Chapter 25 : Fever

8 0 0
                                    

CHRYSTAL YVES DAMIAN

-____-

"Achu!", dang tigas kasi ng ulo eh. Tsk.

Pasalamat talaga siya at kaya ko pang kontrolin yung sarili ko, kung hindi kanina ko pa siya napalabas dito sa condo ko. "Kita mo nga nagkasakit ka pa. Dang kulit kasi eh", sabi ko sabay irap sakanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Oo. Andito kami ngayon sa condo ko at para naman makapagpalit ako kaagad. Nabasa kasi kami ng sobra sa ulan. Si Carlson naman ay may naibaon na damit sakanyang kotse kanina na iniwan niya sa parking lot nitong building kaya mayroon siyang naisuot ngayon. Mabuti nalang at meron kung hindi wala ako sakanyang maipapahiram na damit ko. -.-

Nakita ko nanamang ngumiti siya at tinignan ako gamit ang mapupungay niyang mata. "Concern ka sakin?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Feeling mo naman? Tss", ang kapal ng mukha niya grabe. Hindi ba 'to tinatamaan ng kahihiyan ha? "Mas lalo kang gumaganda pag nagagalit ka"

+____+

"Argh!", padabog akong umalis at nagpunta sa kwarto ko. Ghad! Sumasakit ang ulo ko sa lalaki na yon.

Sabi ko pupunta ako rito para makapag-isip ako ng maayos. Pero ano?! Umeksena pa yung Carlson na yan!

"Chrystal, relax yourself. Bawal ka ma-stress diba?", unti-unti kong pinapakalma ang sarili ko. Makakapatay lang ako pag hindi ako nakapagpigil.

~

"Hhmm", unti-unti akong bumangon at naginat-inat. Umaga na? Agad-agad?

Habang nakaupo pa rin ako sa kama ay tinignan ko muna ng maigi ang aking paligid.

.
.
.
.
.
.
.
Nakakapanibago talaga.

Nalungkot ako sa naisip ko. Kailan ba ko babalik ng Manila? Ngayon ko lang napagtanto na sobra ko na palang namimiss ang buhay ko don, pati na rin sila Marie, Jas, Lara at si, Jake.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at saka tumingala para hindi tuluyang tumulo ang aking mga luha. Nasasaktan ako. Pero, ako lang ba ang nananakit sa sarili ko?

Inialis ko sa isip ko ang mga yon. Hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na malungkot ng dahil lang sa bagay na yun. Tama, dapat puro positive ang nasa isip ko.

~

Matapos kong gawin ang daily routine ko sa banyo ay nagpalit na ako ng damit at napagisip-isip ko na sa labas nalang ulit ako kakain, wala akong stock ng food dito sa condo ko. Saka tinatamad akong magluto at higit sa lahat hindi ako sanay magluto -.-

Papadiretso na ko ng pinto palabas ng condo ng mapatigil ako sa nakita ko sa sofa ko.

?!

"Carlson?!", madali akong lumapit sakanya na natatabunan ng unan dito sa salas at isa-isang tinanggal ang unan na nakatakip sakanya.

"Uhhmm", bumaling siya sa kabilang side ng sofa at namaluktot ng todo at ng mahawakan ko siya ay agad akong nataranta. "A-Ang taas ng lagnat mo!"

"I know. Please stop yelling", nanghihina niyang sabi.

Ohmygod. Ohmygod. Ano gagawin ko?! Natataranta ako ng sobra! Tumingin-tingin ako sa paligid at naghanap ng hindi ko alam. Ay basta! Ano ba ituuu???? Wala akong alam sa mga ganito eh >_<!

"Alam ko na!", dali dali akong nagtatakbo sa kwarto ko at marahas kong kinuha sa kama ko ang makapal kong kumot at yung tatlo kong pillows. Yakap-yakap ko itong dinala palabas at kinomutan si Carlson na ngayon ay giniginaw na.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon