CHAPTER 16. [New Students]

13 1 0
                                    


nandito kami ngayon sa classroom at nakaupo na, hinihintay na lang dumating ang next subject namin.

napansin ko na wala pa din si david dito sa classroom, dahil pinatawag s'ya ni sir samsom sa office.

"bakit ang tahimik mo, bes? may problema ka ba? kanina pa 'yan, e!"

napatigil ako sa nagsalita, si shan lang pala.

"h-huh? wala."

"kanina ka pa tulala sis, lalim n'yan ah?"

"w-wala naman, bakit?"

"sigurado ka?"

"oo nga, kulit mo. nga pala si elle?" hindi kasi ako nakapag-paalam kanina kay elle, dahil wala ako sa mood. baka magtampo na 'yun sakin

matampuhin pa naman yan.

"ah si elle? hinatid ko na kanina sa classroom nila, bakit?
hinahanap ka n'ya kaya sinabi ko nag cr ka."

si shan talaga ang life-saver ever since, kaya love na love ko 'yan e.

napansin naming nandyan na yung teacher sa harap kaya umayos na ako ng upo, baka mamaya mapagalitan pa kami, e.

"hi, class. I am your last subject,
I will be your music teacher. I'm trixie ocampo!" nagpalakpakan sila at nag welcome kay ma'am. ganda n'ya, parang bata pa.

nag discuss lang s'ya about music. mabait naman siya e, at nakakagaan ng loob pag naririnig mo boses niya.

napatigil kaming lahat nung nakita naming nasa pinto si sir sam at david

pero sino yung isa?

babae?

"excuse me, sorry for disturbing your class.
I just have something to announce to my students."

pumasok sila sa loob at bumungad samin ang isang magandang babae na kasama ni david.

maputi, matangkad, makinis ang balat. hindi ko pa s'ya nakikita before, ay ewan. transfer lang naman ako dito.

"Class, Gusto ko i-welcome niyo s'ya. she's one of your classmates.

kindly introduce yourself."

lahat kami nakatingin sa kanya, wala akong masabi pa. ang ganda niya sobra

"hello, I'm Avie pascual,
I'm glad to meet you all"." agad nagpalakpakan ang mga classmates namin at no choice ako, kaya ayun, nakipalakpak na rin ako.

"huy! bes, sino siya? ganda niya ah" Napatingin ako sa nagsalita. si shan pala, siniko pa ako para chumismis.

"hindi ko nga alam e, new classmate ata!" maikli kong sagot.

"teka- Siya ba yung nasa gate before?"

Tinignan ko nang mabuti, oo nga, siya nga.

yung pinagkaguluhan sa labas, first day of class 'yun. pero Wednesday na, medyo late na siya pumasok, bakit kaya?

"oo nga, siya nga."

"uy, bes? girlfriend ba siya ni david?" with matching taas kilay pa si shan sakin.

napaisip din ako, sino ba siya? kaano-ano siya ni david?

girlfriend?

hindi ko rin alam, wala naman nasasabi sakin yung lalaking 'yun.

"h-hindi ko alam, baka....ay, ewan hirap manghula e!"

hirap mag overthink ah, joke! mema lang talaga ako. pero seryoso ano siya ni david at bakit sila magkasama?

wala pa naman class officer's dito, pero siya yung pinag-asikaso ni sir. baka dahil pinagkakatiwalaan siya?

H-hindi e, sikat si david. Ay, ewan ko na talaga sumasakit ulo ko.

"avie pascual, duon ka umupo sa tabi ni david. since dun lang ang available. is it okay?" sabi ni sir sam kay avie.

"yes, I'm okay with that"

syet! anoo rawww? duon siya sa likod ko?

sa tabi ni david?

"uy, ano nang'yari sayo? namumutla ka!"

napatingin ako sa salamin, oo nga namumutla ako, bakit? ano'ng meron?

"okay ka lang, amari?" napatingin ako sa gilid ko. si seadrix pala. mukang concern din sakin

"O-oo naman, okay lang ako."

naramdaman ko ng umupo na sila sa likod ko, mukang close naman sila dahil nagk-kwentuhan.

ano ba talaga kayo?

Between me & youWhere stories live. Discover now