Epilogue (part three)
#LastPart
"Mahal na mahal kita, Kaius..." humihikbi niyang sabi. "H-huwag mo namang gawin sa 'kin 'to... H-hirap na hirap na ako..."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Kahit na gusto ko siyang yakapin pabalik, mas pinili kong itulak siya.
"Tapos ka nang mag-drama?" I asked coldly. "Kung tapos ka na, pwede ka nang umalis. Magpapahinga na 'ko."
She was crying in front of me. I was an asshole. Mahal ko siya, pero nagagawa ko siyang saktan. Pinalaya ko ang babaeng mahal ko para lang mapalaya ko ang Papa niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Pumayag ako na pakasalan si Jasmine. Habang ang babaeng pinangakuan ko ng kasal, mas pinili kong talikuran. Hindi ko gustong iwan siya. Pero kapag nanatili pa siya sa akin, mas lalo ko lang siyang masasaktan.
Para sa kanya rin naman ang ginagawa ko. Para sa pamilya nila. Mahal ako ni Xyleenah, pero mas mahal niya ang Papa niya. Hindi ko kayang ilayo sa kanya ang kasiyahan niya. Kahit ako na lang ang magdusa, huwag lang ang babaeng mahal ko.
"Fuck," I punched the wall.
Umupo ako sa sahig at sinandal ang likuran ko sa dingding. Hindi ko napigilang umiyak, lalo na nang maalala ko si Xyleenah. Nasasaktan ko na siya. Lahat ng sinasabi ko, hindi totoo. Gusto kong bawiin ang lahat ng mga salitang binitiwan ko sa kanya.
Siya na lang ang meron ako. Wala na si Lola na palaging kakampi ko. Hindi ko kaya na pati si Xyleenah, mawala na rin sa akin. Pero naiipit ako sa sitwasyon. Wala na akong laya pa sa sarili kong mga magulang.
Pagkalabas ko ng room ay nakita kong mahimbing na natutulog si Xyleenah sa couch. Kinuha ko ang kumot ko at kinumutan siya. Kahit na ipinagtulakan ko na siya, hindi pa rin siya umalis. Umaasa pa rin siya na magkakaayos kaming dalawa.
"I'm sorry for hurting you," I gently kissed her forehead. "Mahal na mahal kita, Xyleenah..."
Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Gumalaw siya at biglang hinawakan ang kamay ko. Hindi ako umalis sa tabi niya. I miss her everyday. I miss her laugh, her kisses, her hugs, and her kasungitan. Everything about her.
Ang hirap na wala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya na hindi siya ang kasama ko. Pero ngayon, nakatali na ako sa babaeng hindi ko mahal. Kahit na imposible, gagawa ako ng paraan para lang hindi matuloy ang kasal namin ni Jasmine.
Dumating ang araw ng pasko. Nasaktan ko na naman ang babaeng mahal ko. Gustong-gusto ko siyang makasama. Pero mas pinili kong talikuran siya at sumama kay Jasmine. Kasama rin namin ang pamilya niya.
"Kailan ang kasal?" Tita Lavinia asked.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa pagkain ko. Hanggang sa kumapit sa braso ko si Jasmine. Nasa akin na pala ang atensyon nila. Hinihintay nila ang sagot ko sa tanong ng Mom ni Jasmine.
"I think... Next year, Mom!" Jasmine replied. "Para bongga po ang wedding namin ni Kaius."
Nagtawanan sila, habang inalis ko ang pagkakakapit sa akin ni Jasmine. Gustong-gusto ko nang umalis at puntahan si Xyleenah. Pero hindi ko magawa. Nakabantay sa akin si Mom. Kapag umalis ako, baka isipin niya na pinuputol ko na ang pangako ko sa kanya.
"Excited na akong magka-apo," sabi pa ni Tita Lavinia. "Habang matagal-tagal pa ang kasal, pwede na kayong bumuo ng pamilya."
I don't want to have a child with her! Gusto kong magka-anak, pero hindi sa tulad ni Jasmine. Si Xyleenah lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Pakakasalan ko si Jasmine, pero hindi ako bubuo ng pamilya sa kanya.