"Anong bunk gusto mo, Amari?"
"Ikaw bahala." Wala ako sa mood eh. pano ba naman badtrip kana nga siya pa kasama mo sa isang kwarto.
"Uh... okay." Nilagay ni Avie yung backpack niya sa upper bunk.
Double-deck kasi yung bed namin. Okay, so dito
ako sa lower bunk. Nilagay ko na rin yung bag ko dun. Tapos umupo dun sa parang sofa sa gitna ng room. Maya-maya
na siguro ako maglalagay ng gamit sa cabinet.
Umikot yung tingin ko sa buong room. Purple yung color ng room, tapos yun nga, may bed na double-deck,
etong sofa na inuupuan ko, may maliit na table, at may air-conditioning, mirror, yung cabinet, tapos merong books na nakalagay
sa isang sulok. Bible ata yun. Oh well, problema ko lang yung cr. Isang cr lang per floor. Nasa 5th floor kami. 5 rooms
andito eh. Paano kung rush hour? Kailangan maligo or whatever? tatakbo pa kami?
"Amari? May dala kang Lotion?" Bumalik yung attention ko kay Avie nag-aayos na siya ng gamit sa cabinet.
"Wala. bakit?"
"wala hehehe naiwan ko kasi yung akin" Duh. Di ko na kasalanan yun. Bumalik na naman yung pagkainis ko.
"I'll try to ask him." Ngumiti siya. sino daw?
"I mean, david."
"Ah. Ganun ba?" Medyo nagulat siya sa tono ko. Ako rin naman nagulat eh.
Ang bad ko naman. hayy, O.a ko kasi eh
"Sorry. Medyo wala kasi ako sa mood." Nagsmile siya. parang angel yung ngiti.
"Okay lang yun. I understand. Mag-aayos ka na rin ba ng gamit mo? Dito ko na lang nilagay yung
damit ko sa upper part ng cabinet." Tumayo siya at tumabi sakin.
"Uh. Sige. Mag-aayos na ako ng gamit." Tumayo na ko at nag-unat, saka kinuha yung bag ko sa kama at paonti-
onting inaayos sa cabinet. Tahimik lang kami. Di kami nag-uusap.
Ang awkward naman.
"Uhm, Avie?"
"yeah?"
"Close kayo ni david?"
Mga ilang seconds muna bago siya nagsalita.
"David clarito is really sweet, right? Ang swerte mo."
Natigilan ako dun, what did she just... said? Na swerte ako? Medyo napangiti ako dun. Pero, paano naman niya
nalamang sweet si david?
Napatingin ako sa kanya, she's obviously daydreaming, nakatingin kasi siya sa side niya, basta halata naman kasi.
Don't tell me, kaya nalaman niya na sweet si David kasi... naging sweet si David sa kanya?
Nakakapagselos bigla. Inayos ko yung gamit ko ng padabog. Naiinis ako bigla.
Nacurious rin ako kung ano yung nangyari sa sweet moment nila. Kalma lang Amari. Kalma!
Nakatalikod pa rin ako sa kanya ng naisipan ko ng magtanong. "Uhm, Avie?"
"Bakit?"
"Paano mo nalamang sweet si David?"
Medyo tumawa siya ng onti. Halata bang nagseselos ako, sana hindi. bakit ba.
"Kasi inapproach niya ako kanina, and, wala lang. Nagulat ako kasi he's very nice pala." Oh anong
sweet dun?
"Uhm, inapproach ka niya? Para sa--" nainterrupt yung tanong ko ng may kumatok.
"Ako na magbubukas." Tumayo ako at ng binuksan ko yung pinto, si ate Sabby Yung parang retreat
director. Parang she's 20 pa lang pero she's very tall, at cute. She also looks nice. Well, nice yan of course. She looks
like an angel.
"Hi Ate Sab. Anong ginagawa niyo dito?" Lumapit na rin si Avie sa may door.
Nagsmile siya. "I just want to inform you two na bumaba na kayo after you change. As much as
possible, comfy suotin niyo. Magkakaroon tayo ng activity sa activity grounds."
"Sige po Ate, bababa na rin kami."
"And as much as possible, be with your partner often. Lalo na kapag babalik kayo sa floor niyo. The
retreat pavilion is kinda huge, baka maligaw kayo."
"Oh okay po."
"See you there!" Nagnod kami pareho.
Tinapos ko na yung pag-aayos ng gamit ko saka nagbihis na. Di na kami nagkahiyaan, parehas naman kaming babae
eh. Nagt-shirt na lang ako at nagjogging pants. Siya naman nakablouse at naka-jogging pants na hanggang tuhod
lang.
Parehas lang naman naging sweet samin si David eh. Pero tae, yung sa kanya, totoo of course. Malay ko bang nagiging
sweet lang siya sakin dahil nagpapanggap lang kami? Malay mo, ayaw niya talaga sakin. malay mo si avie pala talaga gusto niya? assumera lang talaga ako?
Bumaba na kami pagkatapos. Yung section lang namin yung andun sa activity grounds. Yung ibang section siguro
nasa mundo pa. Pinaglunch muna kami, 12nn na pala kasi.
"Amari!" Lumapit sakin si Seadrix kasunod na rin yung iba.
"Uh. avie.."
"Ayos lang. Andun rin sila ashley at Dianne Tinuro niya yung mga kaibigan niya. Okay.
"Sige. Sabay na lang tayo umakyat mamaya." Nagnod siya at nagbbye.
"Uy. Si avie?"
"Oo Seadrix. Si Avie." Nang-aasar na naman 'to. Umirap lang ako sa kanya.
Sakto dumating si David, grabe, naka Blue -v-neck siya tapos short pants, and, he looks gwapo. Okay. Sige na, siya na.
"Oo nga! OMG OMG!"
"Ampogi ni David."
"Sana bigyan niya ako ng retreat letter!"
"Oo nga!"
"Ang daming paepal naman." sagot ko.
"Syempre, si David clarito eh." sabi nung dalawa. Basta galit pa din ako. Whatever.
Basta ako hindi na aasa mabigyan ng letter ni david, sa dami namin eh? syempre si avie matic na 'yun. hayy.
YOU ARE READING
Between me & you
General FictionAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
