01. Amari
"Huy teh! ano na? nakatulala ka pa d'yan. hindi ka ba papasok?" sigaw ni shan sakin halos mabingi ako sa boses nang babae na 'to.>__<
naalala ko first day of class pala namin ngayon. at napa-tingin ako sa cellphone ko, nanlaki mga mata ko sa nakita ko!
7:30 na pala, hindi rin aabutin kung lalakarin lang namin papuntang school dahil walang masakyan dito sa subdivision namin. ang mahal kaya ng special buti pa nga yung sasakyan namin eh special, e ako?!! char umepal nanaman si author!^_^
"sana classmate tayo sis!" habang hawak hawak ko kamay ni shan. "okay lang naman sakin kung hindi tayo classmate, pupuntahan namin kita sa room mo baliw ka!" Bigla kong inalis kamay ko sakanya, inirapan ko siya hays bahala na si batman.
"B-bessyyyyyy!!!" sabay kaming napatingin ni shan sa likod may babaeng sumigaw halos masira na yung mood ko. ang ingay T^T
Si elle lang pala.
"hoy elle! sakit mo sa eardrums ahh nilunok mo ba yung bato ni darna? taas nang energy teh" sabay kaming nagtawanan sa sinabi ni shan. kahit kailan talaga kakabagin ka sa dalawang 'to e.
kaso biglang umingay ang paligid namin nung narinig namin may nag uusap.
"Oh my gosh! Ang ganda talaga niya!"
"Oo nga eh, sabi nila valedictorian din daw yan nung high school! "
para silang bubuyog na nagbubulungan pero rinig na rinig dahil sa lakas nang boses.
"sana maging classmate ko siya!" sabay sabi nung nasa gilid namin.
isa din akong napatulala dahil sa ganda niya, makinis at maputi tapos idagdag mo pa yung tangkad niya oh taray modela na yarn hahaha
"Narinig ko sikat daw yan dito!" sabi ni shan sa akin with matching alog pa sa balikat.
"Of course! siya lang naman yung sikat sa campus natin teh! " isa pa 'tong si elle. kilala niya rin?
"Kapatid daw siya nang isang sikat na influencer ngayon sa social media, omg!"
"ay sino dun teh? apat yun ano ka ba. si david?"
"w-wait? sinong david?" putol ko sa kanilang dalawa. curious ako bakit ba
"david clarito teh yung sikat na influencer sa social media, hindi mo kilala? ay grabe mag f.o na tay-
joke lang" kinurot ko tuloy siya sa tagiliran niya. sino ba kasi yung david na yan? parang narinig ko na yung name niya pero hindi ko maalala, may amnesia na ba ako?
"loka! kapatid niya si duke pascual ang crush lang naman ng campus na 'to!" sabay sigaw niya. nabibingi na ako sa totoo lang
"Ewan ko sa inyong dalawa. Aanhin ko ba 'yan. hindi ba tayo papasok? hello! late na tayo!" inunahan ko na lang silang maglakad at agad naman silang sumunod parang aso lang hahahahaha
David clarito sino ka nga ba talaga?

YOU ARE READING
Between me & you
General FictionAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.