di ko pinansin si David. Simula nung nakabalik s'ya ng pinas. Di ko alam kung bakit nag-iinarte ako, pero wala eh. Ngayong alam ko na, in-
love nga ako sa kanya, natatakot akong masaktan. e, after nga namin mag-usap sa tapat ng clinic sinabi kong iiwasan ko muna siya dahil may sakit ako HAHAHAHAHA. Wala e, wala nako maisip na sasabihin. isang linggo din ako magtatago sa kanya.
sobrang lubha na siguro ng sakit ko if real life 'to?
panibagong araw, pero ewan, ayoko pa rin siya kibuin.
Kaya syempre, ano pa bang gagawin ko? Ang iwasan siya. parang pelikula lang.
Gasgas na method na, I know.
sabay-sabay na kami kumain ngayon. Pero kahit ganun, iwas pa rin ako ng
iwas.
Alam naman nung tatlo. maliban na lang kay David kung bakit di ko pinapansin yung lalaking yun, pero ang alam nilang dahilan is may sakit ako. kaya di ko muna siya pinansin.
"Amari!" Napatingin ako sa tumawag at oops, si David. papalapit sakin.
Takbo ako papalayo Naglalakad ako ng mabilis. Siya rin. parang baliw lang?
Ayoko talaga
siyang kausapin. lord naman!!!
"Uy Amari. Akala ko ba papaiwan ka lang sa classroom? Ahhhhh." Buti at nagets ni Seadrix. nag silent thankyou ako sa kanya at umupo sa gilid.
Umupo si David sa harap ko, hingal na hingal.
Pero kahit ganun, gwapo pa rin siya.
"Uy. Amari. Bakit di mo ba ako pinapansin? Did I do something wrong? hindi mo kinakausap. simula nung nasa clinic ano ba kasi 'yun?" Nakita kong nagpout siya pero hindi
ko pa rin siya pinapansin.
"David. mas mabuting mag-usap muna kayong dalawa ni amari, nababaliw na kasi 'tong bestfriend ko sayo." Napatingin ako kay Elle at inirapan ko lang siya. pinalala lang niya yung sitwasyon e, yari talaga siya sakin.
"Di ko nga alam kung anong problema eh. I'm starting to think you're all just toying with me. Is this
some kind of prank?" Nosebleed ako dun ha. Pero napasulyap ako sa kanya, well, he looks pissed. Nakita kong tumayo si David at nilibot yung paningin sa buong paligid.
biglang tumayo si seadrix at humarap sakin.
"Alam mo Amari, I think you and David need to talk." Tinignan ko lang ng masama si Seadrix
nakangiti pa rin siya.
"Someday, you'll thank me too. Paano ba yan, mauna na kami. Wag na tayo makisawsaw sa pag-uusap ng lovebirds." Tumayo na rin sila at nagbbye sakin. May binulong pa si Seadrix
kay David. potaena. ano yun?
kinalibutan ako dun ah?
Ilang segundo bago ko narealize na kami na lang pala ni David yung natitira sa table namin.
Uh-oh. Ang awkward. hindi ko naman 'to ginusto e.
Tatayo na sana ako para tumakas sa pag-uusap na 'to kaso ginrab niya yung dalawa kong kamay at hinila papuntang
di ko alam.
"Saan tayo--"
"Sa rooftop." galit niyang sabi.
Nung dumating na kami sa rooftop, binitawan niya yung kamay ko at tumingin sakin.
parang kakainin akong buhay! Promise!
"Okay, Amari, anong problema? Bakit bigla ka na namang nag-iinarte? May nagawa ba ako?Naintindihan ko yung sinabi mong may sakit ka, kaya hindi mo ako lalapitan at kakausapin. wala ka pa din balak?"Grabe rin
minsan bibig nito, parang armalite. Kung alam lang niya na nababaliw rin ako dahil di ko siya pinapansin! Nakakamiss siya. Eh wala eh!
Kailangan.
yung puso ko, ang kalaban ko.
"Wala wala. Trip ko lang mang-snob. Bakit ba?" Tumalikod na ako at tatakbo na sana pababa ng rooftop nung
hinigit niya na naman yung kamay ko.
"Ano ba?!" Sigaw niya.
first time ko makita siya magalit. nakakatakot grabe.
"Simula nung umalis ako di ka namansin! Sa tingin mo anong iisipin ko nun?" Di ako nakapagsalita
kaagad sa sinabi niya.
"Eh ikaw nga di ka nag explain sakin, sa tingin mo ano iisipin ko nun?" sagot ko.
"mag explain naman ako ah? sadyang di mo sinasagot mga tawag ko." nakita kong nagtitimpi siya sa galit.
"Wait... Ayaw mo na ba sakin? Aalis kana sa fake contract natin?" Dagdag niya.
"H-hindi.... wag kang mag-isip ng ganyan!"
"Whaaat?!"
Sasabihin ko bang tinatry ko siyang iwasan? Kapag tinanong niya kung bakit?
"Tinatry ko kasi kung kaya kong mamuhay ng isang linggo na di ka pinapansin...pero di pala" Natahimik
siya nun.
Tapos yung mukha niya biglang lumiwanag. oo par, real quick. Bigla siyang tumawa.
"HAHAHAHAHAHA! Yun lang pala. Di mo nakaya noh?" Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya.
"Wag ka ngang mang-asar."
"Yun lang naman pala. Akala ko kung ano na. Wag kang aayaw sa contract ha? May 2 weeks pa"
Two weeks. Two weeks na lang?
"Kaya kailangan nating gawin ng maayos yung part natin sa contract? Tama ba?"
"Oo." Nagnod na lang ako. Medyo disappointed.
"Bakit, may mga interviews pa ba na darating?"
"Oo eh. May mga nakaschedule. Kaya natin yan."
"David, sa tingin mo, kapag nagbreak tayo after 2 weeks? Anong mangyayari satin?"
"Edi balik tayo sa dati." Sumikip yung puso ko pagkasabi niya nun.
Babalik kami sa dating kami? grabe, bawal bang i-stop nalang yung oras? para lifetime na.
"Friends?" Dagdag pa niya. nakakaramdam ako ng lungkot, ano ba yan.
"A-ahhh. Hehe. That's-- that's good!" plastic ko ever. Di niya naman siguro nahalata.
sana din hindi niya mahalata na gusto ko s'ya. guguho talaga mundo.
"Okay lang sayo na bumalik tayo sa dati?" Seryosong tanong niya.
"Well, wala naman tayong choice diba?"
"yeah tama ka, wala tayong choice. Kung pawde nga lang ma-extend pa e, or hindi na matapos yung contract natin..." Napalingon naman ako nun kay david
"Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko, ang ganda nung view oh." I'm sure iba yung sinabi niya e! Hindi ako bingi.
Pero di ko rin naintindihan
Edi bingi pa rin ako.
"uhm... amari?" napatingin ako sa kanya. ngiting ngiti ang siraulo. "Oh?"
"Here!" may binigay siyang paper bag.
"Ano 'to?" hinampas niya ako ng malakas, "seryoso ano 'to?"
"bomba para sayo. syempre buksan mo para malaman mo, di ba?" pagsusungit niya, inirapan ko lang siya.
pagbukas ko ng paper bag, bumungad sakin ang isang box na maliit at dahan dahan kong binuksan nakita ko ang isang necklace na tala, omg my favorite!
sobrang saya ko.
sinuot n'ya yung necklace para sakin, kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tuwa
"T-thank you, grabe ang ganda." hindi ko napansin napayakap na pala ako sa tuwa, bakit ba minsan lang 'to. "Kailan pa ito, david?"
"nung sunday yan, kaso baliw ka iniwasan mo ako eh." disappointed niyang sinabi. pero natawa ako ang cute niya magalit para siyang babae.
"Tskk. bakit di mo binigay?"
"wow ha? iniwasan mo nga ako mahigit one week e, tapos ibibigay ko pa?
kaya wag mo na uulitin 'yon. maghahanap ka na talaga ng makakausap mo." natawa naman ako dun HAHAHAHAHAHA. "Oo na po, boss."
"Aysus, tara na nga." agad niya akong hinila papuntang baba. mag be-bell na din naman kasi.
so ayun, bati na naman kami. puso ko na lang problema hays.
YOU ARE READING
Between me & you
Genel KurguAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
