Tuesday ngayon, maaga ako gumising dahil maaga raw papasok ngayon si samara. kaming dalawa lang kase dito sa bahay, wala si mama Until friday, nasa business trip sila ni tita."What? Bakit? Iiwan mo ko?" I can't believe david talaga. Kausap ko si David sa phone ngayon. sinasabi niyang iiwan niya na raw muna ako.
"Hey. It's just 1week. Besides, clear na naman tayo sa media. That's not a problem."
"Eeeeh. Kasi...hindi pa kami ayos ni elle at shan ngayon, tapos mawawala ka pa." Iiwanan niya ako for 1 week. Kaya ko naman yun. Kaso, sino makakasama ko tuwing breaktime?
e, galit nga sakin yung dalawa."May shooting nga ako for 1 music video. And sa London yung place."
"May magagawa ba ako? Kainis naman" Napakagat labi na lang ako sa inis. Tumawa lang siya sa kabilang linya.
"You know, Amari. I'm starting to think na mamimiss mo ako kapag nawala ako. wala ka kasi maaway."
"HOY. HINDI HA. GUSTO MO WAG KANA NGA BUMALIK, E!"
De joke lang. Mamimiss ko nga siya. kasi, siya yung lagi kong kasama diba? Atsaka, di pa rin naman kami
bati ni Shan. Wala akong kasama sa school.
Alam kong nakita na niya yung news pero hindi niya pa rin ako kinakausap.ni sorry nga, wala e.
"I know you, Amari. Don't deny it."
"Huy! Kapal mo rin, no? Hindi ka pa talaga nagbabago. Assumero pa
rin."wala lang, gusto ko lang siya asarin. lalo't one week siya mawawala sa school.
"Haha. sige na. pumasok ka na, baka ma-late ka pa dahil sakin, sisihin mo na naman ako." narinig ko yung tawa niya sa kabilang linya, kaya napangiti ako.
"Oo, sisihin talaga kita, pag ako na late kase kinausap mo ako."
"Sige. Ingat ka ha? Wag mong i-ignored yung message ko, Amari. I-message na lang kita pag nakauwi na ako, okay?"
"Ayoko nga! De joke. Oo na."
"Wag kang lalandi dyan. May 3 weeks pa tayo bago mag-end yung contract natin." ha? 3 weeks na lang? Ang bilis naman.
hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot sa sinabi niya. 3 weeks na lang, Amari.
di ba dapat masaya ako? Dahil matatapos na fake contract namin, wala na kami kailangan itago pa. Magiging-clear na sa lahat yung about samin.
"Hey, nandyan ka pa?"sigaw niya sa kabilang linya. "Aray ha! Lakas ng boses mo, di ako bingi."
"Sorry naman. Hindi ka kasi sumasagot, may ginagawa ka ba?"
"Wala kana dun! Ay sus. Curious yarn?" pang-aasar ko. "Asa ka! Feeling 'to." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hoy! Kumain ka dyan ah? Wag kang papalipas, dapat pag-balik mo hindi ka payat. yari ka sakin!"
"Bakit? Papalitan mo na ako?"
"Hindi, syempre. Ayoko lang pumayat ka, hindi bagay sa'yo! Mag mu-mukha kang adik don, sige ka."
"Amari. Alam mo, you seriously sounded like you're my girlfriend. Wag kang mag-
aalala. kakain ako ng madami para sayo."sabay tawa niya sa kabilang linya."Ikaw rin, magpataba ka. Dapat pag-balik ko mataba pa rin yung pisngi mo, ha!"
"Che! Hindi ko ipapahawak sayo yung pisngi ko. Baka may germs ka pa, yuck!" De joke, ang linis nga ng mga kamay niya e, tsaka ang bango. gusto ko lang talaga siya pikunin.
"lagi mo akong inaaway, siguro gusto mo ako?"
nagulat ako sa tanong niya. halos mabato ko na yung cellphone ko.
"H-hindi ah! grabe, ang hangin naman."
"Wala naman akong sinabi na gusto mo ako ha?" Bakit ba ganito ako maka-react? Parang affected ako sa mga sinasabi n'ya.
"S-sige na, bye na. Call me kung babalik ka na. Ingat."Tumawa lang siya ulit.
"So, bye! Sorry di kita masasamahan ngayon sa school, bawi ako pagbalik ko."
"Okay lang yun. Ingat ka."
"Yes. Ikaw din. Uhmmm. Wait!"
"Huh?"
"Sayong sayo lang ako. Wag kang mag-overthink dyan, okay? I missed you."
ha? naguguluhan ako, totoo ba 'to? wala naman to sa contract namin, e?
Dugdugdugdug. Syet! Anong nangyayari? Bakit ang bilis?
"Bye, Amari. Take care."
"You too, bye."
Pagkatapos kong i-end yung call, lumabas na ko ng bahay. Papasok na nga ako. Wala na naman akong kasabay. Si samara, pumasok ng maaga. Dahil kasama niya daw bff niya.
"Sayong sayo lang ako, i missed you."
"Sayong sayo lang ako, i missed you."
"Sayong sayo lang ako, i missed you."lah? Anyare? Na-LSS naman ako sa sinabi niya. Nakakamiss kaagad siya. Wala akong kasabay e, sana bumalik na agad siya.
Hirap ng ganito, LDR kami. char!
pero totoo nga, gusto ko palagi siya nandito sa tabi ko. Ewan ko kung bakit. Dahil siguro comfortable akong kausap siya at kasama?pero parang may mali, e?
Hindi kaya.... Inlove na ako sa kanya?
No! Hindi pwede mangyari 'yun. nag promise kami sa isa't isa, bawal ma-fall.
baka kabag lang 'to, Amari. Sana hindi totoo yung iniisip ko. Bawal.
YOU ARE READING
Between me & you
General FictionAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.