalandian namin na kanyang ama. Kasama na namin si Sayara na nasa loob ng room ni Traver.

"Bridal shower..."

"Really?" gulat niyang tanong. "May iba pa kayong kasama?"

I shrugged. "Hindi ko alam kay Marah, wala naman ako gaanong kilala rito. Baka si April lang ang mapapunta ko..."

"May macho dancers?"

Hindi agad ako nakasagot. Siguradong may macho dancers sa bridal shower ko. Hindi papayag si Marah na hindi ko mararanasan iyon. Minsan lang naman daw mangyayari. Baka magtampo ang kaibigan ko kapag hindi ako pumayag.

"Magagalit ka ba kung meron nga?"

Hinarap ko na si Kaius. Napansin kong seryoso ang mukha niya. Mukhang hindi siya pumapayag sa balak na gawin ni Marah. Kung hindi nga siya papayag, baka hindi ko na lang ituloy iyon. Kaysa mag-away pa kami ni Kaius nang dahil lang sa macho dancers.

"Pwede naman," he replied. "Pero ako muna ang sasayaw sa 'yo..."

"Seryoso?" I was shocked. "Sasayawan mo 'ko?"

"Sasayawan kita sa kama," he said playfully.

Mahina ko siyang hinampas. "Hindi pwede! Nandoon si Xyline."

Kahit na baby pa si Xyline, hindi namin ginagawa ang bagay na iyon habang kasama siya. Ayaw naming ma-trauma ang bata. Hangga't maaari, pinipigilan namin ni Kaius ang sarili namin.

"Lambing na lang," aniya at humigpit ang yakap sa akin.

Napangiti ako. "Excited ka na?"

"Saan?"

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon