CHRYSTAL YVES DAMIAN
Nang matapos kong asikasuhin ang sarili ko ay nagtungo na ulit ako sa kwarto dala-dala ang palanggana na may laman na maligamgam na tubig at saka bimpo. Nagsearch din kasi ako sa google at pwede ko rin daw iyon gawin upang mapababa ng ang lagnat ni Carlson.
"Tulog ka pa rin", bulong ko ng makaupo ako sa tabi niya at sinimulan ko ng basain ang bimpo at pigain ito at maingat kong inilagay sa noo ni Carlson.
Napakislot naman siya at mas hinapit pa ang kumot na nakabalot sakanya. Nilalamig siya.
Napakamot nalang ako sa ulo ko, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko matapos 'to. Pinagmasdan ko nalang ang matamlay niyang mukha. Namumutla siya. Nakokonsensya tuloy ako.
Ako kasi may kasalanan kung bakit siya hindi umalis doon kahapon sa bench, kaya naulanan din siya, tapos dito siya natulog, pero hindi ko man lang siya pinahiram ng kumot at unan. Kaya siguro mas lumala yung sakit niya.
Hayy, bat naman kasi ako pa napili niyang biktimahin eh? -3-
Gwapo naman talaga siya, maputi, matangkad, maganda ang pangangatawan, kumbaga ideal man ang maitatawag ko sakanya. Yun nga lang hindi ko siya type. -.-
~
CARLSON SAN NICOLAS
Hirap kong iminulat ang aking mga mata. Shit. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Pati sa pagdilat ng mata nahihirapan pa ko. Tsk.
Babaling sana ako sa kabilang side ng kama pero hindi ko na naituloy, dahil may nakita akong isang anghel na natutulog, malapit sakin.
Napangiti ako ng pagmasdan ko ang mukha niya, pagkagising ko, siya agad ang bumungad sakin. Parang gusto ko na tuloy magkasakit araw-araw kung siya ang palaging mag-aalaga sakin.
Nakatabi siya sakin ngayon, pero hindi kami magkalapit, kaya inabot ko ang pisngi niya at hinimas ito. Napakakinis ng balat niya. Parang kapag hinila ko ang pisngi niya ay kusa itong matatanggal sa mukha niya sa sobrang nipis at lambot nito.
Ang isa ko namang kamay ay napahawak sa noo ko at ng mapagtanto ko ay may bimpo pala na nakalagay dito. Mas lalo akong napangiti. Inaalagaan niya talaga akong mabuti.
Inialis ko nalang ang kamay ko sa mukha ni Chrystal, baka magising siya eh. At pinagmasdan ko nalang ang mala-anghel niyang mukha.
Napakaganda niya. Wala kang pwedeng ipintas sakanya pagdating sa kagandahan at kaperpektuhan.
Pero, nung una ko siyang nakita kahapon ay kusang lumapit ang mga paa ko sakanya. Parang may bumubulong sakin na lapitan ko siya. Hindi ko alam, agad akong nabighani ng kagandahan niya, at ngayon naman ay pati ng pag-uugali niya.
Sa katotohanan nga sobrang sunget at taray niya sakin, pero nung makita ko siya kanina ay sobrang lumambot ang ekspresyon at pagtrato niya sakin. Mabait naman siya, ayaw lang niya yata ipakita sakin.
Pero, sino ba naman ako ha? Nagmamadali? Hindi. Kailangan ko siyang makilala pa ng lubusan.
Ang saya lang talaga at nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan siya ng matagal ngayon, yung hindi siya naiinis at naasar sakin. Ngayon, sobrang malumanay ng mukha niya. Nakaka-inlove tuloy.
~
CHRYSTAL YVES DAMIAN
"Okay ka lang ba talaga?", nag-aalala kong tanong kay Carlson habang sinusuri siyang mabuti. Andito na kami sa parking lot kung saan niya iniwan ang kotse niya. "Opo Miss Chrystal"
"Salamat ulit", nakangiti pa niyang saad. Uuwi na raw kasi siya eh, pagkagising ko siya na mismo ang naghanda ng pagkain, matapos naming kumain ay napagpasiyahan niya na uuwi na siya at doon nalang niya ipagpapatuloy ang pagapapahinga niya.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Teen FictionPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...