CHAPTER 47. [plans]

6 1 0
                                    

nakauwi na kami kaninang 7am, bago kami nakauwi nagpasalamat kami sa mga stuff ng bahay na tinuluyan namin. at nag picture, syempre. kilala rin pala nila ako kahit papaano.

And it's my birthday today. Pero bakit ganun? parang matatae ako. Nadala na siguro ako sa pagiging excited. hindi niya alam na mag date kami, tapos birthday ko pa.

And my dad who died in an accident.

Nagpray na lang ako sa soul niya. Di ko siya mabibisita, nasa States kasi yung tomb niya.

Habang kumakain ako ng breakfast, napatingin ako sa window and
F.ck. Dumami pa yung reporters sa labas ng bahay ko. It's only 9AM. Tinawagan ko na nga si Tita lucy.
pero sabi niya, sasama daw yun sa image ko. Tatawagin daw akong maarte. Ano
ako babae? Geez.

Can't I have some privacy on my birthday? Tsk tsk.

I decided na harapin na lang sila at magthank-you. Bla bla. Pero ngayon, tinatamad pa ako eh.

Lalabas na nga muna ako. Para di hassle. Ugh.

"There's David Clarito!"

"Happy Birthday!"

"Yes, Happy 18th! Binata ka na!"

Nagsmile ako sa kanila. "Thank you for coming. I appreciate it. So yeah." Tapos kinausap ko rin sila isa-isa at
polite na sinabi na gusto ko ng privacy. HEHEHE. Okay lang naman daw sa kanila yun. Pero knowing the media,
they'll never shut up.

Whatever. After ilang minutes, pumasok na rin ako.

Mas mabuting manuod na lang muna ako ng TV. Di na ako updated. baka mamaya may bagyo pala kung kelan date namin.

"Happy Birthday David Clarito!" bla bla. natanggap kong message from my friends before, ganun rin. Puro Happy Birthday, tapos iniinterview yung mga
feeling close. Tss. Yung iba nga di ko kilala eh! Kung makapag-greet, may pa"bro" pa. Mga trying
hard.

F.ck. Ano ba yan. I'm starting to sound like a girly girl. Eww.

Pero di pa rin ako masaya kahit LEGAL AGE na ako starting today. 18 years old nako eh. Awesome! I have a new car
anyways. Bumili ako. Regalo ko sa sarili ko. Pero I feel empty pa din. Parang... may kulang.

May isang option pa naman para maging masaya 'tong birthday ko eh.

Syempre, ang makasama ko si amari. Oo na, I'm whipped. By her. Napangiti tuloy ako unconsciously.

Ewan ko ba. Simula nung dumating siya sa buhay ko. Nag-iba na ako. Yes, at first, sobrang nairita ako sa kanya,
tapos, ayun. Na-attract ako sobra sa kanya, to the point na yayayain ko siyang magkaroon kami ng fake contract.
Tapos, akalain mo yun? bibigay rin yung puso ko sa kanya?

Maiinlove ako sa kanya ng ganito? Oh diba? Unbelievable. Totoo nga ang sabi ng nag-
interview samin dati. A person is really special of he/she could bring out the sweetness in you no matter how
unexpressive you are.Tignan mo, ang sweet ko na tuloy sa kanya. Nakakaasar na nakakatuwa yung feeling. Lagi ko
pa siyang namimiss! Hinahanap ko siya. Badtrip nga eh. Mukha akong tanga dito kakatitig sa picture naming dalawa.
Hays.

Inupdate ko na facebook ko, daming greeting sa facebook at sa mismong website ko kaya ayun, pero sa
totoong facebook ko, isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko. Ang greeting ng girlfriend ko. Parehas kami ng DP,
yung picture nga namin nung sa interview. Isang picture lang. Hays. I want to create memories with her! I love her.
Ang status nga namin sa facebook *married* Hahaha. Pinilit ko pa siya nun. Kahit nagkaroon rin ng issue yun. LOL.
totoohanin ko na ba? pakasalanan ko na?

Matawagan na nga siya. Hawak-hawak ko na yung phone ko at ididial na yung number niya sa phone ko, ng biglang
may incoming call.

Why is Mom calling?

I admit, I miss her. Even Dad. Ewan ko ba, eversince nabasa ko yung retreat letter ko galing sa kanila, I loosen up a
bit. I understand na nangungulila lang sila kay dad. Bakit, ako rin naman eh. Pero kahit ganun
man si mom, I understand her.

Kung ako na lang kaya yung namatay? Aarte ba si Mom ng ganyan? Tss. Tsk. Sinagot ko na lang yung phone call.

"Oh ma? You called."

"Honey!" Narinig kong sigaw ni Mom sa kabilang linya. Napasmile naman ako nun. "How are you? Wait, hold
on. Nasa office kasi ako."

"I thought you had a day off today mom?"

"Yes. But We're bringing some cake as offering to your dad's death anniversary." Bigla akong nanghina nun.
Di ba nila naalala na birthday ko? Not to be selfish or anything. Pero, birthday ko? Si dad pa din?

"Ganun po ba? I prayed for Dad anyways." Narinig kong nag-sniff siya sa kabilang linya.

"I know, you miss your dad too. I miss him." She's hiding her weakness, pero di niya
mapigilan. Ayun, iyak ng iyak.

I forced a smile. Para di ako malungkot. As if naman makikita ni Mom yung smile ko. Pero kailangan eh. Baka maiyak
lang ako. Hindi ako palaiyak na tao.

"Ma?"

"Yes?"

"I missed you so much! And... I'm sorry for everything....!" I whispered.

"That's okay honey, I'll end the call na david. I need to call your tita pa kasi. Bye." Papatay ko na sana yung phone ng biglang lumakas yung boses niya sa kabilang linya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Wow, best birthday gift ever from them.
Wonder what Mom said?

"Happy Birthday Anak. I love you. And you know that Dad loves you too, he wishes you happy
birthday too. Say Hi to Amari for me, okay? I'm looking forward on meeting her. Bye anak. Nagbibinata
na ang baby boy ko. I miss you, Anak! Wait for our gift to you, dedeliver na rin yan. Bye nak!"

Napangiti ako nun. Haynako, akala ko, nakalimutan na nila birthday ko eh.
nababakla tuloy ako.
Oops. biglang may nagdoorbell.

Amp. Panira naman ng moment oh. Baka mga reporters na naman 'to.

Tumayo ako galing sofa at binuksan yung door.
Wrong move.

Between me & youWhere stories live. Discover now