Chapter 11
"I know you're awake..."
Hinigpitan ko ang kapit sa kumot. Kanina pa akong gising pero hindi ko magawang bumangon. Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Kaius. Wala ako sa katinuan kagabi kaya hindi ko alam ang pinagsasabi ko sa lalaki. Hindi ko rin gaanong naaalala ang ginawa ko!
Nagising na lang ako na suot ko ang malaking damit ni Kaius. Pilit kong pinapakiramdaman ang sarili ko, wala namang kakaiba sa akin. Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nagtatanong sa kanya. Baka kung anu-ano na pala ang pinaggagawa ko kagabi.
Hindi ko akalain na nang dahil sa isang beer na tinanggap ko mula sa lalaki ay biglang mag-iiba ang pakiramdam ko. Para bang pinapaso ang katawan ko sa sobrang init. May bagay na gusto akong gawin na hindi ko maintindihan.
Lalo na nang makita ko si Kaius kagabi! Mas lalo niyang pinainit ang nararamdaman ng katawan ko.
"May gusto ka bang sabihin sa 'kin?" muling sabi ni Kaius.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko. Dumako ang tingin ko kay Kaius. Nakasuot na siya ng polo at black pants. Nakahanda na rin ang white coat niya na siguradong papasok na sa work.
Kung wala lang ako rito, baka kanina pa siyang umalis para pumasok sa work niya. Hindi niya ako maiwanang mag-isa.
"A-ano," I bit my lower lip. "M-may nangyari ba sa atin?"
Kaius raised a brow. "Sa tingin mo?"
I gulped. "H-hindi ko alam..."
"Sa tingin mo ba na magagawa ko 'yon lalo na't lasing ka at wala sa katinuan?" aniya. "No, I suffered alone. I did it by myself, using my fucking hand just to calm me down... Sobrang pinahirapan mo 'ko..."
Nag-init ang mukha ko. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Kahit na wala ako sa katinuan, hindi siya nag-take advantage sa akin. Baka nga ako pa ang gumawa ng masama sa kanya.
"Please, kung gusto mong mag-inom. Sabihin mo sa 'kin, sasamahan kita... Kahit saang bar pa, basta huwag mo nang uulitin 'yon..."
I nodded. "Sorry..."
Tumayo si Kaius at lumapit sa akin. Inalalayan niya akong makatayo mula sa kama. Mahaba ang suot kong t-shirt kaya natatakpan ang cycling na suot ko. Isa pa na gusto ko ay sobrang bango ng damit niya. Hindi nakakasawang amuyin.
"Nagluto na 'ko ng breakfast," ani Kaius. "Kumain na tayo..."
Ipinaghila ako ni Kaius ng upuan. Mabilis akong umupo roon, habang pumewesto siya sa harap ko. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan na mapasulyap kay Kaius. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ang ama ng anak ko.
Palagi kaming magkasama. Wala man lang siyang ideya na may nagbunga noong araw na iyon. Malaki na ang anak namin.
"Papasok ka ba sa work?" biglang tanong ni Kaius.
I nodded. "Oo naman, okay na ako... Kaya ko nang kumilos."
Ipinagpatuloy namin ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng plato. Habang si Kaius ay may katawagan sa phone. Mabilis akong natapos sa paghuhugas dahil kaunti lang naman ang mga ginamit namin.
Habang busy pa rin si Kaius sa katawagan niya ay inilibot ko ang tingin sa condo niya. Kahit na busy siya, halatang alaga sa linis ang buong paligid. Baka may pumupunta rito para linisin ang buong unit niya.
"Let's go?" biglang sabi ni Kaius.
"Pwede bang ihatid mo muna ako sa apartment? Hindi pa 'ko naliligo!"