"Ano okay ka na ba?" tanong niya sakin habang nakatingin.
nandito kami ngayon sa clinic, dito lang naman may pads e. Nanghiram ako ng underwear at extrang palda kay elle, siya lang din naman mahilig magdala samin ni shan.
"oo. salamat ha!"
parang utang na loob nanaman kay david.
"WAAA! I can't imagine you had a period." bumalik ang tingin ko sakanya. nang-aasar ba 'to?
"hoy! tumigil ka nga dyan baka may makarinig, ingay mo din, e"
pano kung may makarinig, diba? nakakahiya.
"Are you dumb? tayo lang nandito sa clinic
ang tagal mo kaya'ng nakahiga dyan." pagrereklamo niya.
"Concerned ka sakin, noh?"
Tinignan niya ako.
At nag smile na para bang walang bukas.
baliw na talaga 'to, guys!
"In your dreams!"
ayoko mang aminin, napangiti niya ako. I felt comfortable silence between us and it felt good. I suddenly felt good with him around.
ang dami niya na din nagagawang 'tama sakin e. sino bang hindi gagaan loob don?
"gasgas na yang linya na 'yan.
kahit hindi mo aminin, halata naman." pagpupumilit ko. syempre gusto ko siya makitang tumawa.
Ang seryoso niya kase this time.
hindi ko alam kung bakit, e?
"grabe. pagiging assuming mo! itigil mo yan."
"sus, ayaw pa sabihin e!"
"kapal mo naman! nagka-period ka lang nagkaganyan kana. baliw ka!" tumayo siya at mukang namumula na.
problema nito? napasukan yata 'to ng masamang hangin sa katawan e.
"hindi ka pa ba papasok?" tanong niya.
ay oo nga pala.
"mag skip muna tayo ng class!"
"Ano? siraulo ka ba? tuturuan mo pa ako n'yan. halika na!" yakag niya sakin.
sipag mag aral 'ata nito, may inspiration ba?
"O-oo na" maikling sagot ko.
"yun. I'm sure gusto mo din naman makasabay 'tong gwapo na 'to." sabay ngiti.
nagkatinginan kaming dalawa.
tumaas mga balahibo ko nung lumapit siya sa harap ko at kinuha ang kamay ko.
problema nito? may nakain ba siya?
"In your dreams! gwapo your face! ew."
habang naglalakad kami hindi ko maiwasang tignan 'tong siraulo na 'to. parang may mali e
kanina pa siya nakatingin sakin.
may dumi ba ako sa mukha?
huminto kami sa paglalakad bigla siyang lumapit siya sakin at binulungan ako.
"amari, classmate nga pala tayo, no?" tanong niya.
"oo, bakit? ayoko na nga kita maging classmate, e!"
"ibig sabihin, makakasama mo ako buong araw. sa ayaw at gusto mo." Tsaka niya binilisan ang lakad niya at iniwan ako dito.
"hoy! kapal mo talaga hindi porket sikat ka dito pwede mo ako ganyanin." sigaw ko. tumingin siya sakin at nginitan ako.
YOU ARE READING
Between me & you
General FictionAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
