Epilogue (part two)

107K 1.2K 2.5K
                                    

Epilogue (part two)

"Who's next?" I asked my assistant.

"Hoven Dimaano," Jena replied. "'Yong may ubo po last time..."

Tumango ako at inilagay ang stethoscope sa leeg ko. Sumandal ako sa swivel chair at pinagmasdan ang office ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mararating ko ito.

It was a long journey. After graduation, I enrolled in medical school. I barely slept because I was busy studying. I went to school every morning, and came back home late. All the stress and pressure for many years have paid off. I was finally a pediatrician.

Kahit na busy ako, hindi ko nakalilimutan na pumunta sa Batangas para mag-donate sa isang bahay-ampunan. Nagkakaroon din ako ng free checkup sa mga bata. Kapag talaga stress ako, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang ngiti sa mga labi ng mga pasyente ko.

"Hi, dok!" Hoven greeted me.

Nakipag-apir ako sa kanya. Kasama ni Hoven ang Mommy niya. Halos lahat ng patient ko, ka-close ko na. Kumportable sila sa akin kaya hindi ako nahihirapan na alamin ang kalagayan nila.

"How are you feeling?" I asked him. "Did you take your medicine?"

"Yes, Dok!" Sumaludo pa siya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Kinausap ko ang Mommy ni Hoven kung may pagbabago na ba sa kalagayan ng bata. Nahihirapan si Hoven na ilabas ang plema. Kadalasan iyon ang nararamdaman ng mga batang natitingnan ko.

"Don't drink cold water muna, ha?" Hinaplos ko ang buhok ni Hoven.

"Sure, Dok!" He giggled. "But can I eat ice cream?"

I chuckled. "Bawal din ang ice cream..."

Sumimangot si Hoven. Kinausap siya ng Mommy niya. Ilang saglit lang ay nagpaalam na sila. Tiningnan ko ang oras. Hindi ko namalayang hapon na pala. Marami-rami na ang patients na na-checkup ko.

"Ingat ka po, Dok!" nakangiting bati ni Jena.

I smiled at her. "Ikaw din..."

Sumakay na ako sa kotse ko. Balak kong bumili ng groceries. Wala na akong makakain sa condo ko. Bumalik na ako dito sa Manila dahil nandito ang work ko.

Pagkarating ko sa mall ay pumunta agad ako sa Supermarket. Walang gagawa nito para sa akin. Hindi na ako bumalik pa sa bahay namin. Pupunta lang ako roon para bisitahin si Lola. Proud na proud siya sa akin dahil natupad ko ang pangarap ko na maging isang Doctor.

"Kaius, tol?" I heard a familiar voice.

Hinanap ko kung sino ang umimik. Nakita ko si Harren, na kaklase ko noong college. Kahit na maraming taon na ang lumipas, nakikilala ko pa rin siya. Naging magka-close kami dahil magkasama kami sa internship namin sa isang hospital.

"How have you been?" I asked him.

Harren chuckled. "Okay lang naman, licensed architect na..."

"How?" my forehead creased. "Akala ko, gusto mo maging neurologist?"

Tumango siya. "After graduation, pumasok ulit ako para maging architect. Pinilit lang ako ni Mom sa kursong hindi ko gusto kaya nag-BS Biology ako..."

Tumango-tango ako. "Good luck on your journey..."

"You're a Pediatrician Doctor, right?" He asked me.

"Yes, finally..."

Lumapit pa siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Nakaka-proud ka, tol!"

Napangiti ako. Maraming tao ang proud sa akin, pero iyong sarili kong mga magulang. Hindi ko man lang narinig ang salitang iyon. Hindi pa rin nila matanggap na nag-Doctor ako. Pinipilit nila na business ang kuhanin ko, na hindi ko naman gusto.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon