CHAPTER 45. [Annoyed with him]

6 1 0
                                    

Nang makapasok na ako ng room tumakbo ako papuntang sofa at humiga, kinikilig talaga ako.

panaginip ba 'to? sana hindi na lang. pagkakataon ko na 'to, ang makasama ang prince charming ko sis.

"Hoy gaga, Ano ngang nangyari?" muntik ko nang makalimutan kasama ko pala sila Amari at elle.

"Nandyan pala kayo," sagot ko.

"O-oo eh, kahiya naman sa'yo."

"So, ayun na nga. Nagkita kami ni Seadrix sa harap ng retreat house pero hindi ko talaga alam guys, ha? na siya yun...kasi nga nakatalikod 'eh, and then nung nalaman kong s'ya nagkwentuhan muna kami, pinapasok na talaga n'ya ako nun kaso ako lang makulit. please wag kayo magalit kay seadrix, kasalanan ko naman 'e" nag puppy eyes ako.

halatang mananapok na si elle eh, kung hindi ko sasabihin 'yun. ayoko naman pati sila mag-away dahil sakin
BEST FRIEND EH.

"tapos, beh dumating yung tatlong lalaki sa kabilang section, promise hindi ko sila kilala yung isang guy na kinausap ako sabi niya nakikita daw n'ya ako sa main building--"

"OMG? STALKER?" sagot ni Elle.

"Hindi ko alam, basta. nung naiwan kaming dalawa, tinabihan n'ya ako sa upuan tapos kala ko nga hahalikan na ako sa sobrang lapit niya, tapos tinatanong niya kung may boyfriend na ako sabi ko wala---"

"Ang tanga mo naman shan, edi sana sinabi mo meron,nandyan naman si Seadrix para sa'yo, gurl." binatukan ko nga. mamumula na naman ako 'nito, e.

"tapos ayun, dumating na sila seadrix duon na din nagsimula yung gulo, gets niyo?"

Huminga ako ng malalim at nagsimulang humilata sa sofa, syempre kinikilig pa rin. mas nakakakilig yata 'to sa kwento nila Amari eh, Char!

Halos mawalan na ako ng hininga dahil tuloy tuloy ako sa pagsasalita, mabuti na lang kahit rapper ako naiintindihan pa rin nila ang kwento ko.

"Talandi beh? may suntukan pa talaga naganap sayo, huh?"gigil na sinabi ni Elle.

Ayun si Amari, no comment pa rin.

"Hindi ko rin alam! Nagulat din kaya ako!"
Sabi ko habang inaayos yung gamit ko. nandito pa sakin yung jacket ni seadrix.

wag ko na kaya ibigay? Ang bango eh!
akin na lang 'to, ilalagay ko yan sa huli ng libingan ko pag di naging kami. isusumpa ko, kineme. HAHAHAHAHAHAHA

"Ang pogi talaga!" Sabi ko habang yakap yakap yung jacket niya. Hindi ako nag-expect na mangyayari yung ganun.

"Ay wow! Tapos ngayon kinikilig ka?" sagot ni amari. umo-oo na lang ako, di ako makapag salita eh. Inlove kasi.

"tsk. Edi kayo na may love-life." busted na sinabi ni elle. Tinawanan lang namin s'ya.

habang nag scrolled ako sa facebook. naisipan kong i-message si sead dahil naka open siya ngayon. ano kaya ginagawa niya?

Shan corpuz: hey, still up?

Malay mo naman mag-reply sakin, di niya pwedeng ignored lang ako, ano yun wala lang?

nakita ko ang account niya pero halos ng picture at information naka hide na. Ano ba 'yan! galit pa rin ba s'ya? Napaka private naman niya. gusto ko lang naman i-stalk eh ang damot!

pero yung current picture niya nasa paris s'ya habang nagbabasa ng books. Naka side view lang! Ang pogi. simple lang pero may dating yung looks.

ay mamaya na nga 'to, baka makalimutan kong tao pa ako. hindi pa kasi ako nakain ng dinner, so bali nagluto raw kanina yung team namin ng kaldereta at menudo for dinner. Busy na kasi yung ibang students dahil last day na namin sa retreat house, at pinasa na rin namin yung mga project na ginawa namin sa games.

"Alis na kami shan, good girl ha? i love you, good-night!" sigaw ni Amari.

"Oo na. kayo din, good-night, i love you two!"

habang kumakain ako may nag notification sa cellphone, panira naman 'to. bastos eh nakain ako.

biglang may lumabas na message.

Seadrix hernandez: yes, why?

natulala ako sa nakita ko, nag-send pala message ko pucha! buti wala akong sinabing di maganda 'rito.

nakangiti ako habang nag ta-type.

Shan corpuz: Uhm. About the jacket, ibibigay ko na. Free ka?

mema ko lang talaga yan, kahit ayoko naman ibigay. gusto ko lang s'ya makita eh

Seadrix hernandez typing...

Seadrix hernandez: no need, just keep it.

What? ano ba 'yan! Ang epal naman, ayaw niya ba ako makita? Ako na nga nag-adjust oh!

Seadrix hernandez: I know you're just making a way to see me, that's hilarious. HAHAHAHA

POTA? nang-aasar pa talaga ang mokong na 'to. Buti alam mo.

pag-tripan ko nga, kala mo ikaw lang pwede? Pwes, ako din. Nyenyenye. HAHAHAHAHA

Shan corpuz: buti alam mo hehez

Seen

Ang bilis ah! sige ha, ganito pala gusto mo. di ako aatras.

Seadrix hernandez: Oo naman! You're making it obvious. Lol. HAHAHAHAHA

Shan corpuz: gusto mo bang malaman kung bakit?

Seadrix hernandez: See? I've already known. I'm just wondering why?

napabalik tuloy ako sa kinakain ko. natememe ako saglit, wdym seadrix? ALAM MO NAAAAA? THE FVCK.

Shan corpuz: what are you curious about?

Seen

Seadrix hernandez: I'm just curious, why the hell did you like me?

napa-stop ako sa pag type nung nabasa ko yung message niya.

Ang hirap naman magkagusto dito, nalalaman bigla. wala bang thrill? yung mala-horror sana, grabe, ang hirap mag-isip ng ire-reply. nakakabaliw mismo.

Seadrix hernandez: Anyways, just tell me the reasons next time, you seem to be losing yourself right now. Lol HAHAHAHAHA

bahala siya dyan, hindi kita re-replyan. lakas ng tama, AMPOTA.
naghugas na ako ng pinagkainan ko at nag shower dahil nabasa ako kanina ng ambon. baka mamaya magkasakit pa ako, ikamatay ko pa. Char! O.A na.

wala akong magawa, kaya iisip na lang ako ng pwedeng pag-tripan kay seadrix, since may liptint ako dito, bakit hindi ko gawing sugat? Red naman 'to, mag mu-mukhang dugo.
Sinend ko agad at nakita kong binuksan niya agad 'to. WOW? iba ka talaga.

Seadrix hernandez typing...

Seadrix hernandez: wag kang magulo, nag-aaral ako.

huh? Anong trip niya? gabi na kaya.

Seadrix hernandez: sent a photo

Seadrix hernandez: see? I'm studying. So don't pretend you're injured. peke naman yung dugo eh

-future doctor

Tumawa ako parang nababaliw na sa mga pinag-gagawa ko, kaya kita gusto eh, palagi mo ako sinusungitan.

_______________________________________________________________


soon, future boyfriend.

Love by: Shan corpuz

Between me & youWhere stories live. Discover now