Epilogue (part one)

126K 1.6K 2.4K
                                    

Epilogue (part one)

"Why did you choose BS Biology? Your family runs businesses..." aniya. "Kaya dapat about sa business ang pinili mong course..."

Palagi na lang na iyon ang tanong nila sa akin. Kahit sina Mom at Dad, tinatanong sa akin kung bakit BS Biology ang napili kong course. Nag-iisa nila akong anak, at hindi magtatagal na ipamamana nila sa akin ang mga ari-arian nila.

Hindi ako interesado sa mga business nila. Lalo na't alam kong pipilitin nila ako sa bagay na ayaw kong gawin. They never treated me as their own son. I grew up with my grandmother. She was the one who raised me.

"I want to be a doctor," I replied.

"Doctor?"

I nodded. "Pediatrician..."

"Mahilig ka pala sa mga bata?"

"Umuwi ka na..."

Tinalikuran ko na si Jasmine. Kanina niya pa akong kinukulit. Wala akong oras sa kanya. Kahit na maraming beses ko na siyang ipinagtulakan, palagi siyang habol nang habol sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya.

"Ang sungit mo!" Inis niyang sabi. "Wala ka rin namang magagawa kung hindi ang pakasalan ako nang dahil sa Mommy mo!"

Bata pa lang kami ni Jasmine, ipinagkakasundo na kami ng mga magulang namin sa isa't isa. Matagal ko na siyang kilala, at ayaw ko sa ugali niya. Kaibigan ko ang kapatid niyang si Harviel. Kaya kahit na naiinis ako kay Jasmine, hindi ko siya magawang saktan. Pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ng kapatid niya.

I went to my room and packed my things. Balak kong lumipat sa condo, malapit sa University na papasukan ko. I lived in Manila, but I chose to stay in Baguio. Doon ko napiling pumasok ng college. Bukod sa nandoon ang University, gusto ko rin malayo sa parents ko. Hindi ako makahinga kapag kasama ko sila.

Naiintindihan naman ako ni Lola sa desisyon ko na umalis sa puder nila. Suportado pa siya sa akin. Alam niya na malaki ang tampo ko sa parents ko. Nag-iisa na nga nila akong anak, hindi pa nila ako maalala. Kasama ko sila, pero hindi ko maramdaman ang presensya nila.

Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nag-advanced study muna ako. I stayed in my condo the whole day. I spend most of my time reading books about biology. Bata pa lang ako, mahilig na akong magbasa. Lalo na kapag tungkol sa Science.

Nang mainip na ako kababasa ng makapal na libro, naisip kong lumabas. Pumunta ako sa mga kilalang lugar sa Baguio. Nang magutom ako ay nagtungo ako sa isang dinadayong restaurant. Wala akong pakialam kung mag-isa lang akong kakain. Mas sanay ako, at ayaw ko rin ng maingay sa paligid ko.

"Ang mamahal naman dito!" boses ng isang babae. "Wala akong pera!"

Dumako ang tingin ko sa babaeng umimik. Hawak-hawak niya ang menu, at makikita ang pagkunot ng noo niya na siguradong namamahalan sa mga presyo ng pagkain. May kasama pa siyang isang babae na mukhang kaibigan niya.

"Huwag na tayo dito, Marah!" pagmamaktol pa ng babae. "Kakain na lang ako ng inihaw na isda!"

Habang papalabas sila ng restaurant, hindi maalis ang tingin ko sa babae. She was wearing a denim jumpsuit skirt. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, na kulot ang dulo. Nakasuot pa siya ng puting sumbrero. Hanggang sa makalabas na silang magkaibigan ng restaurant, hindi pa rin maalis ang titig ko sa dinaanan nila.

"Who is she?" I mumbled.

I shook my head and looked away. I stayed here in Baguio to study, not to find a girlfriend. Kahit isa, wala pa akong nagiging girlfriend. Hindi ako choosy, hindi lang ako madaling mahulog sa isang babae. Marami na ang lumapit sa akin para maka-close ako, pero wala akong tinanggap.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon