Chapter 26

117K 2K 1.7K
                                    

Chapter 26

"Seryoso?" gulang na tanong ni Marah. "Ikakasal na sina Kaius at Jasmine?"

Mabagal akong tumango. "Oo, ikakasal na sila."

"Tapos parang hindi ka man lang nagulat?" ani Marah at hinarap ako sa kanya. "Wala ka ng pakialam kay Kaius?"

I looked away. "Wala na naman akong magagawa. Kahit pa magmakaawa ako kay Kaius, hindi na siya babalik sa 'kin..."

Muling ibinaling ni Marah ang tingin sa phone niya. Ibinalita ang nalalapit na kasal nina Kaius at Jasmine. Kilalang modelo si Jasmine, habang si Kaius ay isang Doctor at mayaman pa ang pamilya. Hindi na nakapagtataka na may gumawa ng balita sa nangyayari sa buhay nila.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Kaius. Malakas ang kutob ko na kaya siya pumayag na pakasalan si Jasmine, para lang makalaya ang Papa ko. Nakipagsunduan siya sa sarili niyang ina.

Nakalaya na si Papa, kaya siguradong hindi na uurong si Kaius sa kasal nila ni Jasmine. Masakit para sa akin na tanggapin ang katotohanan. Wala man lang akong magawa para ipaglaban ang lalaking mahal ko.

Siguro kung mayaman lang kami, may laban ako. Kaso wala talaga akong maipagmamalaki sa kanila. Hinding-hindi ko mapapantayan si Jasmine.

"Hahayaan mo na si Kaius na mapunta sa iba?" pangungulit pa ni Marah.

"Gusto ko siyang ipaglaban," I sighed. "Pero alam kong matatalo lang ako. Hindi ko mapipilit si Kaius na huwag ituloy ang kasal nila ni Jasmine..."

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nasa baba si Traver, kasama niya ang Lolo't Lola niya. Pumunta rito si Marah para kumpirmahin kung totoo ba ang nakita niya sa social media.

Isang buwan na lang, ikakasal na si Kaius. Parang kailan lang noong nagpaplano kami ng kasal. Ngayon siya na ang ikakasal, at ibang babae ang kasama niya.

"Kakayanin naman natin na wala siya, 'di ba?" Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. "Sorry, baby, pati ikaw, hindi mo mararanasan ang kalinga ng isang ama..."

Pipilitin kong tanggapin na hindi talaga kami ni Kaius para sa isa't isa. Pero sana bago siya ikasal, pagbigyan niya ako na makasama siya. Kahit isang linggo, o, isang araw man lang. Sapat na sa akin iyon.

Kinabukasan ay pumasok ako sa work na walang gana. Nagkakamali pa ako sa pagbibilang ng pera. Napansin iyon ni Nikko kaya siya na ang pumalit sa akin. Nahihiya ako dahil nadadamay pa talaga ang trabaho ko.

"Sorry, Nikko," yumuko ako. "Marami lang akong iniisip..."

"Okay lang," aniya. "Kapag hindi mo feel na magtrabaho, sabihin mo agad sa 'kin. Hindi naman kita pipiliting pumasok..."

Hinayaan niya lang ako na nakaupo. Habang siya ang gumagawa ng trabaho ko. Pero nang kaya ko na naman ay ako na ang kumilos. Binabayaran niya ako kaya kailangan kong gawin ang trabaho ko.

"Nabalitaan ko na ikakasal na ang ex mo?" biglang tanong ni Nikko. "Totoo ba 'yon?"

I nodded. "Ikakasal na si Kaius sa iba..."

Dumako ang tingin ni Nikko sa suot kong singsing. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdyan iyon. Hindi ko pa rin talaga inaalis kahit na engaged na si Kaius sa ibang babae. Hirap na hirap pa rin akong tanggapin ang katotohanan.

"Ako ang pinangakuan ni Kaius na pakakasalan," I sighed. "Pero ibang babae naman ang makakasama niya."

Hindi ko magawang tumingin kay Nikko. Alam kong nag-aalala siya sa akin. Idagdag pa na buntis ako. Baka makaapekto ang nararamdaman ko sa batang dinadala ko.

Hold Me Tight (Embrace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon