Mag-Isang linggo kong di pinansin si David. Di ko alam kung bakit nag-iinarte ako, pero wala eh. Ayoko muna mag assume, dahil dito sa feelings ko, hindi ko pa nga alam kung totoo e, need ko pa mag pa-check up!
Sunday na ngayon, panibagong araw, pero ewan, ayoko pa rin siya kibuin.
Kaya syempre, ano pa bang gagawin ko? Ang iwasan siya muna. Ang dami n'yang text or tawag sakin, alam ko din nandito na siya sa pinas. pero ayoko muna magpakita sa kanya.
Pagkagising ko, wala na si Samara. Nako talaga. Iniwan nanaman ako nung babaeng yun, Di porket Sunday ngayon at wala si
Mama dito, lagi siyang gagala. Di pwede yun! Di niya nga ako tinutulungan sa gawaing bahay e. Pag siya nabuntis dyan, ay nako!
ANG OA KONG ATE. HAHA. Minsan lang 'to. Buti na lang at nag-iwan naman siya ng note, pupunta lang daw siya sa
bahay ng bestfriend niya. Boring daw kasi dito. Tapos mag-sleep over daw siya dun.
Nagtext ako kela Shan, Elle, Seadrix kung gusto nilang gumala. inaamag na ako dito, oh! pero no reply pa din mga siraulo talaga, kung kelan free ako today, e. tsaka naman ayaw mag-text!
Tumawag pala si David. Wala, hindi ko pa din sinasagot, natatakot ako makinig sa sasabihin niya. Pero dapat hindi? kase alam kong fake girlfriend lang naman ako, kailangan kong tanggapin. No choice naman ako dun, e. Tas yun inoff ko na cellphone ko para di nako makatanggap pa!
Nang tawag niya.
So wala akong nagawa kundi manuod ng 'The Witch' yung kay Choi Woo-shik at kim dami. iba talaga chemistry nilang dalawa mapa-movie man o kdrama e. Habang kumakain ng chichirya.
Grabe, ganda ng week-end ko. ilang beses ko na 'to napanuod e, hindi talaga nakakasawa.
After ko manuod nagluto ako ng food ko at naligo.
naboring na ako, ano ba next?
Alam ko na! Pupunta na lang ako sa clinic hospital malapit samin! Papa-check ko 'tong heartbeat ng puso ko. I swear,
nagiging abnormal na yung pagtibok niya.
Tsaka gusto ko malaman kung ano ba talaga ang sakit ko noh! or baka naman totoo hinala ko? Ay basta, ayoko muna mag overthink. Baka mamaya bigla pa akong atakihin ng puso nito! Paano na
ang mga nagmamahal sakin? paano na kami ni David? Paano na ang mga readers na patuloy na sumusubaybay sa buhay ko? Paano na si Miss
Author na sobrang ganda?
[EHEM. HAHAHA. CHAR LANG!]
Nagbihis ako ng simpleng t-shirt na color purple at maong short. Tapos nag kulot ako ng buhok balak ko din kase pumunta ng mall after ko mag check-up!
Mukha akong astig. ganda ko siguro! Char, feelingera. Haha. Nagjeep ako papuntang clinic. May pera naman akong dala kaya okay lang. Pumila na rin ako kasi hindi lang
pala ako ang may abnormal na puso.
Maya-maya, tinawag na ako nung secretary nung heart physician. Salamat naman. Nakakapagod rin umupo.
"Miss Amari, you may enter now." Nagnod ako at pumasok sa clinic. Ang cute ng itsura, puro animation.
mahilig siguro tong doctor sa anime.
"Hello Miss Amari. Upo ka na." Umupo na ko sa may fluffy na upuan katapat nung upuan ni Dr. Emily.
Napatingin kasi ako sa parang nametag niya eh.
"Uh... Anong name mo?" Tanong niya habang inaayos yung record list.
"Amari po." Maikli kong sagot.
"What brings you here? Ms. Amari? Anong nararamdaman mo?" Lumapit siya sakin at chineck yung heartbeat ko.
"Normal lang naman ang heartbeart mo, iha, Madalas ka ba napapagod? May iniisip?" Meron po isang lalaki.
"W-wala naman po."
"dito sa clinic ko, first time mo dito, diba?"
"Opo."
"Yung chineck ko ang puso mo, normal lang naman ito, wala akong nakikitang heart attack."
"Pero, doc, sobrang bilis po ng tibok ng puso ko. Tapos minsan sumisikip. Naaabnormal po yung heartbeat. Natatakot po ako."
YOU ARE READING
Between me & you
Ficción GeneralAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
