ilang minutes pa lang ay nakarating na kami sa bahay namin, napatingin ako sa kasama ko nakatingin lang din sakin. jusko naman ano sasabihin namin?
"hindi ka pa uuwi?" kabadong tanong ko. syempre nandito pamilya ko baka kung ano isipin diba?
"hindi. you're my responsibility, remember?!"
ano raw? namumula na siguro ako dito.
"huy! pinagsasabi mo dyan!"
"MAAAA! nandito na si ate." sigaw pa lang ni samara gusto ko na maglaho.
syet! yari ako nito e!
"may kasamang lalaki mama!" anak ng tokwa talaga 'tong kapatid ko. pati ba naman s'ya?
"h-hindi haha uuwi na din s'ya, diba?" Tinapik ko siya sa gilid nang tagiliran niya. please makisabay ka.
"Nagmamadali ka ba?"
lumabas si mama sa labas nang gate.
YARI NA TALAGA AKO 'PAEPAL KA TALAGA DAVID!
"uh. h-hindi naman po, tita"
nanlaki mga mata ko sa narinig ko. huy ano yun? tita? "oy. ano ba? dapat sinabi mo uuwi kana!"
alam n'yo ano ginawa? tinawanan lang ako nang mokong na 'yan. nakakatawa pa ba yun?
"sige, mabuti kung ganun. papasukin mo s'ya!"
Di ko na napigilan si mama, kaya ayun. sumunod na lang kami.
at si samara tuwang tuwa pa din
samin.
baliw na ata 'to.
"luh, ate?" nagulat ako sa sigaw ni samara "Oh. bakit?"
"is that david clarito?! OMG?"
huh? kilala 'nya rin?
"yep. bakit?"
bigla ako hinigit ni samara sabay bulong.
"Ate, si david clarito ang sikat na influencer sa buong mundo. shocks!"
"oo nga."
bumalik kami sa upuan habang nakatingin pa din sa amin si mama.
"samara abutan mo sila nang tubig" Agad kumilos si samara. pag talaga may bisita ang bilis, e!
"Ikaw nag-hatid sa anak ko?"
"mama mo pala kayo ni amari. Opo, ako po yung naghatid sa kanya. Sorry po kung na late s'ya nang uwi!"
"aynako. okay lang kung gabihin si amari. pwedeng pwede! basta hatid mo s'ya, okay? ako nga pala si Felliz, mama ni amari." nag shake hands sila.
wait. ano ba nangyayari? hindi galit si mama?
"kuya david, nililigawan mo ba si ate?"
muntikan na namin mabuga yung tubig na iniinom ko. hinampas ko tulo'y si samara.
"wait, hindi po---"
"aysus. wag n'yo na i-deny! ayos lang. "
"huy, samara." pag-awat ko, baka saan pa mapunta, e.
"bakit nga pala kayo ginabi?" diretsong tanong ni mama. nonstop 'to panigurado.
"uh. kasi po....---"
"ikaw na lang tatanungin ko. hijo, bakit nga ba kayo ginabi nang anak ko?
may nangyari ba?!"
"Maaaaaaa. w-wala naman po nangyari, e!"
"tumahimik ka amari. hindi ikaw tinatanong ko!" agad naman ako tumahimik.
mahaba-habang usapan 'to, pag nagkataon.
"wala naman po nangyari, tita. gumawa lang po kami project!"
nakahinga naman ako nang-maayos.
"Sige, dahil hinatid mo ang anak ko. dito ka nalang mag dinner!"
h-hindi pwede. tatanungin n'ya lang si david.
"ay ma-"
"sige po, tita."
ngumiti lang s'ya sakin. nakakaloko na talaga ang mga nangyayari.
hinila ko s'ya at binulungan. "Dapat sinabi mo uuwi kana. madami 'yan itatanong sa'yo si mama. sige ka!"
ngumiti lang siya ulit sakin. nababaliw na 'ata to. "okay lang yun."
syet! s'ya ba yan? tumaas balahibo ko dun ah.
nagkwentuhan lang sila nila mama habang nasa dinner. sinasabi pa nga ni mama kung nag date na daw kami, e. hahahaha. welcome na welcome talaga si david sa family ko, kala mo nga s'ya yung anak at ako yung bisita. after dinner nagpaalam na din si david na uuwi na s'ya kasi may pasok pa bukas. tuwang tuwa nga si samara dahil may picture na s'ya sa idol niya.
"Ate. bagay kayo ni david!" umupo si samara sa gilid ng bed ko. "huy, hindi ah!"
"ikaw ha, ate. yun lang ba talaga ang reason kung bakit ka late?!"
"oo. mukha lang hindi 'no?"
"hindi ka pa matutulog, ate?!"
"matutulog na, matulog ka na at tigilan mo na yung kakatingin sa picture n'yo ni david."
"Oo na. good night ate!" "good night samara!"
YOU ARE READING
Between me & you
Fiksi UmumAt the age of seventeen, taking realistic look into the moment of their lives, moments that all of us might have experienced.
