"Nakakaloka, ang daming pogi."
narinig ko ang boses ni shan papalapit sa upuan namin. "beh, yung katabi mo ang pogi ah? ano name?" kinurot ko siya sa tagiliran.
sarap hampasin e.
"huwag kang magulo, kala mo nakalimutan ko ginawa mo kanina?" inalis ko kamay niya sa desk ko. nakakainis kaya.
"Aray ko, ha!" Pag rereklamo niya.
inayos ko yung upo ko at kinuha ang notebook ko. ay shet? may assignment kami? dito ko nalang gagawin habang 'wala pa teacher namin.
"Ano 'yan?" Curious na sinilip ni david yung ginagawa ko. at agad ko naman nilayo sa kanya.
Wow, feeling close? kala niya nakalimutan ko na.
ngumuso siya at inirapan ako. attitude ahh?
siya na nga may kasalanan ako pa inirapan?
"wala ka na don, tse!" padabog ko'ng inayos yung notebook ko.
"Isip bata." bulong n'ya. ano raw? wow? ako isip bata? "ano? ako isip bata? joker ah!" inis kong sabi.
"talaga naman, e. isip bata ka!" sabay irap sakin. ano yan? bakla ba siya?
"ikaw nga bakla e. nye nye nye!" at nilagay yung notebook sa loob ng bag ko. nakakawalang gana gumawa ng assignment kung may asurot.
"what did you say?" halatang pikon hahaha
"bakit ko uulitin? bingi ka ba?"
"hindi ka siguro babae, napatol sa lalaki." pilosopong sinabi niya. "wow ha, kahiya naman sayo."
"Dapat lang. mahiya ka, tsk."
inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng bag. hayaan ko muna siya kainis, eh. tumingin ako sa gilid ko at nakatingin sakin si shan.
"WAAAAH!" sigaw niya.
"grabe. feel ko nanonood ako nang-kdrama dito!" sabi niya habang nakatingin sakin.
"Ay, ewan ko sa'yo. manahimik ka." Inis kong sabi.
"BAGAAAAY KAYOOOO!"
"manahimik ka nga, ang ingay mo!"
Ano ba iniisip niya? siraulo 'ata, to.
tumingin ako sa likod ko at nakita kong wala na si david. nasaan nanaman yun?
"amari, sama ka? pupunta kami faculty e" Sigaw nung classmate naming isa.
hays, tumayo na rin ako para sumama kay gwyn.
"B-bes!" sabi ni shan. "oh? bakit?"
"m-may tagos ka!" bulong niya. agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. m-may tagos daw ako!
seryoso ba?
"wag mo nga ako lokohin, wala ako sa mood ngayon." walang mood kong sinabi sa kanya.
"S-seryoso. may tagos ka!" seryosong sinabi niya sakin. at agad akong tumalikod para tignan
Oh! syet! anong gagawin ko?
buti na lang wala masyadong tao rito sa room. salamat at walang makakita.
agad akong tumakbo papuntang restroom. bad timing naman talaga 'to. kaya pala mainit lagi ulo ko, kase may period ako ngayon!
napalingon ako sa mga paligid. at buti hindi dumog ngayon. napansin ko tuloy ang lakas
MAMAAAAAA!!
ano gagawin ko? nakalimutan ko mag dala....
wait? yung cellphone ko?
wala rin....
malas nga naman, jusko naman lord. heeeeeeelp!
nakatitig ako sa labas ng restroom at pinagmamasdan kung sino mga dumadaan, baka may makilala ako.
gulat ako ng dumaan sa harap si david. at halatang may kausap sa phone. mukhang hindi pa niya ako napapansin.
"Oh?" sagot niya sa kabilang linya.
nakatagilid siya. napansin ko tuloy ang tangos ng ilong niya at ang jawline.
ano ba 'tong iniisip ko?
Ang dapat kong iniisip ay matulungan niya ako.
kailangan ko siyaaaaaa.
"Uh. I haven't seen it yet but I'll try later." sinandal niya ang ulo niya sa pader habang may kausap sa phone.
sino ba kausap niya?
"sige. tawagan ko siya mamaya. ako na mag e-explain!" sagot niya ulit. agad akong nagtago sa loob nung napansin kong palingon siya sa gilid.
bad timing naman 'to. may kausap pa siya.
"I'll ask Tito Sam. regarding sa situation na 'to." sagot niya.
anong situation kaya yun?
"okay. thanks." at tsaka niya binaba yung phone.
tapos na? buti naman.
sisilip sana ako nang makita ko siya'ng tingin sakin.
nakatingin siya, omg.
ako naman ngayon ang naakwardan, ganito pala feeling pag tinitigan ka ng isang tao. yung muka niya ay malapit sakin....
bakit ganyan siya makatitig? char, assumera talaga ako.
"A-anong ginagawa mo dito?" Utal kong sabi.
awkward kase bhie. ano ba yan.
nasa gilid pa siya, diba?
"I just passed by.... ikaw? ginagawa mo, rito?" seryosong tanong niya. at tumingin sa gilid na para bang may hinahanap.
"may hinahanap ka ba?"
"no... tinitignan ko lang kung madaming nakatingin, baka ma issue nanaman tayo at isisi mo sakin." natawa naman ako dun sa sinabi niya.
"so, bakit ka nga nandito?" tanong niya.
"kase..."
"D-david...."
"huh?"
"i-i need your help!"
YOU ARE READING
Between me & you
Fiction généraleAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
