Chapter 4. [Blood]

24 1 0
                                    


"huy, sorry na. nagtampo ka aga-" bigla siyang humarap sakin. nakakatakot yung tingin niya grabe.

"Don't deny it. may nakakita nga sainyo oh!"

"mali ka naman kase nang-iniisip--"

"ano ba dapat?"

"hayaan mo muna ako mag explain, pwede?"

"h-hindi mo sinabi, na sabay pala kayo pumasok ni david!"

ano ba naman 'tong si shan. nakisabay pa sa sakit nang dibdib ko.

"di ba nga tinulungan niya ako? sinabi ko yan sayo, e?"

"sorry na. Libre na lang kita after class. ano g, ka?"

alam ko naman hindi ka tatanggi dito sa libre ko, kilala ko 'tong bff ko. basta pagkain go yan.

"s-sige na nga.. basta wag kana magsisinungaling, yari ka talaga sakin!" tinutok niya sakin yung kamao. kahit kelan talaga 'to hahaha

"oo na po madam. hindi na"

kaya love na love ko silang dalawa ni elle, e.

"bes, cr muna ako ha!" ihing ihi na talaga ako. umo-o nalang siya.

hindi ko na naigalaw yung paa ko na may humila sakin, hindi ko alam kung saan ako dadalhin. ang alam ko lang masakit na ulo ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo!"

"h-huh? may atraso ba ako sainyo?" lintik na paghila sakin, mawawalan na ata ako ng ulo.

"OO. madami. gusto mo isa-isahin namin?" sabat nung isa na mukang 2nd year pa lang.

"tigilan n'yo nga ako!" aalis na sana ako kaso bigla akong hinigit nung isa. "A-arayyyy!"

"Aww. aalis ka agad? takot ka, no?"

"h-huh? sabog ka ba? may klase ngayon, ano pinagsasabi mo?" e kasi naman ano ba kailangan nila sakin?

"nakita namin yung about sainyo ni david. hindi ka lang 'talaga malandi e, ahas din." aray ha, never pa ako sinabihan nang ganyan. sumikip tuloy dibdib ko.

"w-wala akong alam sa sinasabi n'yo, sige. alis na ako, bye!" akmang aalis na ako. anak ng tokwa hinila nanaman ako.

"So sad. patay ka ngayon samin."

ano ba 'tong pinasok ko, sunod sunod nangyayari. kainis.

"alam niyo, kung nag aaral na lang kayo. may matutunan pa 'kayo, pinag-aaral kayo hindi para mag cutting!"

sinabi ko lang naman gusto kong sabihin, e. kahit ako plano ko lang 'talaga mag-aral nang mabuti dito, pero bakit ito pa nangyari?TvT

"e... basta malandi ka, wag mo aagawin samin si david!"

"oo nga. sa amin lang siya."

Anak nang tinapa. kaya ako inaaway dahil lang dun sa rumors na 'yan.

"h-hindi nga---" Akmang sasampalin na sana ako nung isang babae na makapal ang kilay pero bakit parang may humarang?

Napatingin ako at lahat sila nakatulala sa nakita..... ikaw ba yan david?

"That's enough. why are you bullying those who have done nothing wrong to you?" kalmadong sinabi niya. ano ba ginagawa niya? mapapahamak ako lalo, e.

"e. ano po kasi---"

"I hope I don't hear anything more about this.
Cut this mess out, hindi maganda 'to!"

lahat sila nakayuko, at hindi makatingin sa amin ni david.

"yes po" lahat sila umalis at iniwan kami ni david dito. oh baka may cctv nanaman?

"hey, are you okay?" tanong niya habang tinitignan kung nakaalis na ba yung mga babae'ng umaway sakin

"uh. oo, thanks ulit ha?"

"bakit mo hinahayaan awayin ka nila?"

E, kasi naman. hirap sabihin kung ikaw ang dahilan. baka mamaya dumugin nanaman ako

"w-wala yun, na pag-tripan lang siguro." pagsisinungaling ko. sorry lord, promise ngayon lang 'to.

"oh... dumudugo ulo mo!" Halos mawalan ako nang hininga, sa sobrang sakit talaga feel ko pwede ako kunin ni lord.

"w-wait, takot ka sa blood?" seryosong tanong niya. "namumutla ka---!!"

hindi ko na alam ang susunod na nangyari nawalan ako nang malay. dahil siguro sa dugo, oo. takot ako sa dugo e, simula bata pa ako.

pero bakit parang may mali? may ibang nag flashback sa isip ko.

"tulungan n'yo po ako!"

"may nakakarinig po ba?"

"please. help me get out of here!"

"Can someone hear me?"

"D-dugooo?"

Between me & youWhere stories live. Discover now