CHAPTER 37. [Retreat Day]

9 1 0
                                        

"Hoy ate, iwan mo nga cellphone mo! sabing bawal 'yan e ang kulit mo."

"Susurrender ko naman siya eh!"

"Eh bawal nga! Kapag nawala yan, bahala ka." Grabe naman 'tong si Samara, Sarap upakan. Pero dahil tama
siya, baka mamaya biglang mawala 'to sa retreat, iiwanan ko na lang.
Kaso, paano yan? Gusto ko magsoundtrip ng mga kanta ni mariah Carey at Chris brown at kpop syempre. bts for lifer tayo!

Isang Backpack dala ko pero ambigat. Nagdala kasi ako ng mga pagkain kahit libre naman pagkain dun, wala
lang. Para sa kakainin sa loob ng room. Dagdag pa yung mga retreat letters, dami ng sakin eh! Anyways, sino kaya
roommate ko? Haynako. Mamaya ko na iintindihin. 7 na! 7:30 aalis yung bus. Ang tagal ni Shan!
*ding dong*"Pakibukas naman Samara!" Narinig kong pinagbuksan niya ng pinto yung nagdoor-bell, salamat at si Shan na yan!

*Grabe, alam niyo sino bumungad sakin? walang iba si david : )) ginagawa niya rito? nasan si shan?
"Engot. Lika na?" Nagnod ako at sumakay sa kotse niya.
After 5 minutes, andito na kami sa school. Salamat at di kami late. Mineet namin sila Seadrix, Shan, Elle at Andz velasco. friends nila david. sa tapat ng
campus Dun kasi yung pila.

"Excited nako!"

"Me too. Nakakakaba!"

"Nakakabored kamo."

"Sus. Edi wag kang sumama!" Grabe naman 'tong mga love birds na 'to.
Nag-usap usap pa sila. Nakakatamad dumaldal kaya habang hinihintay namin yung bus, umupo muna ako sa upuan
malamang. Tssk.

Tumabi sakin si Seadrix. Nawala bigla yung barkada, kami lang natira. Bumili sila sa canteen ng food.
Si Bryan, ewan. Umalis siya sandali, may kakausapin lang daw. Nakakatamad tuloy.

"Oy Amari?
Nakapangalumbaba ka? Anong nangyari?"

"Ang tagal ng bus eh. Magkaiba tayo ng bus diba?"

"Oo eh. Sayang."

"Bat ikaw naman ang nakapangalumbaba dyan?"

"Wala. Kasi naman eh!"

"Oh bakit?" Problema ng isang 'to?

"Gusto ko ng umamin. Kaso, natotorpe ako."sinapok ko nga.
*waaapaaak!*

"Aray bakit mo ako sinapok?!" Sabay hawak sa parte ng sinapok ko.
Ang torpe ng isang 'to. pano magiging sila niyan?

"Bakit di ka pa umamin?"
Sumimangot naman siya at nagpout.

"Nakakahiya kasi. Baka mamaya, di niya ako payagang manligaw."

"Papayag yun." Binigyan ko siya ng encouraging smile at nagthumbs-up.

"Weh? kilala mo ba tinutukoy ko?"

"Oo naman. Si S---"

"Basta. Eh, ikaw? Umamin ka na ba?"

"ALAM MOOOO?!"

"Oo. obvious naman..." tinakpan ko yung bibig niya bigla. Kakaasar! Paano niya nalaman na gusto ko si David?
Kinagat niya yung kamay ko kaya napabitaw ako.

"Aray naman!"

"Sorry. Ikaw naman kasi, O.A MO! Natural umamin ka na kay David na gusto mo siya, kayo na nga
eh. Ang bobo mo naman." That was close. Akala ko alam niyang fake bf/gf lang kami. HAHAHAHAHAHA safe pa din.

"Sa tingin mo Amari? Papayagan akong manligaw nun?" Sabay hawak sa kamay ko.
Pinisil ko yung kamay niya, pang-eencourage. Nginitian ko siya ulit. "Oo nga. Ang kulit."

Between me & youWhere stories live. Discover now