Kumain muna kami sa restaurant malapit lang sa mall, sabi ko kay Amari na madami dapat siyang kainin dahil alam mo na, baka mamaya dahil
sa gutom niya, makalimutan niya yung mga sasabihin namin sa interview.Ang ganda niya talaga sa soot niya. Seryoso ako. Ang cute niya. di nakakasawang titigan 'to.
"Kain ka pa! wag kang mahiya."
"Baka mamaya, tumaba ako nito!" PInisil ko lang yung pisngi niya.
She's really nice to be with. Kahit lagi kaming nag-aaway. Never naman ako nagsalita ng masakit sa kanya.
Bakit pala ako niyakap nito kanina?
may problema ba 'to?
"Bakit mo pala ako niyakap kanina? May problema ka ba?" Bigla siyang nagstop kumain. Tapos tinitigan ako ng
Nakakatunaw!
"Ano ba kasi problema mo?" Di pa rin ako pinapansin.
"Oy, may nagawa ba ako?" Di pa rin kumikibo.
Bigla siyang tumingin sakin at nagsmile."Hehe. Wala lang yun." Pero alam ko na she's lying. Alam ko kung paano
malalaman kung nagsisinungaling siya eh."Ano nga kasi yun? Don't lie to me. I'll understand naman." Tumingin siya sakin at biglang hinawakan yung kamay
ko.nakaramdam ako nang sparks, dahil sa hawak niya, ano ba 'to nababading ako.
Wha-whaaat? Anong nangyari? Bakit ganito yung heartbeat ko?
"David..." Tapos nagsigh siya bigla. "Bakit?"
Binatawan niya yung hawak niya sa kamay ko at uminom ng tubig.
"Simula ngayon, maging-open na tayo sa isa't-isa ah."
Bigla naman akong natuwa nun. First ko 'to.
pero bakit gusto niya maging-open kami sa isa't isa?Pero naisip ko na kaya lang siguro sinabi niya yun sa kanya dahil girlfriend ko siya diba?
Tinignan ko si Eya, nakatingin rin siya sakin, she's so pretty today.
"So? Ano naman dahilan?"
"If ever you need anything, a friend. Kahit ano kung gusto mo ng kausap. Just ask me, okay? T-tsaka kahit girlfriend mo lang ako sa papel, hindi naman ibig sabihin nun hindi kana pwede magsabi saken, I'm just curious."
"Amari. Curious saan?"
"I know nahihirapan ka. Dahil wala kang kadamay, kaya ako nandito para makinig sa mga kuwento mo!" ngumiti siya at hinawakan ko yung pisngi niya, hinarap sakin.
"Tell me! Anong problema?"
"W-wala nga. kulit mo!"
"Weh?"
"Curious lang talaga ako sa buhay mo."
natahimik ako sa sinabi niya, Sumobra ata yung tibok ng puso ko. "Thank you." sabi ko habang hawak hawak pisngi niya.
"Let's just eat. lalamig na 'to, oh!" We ate in silence. Natutuwa talaga ako Eh kasi naman, palagi siya nandyan sakin at pinaparamdam na importante pala ako, kahit sa iba.
Ewan ko ba, abnormal na 'tong puso ko. Amp.
Nung tapos na kami kumain, tumayo na siya at palabas na ng restaurant. i-interviewhin na kami.
"Amari. Wait!"
Nagstop naman siya at tumingin sakin.
Di ko napigilan, bigla ko siyang niyakap.
Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.May mga taong nakatingin samin curiously sa loob at labas ng restaurant, mukha kaming baliw. Haha, wala naman akong pakielam e, basta kasama ko siya.
"Alam mo ba this is our first dinner?" Tumingin siya sakin. "Nagpapatawa ka ba? Ilang beses na kaya."
"I mean, as a couple."
Bumulong siya. "Kahit fake lang 'to?"Di ko alam kung bakit parang may ano sa puso ko, kumirot or something? Ewan. Di ko na lang pinansin.
"Oo." Ngumiti lang siya at nagnod. "Lika na nga. Labas na tayo."
"Teka, tumaba ata ako. Dami kong nakain pano na 'yan?" Natawa naman ako dun. pinisil ko ilong niya. "Kahit tumaba ka pa, You are still beautiful." Natulala naman siya sa sinabi ko at hinampas ako.
"Ewan! Bolero ka."
Totoo naman kase na maganda siya, bakit ko i-deny?
"Lika na. Nandun na raw mga reporters, hinihintay tayo." Hinila ko na siya papuntang sasakyan.
"Nga pala, yung nag-ayos sakin kanina, sino siya?"
"Ah! Hindi namin siya kaano-ano, pero palagi siya kasama ni mommy before, parang tita na din turing namin sa'kanya."
"Buti na lang at hindi halata na you're faking it." Asides from the two of us, obvious
naman na hindi nila kami mahahalata nasa fake contract lang kami."magaling tayo magpanggap, e!"
After 20 minutes, nandito na kami at naghihintay na ang mga reporters.
"so, mag start na ba tayo?!"
"just wait here and I'll call you kung pupunta na tayo sa harap, mag-ready ka na."
Nakaupo lang kami at nagkkwentuhan while we're waiting for the interview to start. I know she's nervous, it's pretty.
"David... pano kung magkamali ako?"Napatingin ako sa kanya, at hinawakan yung kamay niya para mawala yung kaba niya.
"Kaya mo yan. Ikaw pa."
"sinasabi ko sayo pag ako nagkamali, wag mo akong sisisihin." Napatawa ako sa sinabi niya.
Wow, I don't know, pero nagiging komportable na talaga ako sa kanya. Hindi na naman siguro kami mag-aaway nito ng madalas.
And, well, I don't wanna deny it,
but she's fun to be with.
Kahit minsan iniisip ko na wala 'ito sa contract.Geez, grabe, nababading na ata ako sa pinagsasabi ko.
YOU ARE READING
Between me & you
General FictionAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.