CHAPTER 25. [Coincidence]

12 1 0
                                        


para akong masusuka sa kaba, pano ba naman, for the first time ko 'to. Official interview about sa relationship namin.

Fake relationship.

nasa baba kami ngayon ni david malapit sa mini garden para pag-usapan yung mga hindi dapat at dapat sabihin sa interview. kinakabahan ako, habang si david relaxed lang.

malamang sanay na s'ya.

ako? No experience pa sa ganito!

"So, ready ka na for the interview?"

"Hindi. kinakabahan ako david!"

"Don't be nervous, baka makalimutan mo yung sasabihin mo."

"E! kasi naman, first time ko 'to... pano kung magkamali ako?"

"We have nothing to worry abou that, basta tandaan mo lang yung sinabi ko, okay?

"Oo na. ikaw? hindi ka ba kinakabahan?"

"hindi, relax ka lang!"

maka relax naman 'to, kala mo ganun kadali sakin. My god! kung pwede lang mag-laho e, baka kanina ko pa ginawa.

tsaka ilang araw pa lang nung nagsimula maging 'kami' ni david, 1 month pa ang expiration ng contract namin so marami pa kaming interview na dapat lagpasan.

kakayanin ko kaya 'yon?

ngayon na kase yung araw na kailangan namin sabihin para wala ng kumalat na fake scandal/fake rumors.

"Tara."

"Saan? parating na yung reporters, diba?"

"We're going to the mall."

nilabas niya yung susi at pinapasakay niya ako sa loob ng kotse niya. "A-anong gagawin natin sa mall?"

"Baka maghahalikan, ano sa tingin mo?"

binatukan ko nga s'ya, ang tino ko kausap.

"Bibili tayo nang dress mo."

napatingin ako sa suot ko, ayos lang naman, ah? naka uniform!

"ayos naman 'tong suot ko, bakit kelangan pa bumili? Aksayado lang sa pera."

"I just want you to look good. Kahit na fake girlfriend lang kita sa papel, gusto ko magmukha kang tao sa harap nila!"

bakit hindi ba ako mukhang tao sa suot ko?Sobra naman 'tong si david. medyo na hurt ako dun, a.

"Please don't be offended. Maganda ka, Amari. kulang ka lang sa ayos at porma."

hindi na ako nagsalita pa muli, hinayaan ko na lang s'ya mag drive.

so, ayun. nandito na kami sa mall. hindi ba masyadong mahal rito? balita ko maraming artista dumadayo sa mall na 'to.

"hanap ka ng dress mo. we don't have much time."

napatingin ako sa price, umaabot ito nang twenty thousand. napaisip ako na wag na lang, masyadong expensive.

"D-david, wag na lang kaya? Ang maha---"

"Don't think of the price, ako na."

"sure ka? sige sabi mo, e."

nakahanap naman agad ako ng masusuot ko, isang dress na backless. kulay purple ang kulay 'nito, may isang diamond sa harap ng dress.

paglabas ko ng fitting room, naghihintay na sa cashier si david, may binili rin siya.

Between me & youWhere stories live. Discover now