Chapter 2 : Be your what?

27 2 0
                                    

" Oh. There you are. ", naka-evil smile niyang sabi at lumakad palapit sakin.

O__O!

Nang makalapit siya ay agad niya akong hinitak.

" We will have a lot to talk ", sabi niya na nakapagpataas ng balahibo ko sa katawan.

~~~

Dinala niya ako sa pinakalikuran ng school kaya kung may pagkakaton na sumigaw ako ay walang makakarinig sakin.

" Ano ba kailangan mo sakin ha ?! ", bulyaw ko at kumalas sa pagkakahwak niya sakin.

" Ikaw ", sabi niya at ---

O_O!

Bigla niya akong tinulak mabuti nalang at may wall sa likod kaya hindi ako natumba. Pero --

>.

Lumapit siya sakin, aalis sana ako pero agad naman niya akong hinarangan gamit ang dalawa niyang braso. Now, I'm trap. Ang sumusuporta lang sakin ay ang pader na kinasasandalan ko.

" *smirk* Sorry lang naman yung hinihingi ko diba? At dahil hindi mo yun binigay pwes, iba nalang ", litanya niya. Holy shiz! His face is so close to mine.

" I'm sorry ", paghingi ko ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan, para lang tumigil na siya. >.

" Too late ", sabi niya at mas inilapit pa niya yung mukha niya. His nose almost touching mine. Konting galaw lang niya ay pwede na niya akong mahalikan. Ugh. Ew!

" A-ah. Kahit ano gagawin ko, basta wag mo lang ako halikan, ayoko maging first kiss kita ", sabi ko. Kinakabahan na talaga ako. Saka syempre naman 'noh. Ayoko talagang maging first kiss yung tao na 'toh. Like eew.

" Hahaha. Say what? To kiss you? No way. ", sabi niya.

Antipatiko. -___-

" But, what did you say? You will do anything? Hmm. Be my girlfriend then ", sabi niya at lumayo sakin.

?!

" Be your what? ", naguguluhan kong tanong.

" You're not deaf right? So do what I just say. Be my girlfriend from now on ", he said and walk away and he leave me dumbfounded.

Huwat????

~~~

" Totoo?! Ohmyghad! Ang swerte mo naman! ", masayang sabi ni Jas (Jasmin) matapos kong ikwento sakanya ang lahat ng nangyari kanina.

I glare at her with a disgust expression on my face.

" Seriously? Maswerte pa talaga ako ah? Psh. Isa nga 'tong sumpa eh ", sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Uwian na namin. Magtataxi nalang ako pauwi.

" Sumpa? Hahaha. Sobra ka naman. Ang gwapo nga nun eh ", pagpapapuri pa niya dun sa Antipatiko na yun.

" Ano kinagwapo nun? ", panglalait ko naman. Tss.

" Ang gwapo kaya. Teka ano nga pala pangalan nung boyfriend mo? ", biglang tanong ni Jas.

Oo nga 'noh? Ano nga ba pangalan nun?

" Ewan k--- "

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may nagtakip sa mata ko gamit ang kamay niya.

" Ugh. Stop it ", inis kong sabi at kinapa yung kamay na nakatakip sa mga mata ko. Wow. Ang lambot at ang bango ng kamay na 'toh. Pero, teka nga sino ba 'toh?

Inialis ko yung kamay na nakatakip sa mata ko at ng lingunin ko kung sino, ang nakita ko ay si ---

Antipatiko -___-++

Ano nanaman ba problema nito?

" Tsk ", ugh naaasar nanaman ako.

" Uhm. Chrys, mauna na ko ah. Tawagan nalang tayo mamaya ", sabi ni Jas. Pipigilan ko sana siya kaso lumakad na siya palayo.

Great -_-

" Babe? ", napatingin ako sa nagsalita.

" What? ", iritado kong sabi.

" Babe catch ", sabi niya at hinagis sakin yung bag niya na nasalo ko naman agad.

" Ano gagawin ko dito? ", pagtatanong ko habang nakatingin ako sa bag niya.

" What do you think? ", tanong niya rin.

" Bibitbitin ko 'toh? ", ako

" Exactly ", sagot niya at pinamulsa niya yung dalawa niyang kamay at naglakad na.

" Seriously? ", tanong ko pa at sumabay na rin sa paglalakad niya.

" Seriously ", sagot niya. Argh! Ano ako alalay niya?!

" Ayoko ngang bitbitin 'toh! ", hindi ko pagsang-ayon. Huminto siya sa paglalakad at humarap siya sakin.

" What do you want? Kiss or bag? ", taas-kilay niyang tanong.

O_O --> =__=

This guy is getting into my nerves. Argh! Kung hindi lang talaga ako takot na mawala yung first kiss ko eh kanina ko pa naihambalos sakanya 'tong bag niya. PSH.

Pinigil ko na lang yung sarili ko na makagawa ng hindi maganda at naglakad na ulit.

" You're so sweet Babe. Thanks ", talaga bang wala 'tong balak tumigil?

Wait. May naalala ako bigla. Huminto muna ako sa paglalakad at hinarap siya.

" Ano nga pala yung pangalan mo? ", tanong ko.

" *pout* What kind of girlfriend are you? You didn't even know the name of your beloved boyfriend ", para siyang nagmamaktol na bata. Ang cute tignan.

o.o

Ano?! Cute?! Tss. San ko napulot yung salita na yun ha?

Pinanliitan ko lang siya ng mata sa sinabi niya.

" Hahaha. Alright. I'm just kidding. Anyway, I'm Jake, Jake Fernando ", Ah. Jake, now I know.

" Okay ", sabi ko at naglakad nalang ulit.

~~~

(At Mansion)

Matapos ang madugong digmaan ay sa wakas na kauwi na rin ako. Hahaha. Just kidding.

Nung matapos kong tanungin yung pangalan niya ay,agad niyang kinuha sakin yung bag niya at sinabing uuwi na raw siya. Napakawalanghiya niya diba?

" Marie! ", pagtawag ko sa butler ko.

Any seconds. . . .

" Yes Ma'am? ", hinihingal niyang tanong.

" Where's my parents? ", pagtatanong ko.

" Uhm. Maam , kaaalis lang po. Pupunta raw po sila sa Paris at magi-stay po sila dun for 2weeks ", litanya niya na nakapagpakunot ng noo ko.

" Then? Yun lang ba sinabi nila? Wala ng iba? ", pagtatanong ko ulit. Umiling lang si Marie.

Tss. Ano ba ini-expect ko? Kahit kailan naman hindi nila ako binigyan ng importansya. Bakit ba hindi nalang ako masanay sa ganun? Yung sarili kong magulang binabalewala lang ako. Puro sila negosyo. Psh. Useless.

Tumuloy na ko agad sa kwarto ko upang makapagpahinga na.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon