Kasalukuyang nasa eroplano na sila Chrystal at Andy. Napagdesisyunan ng umuwi ni Chrystal nang dahil sa narinig niya'ng impormasyon galing kay Andy na ayon sa kasalukuyan ay pinapahirapan ni Jake ang kanyang sarili nang dahil sa pagkawala ng dilag sakanyang piling. Na siya rin namang ikinalambot ng puso ng dalaga. Hindi niya matitiim na maging ganoon ang kalagayan ng minamahal niyang kasintahan ng dahil rin sa kagagawan niya.Pero, sa kabilang banda naman ng kwento ay sa pag-alis ng dalaga sa Cebu, ay may maiiwan naman siya na isang binata na minamahal siya. Ano kalalabasan nito? Ano naman kaya ang magyayari sa binatang naiwan ni Chrystal sa Cebu?
CHRYSTAL YVES DAMIAN
Kanina pa nakalapag ang sinasakyan naming eroplano dito sa Manila, dahil oras na matapos ang usapan namin ni Andy kanina ay kaagad na akong nagimpake at napagdesisyunan na sasama na ako sakanya sa pag-uwi sa Manila.
Ngayon naman ay nakasakay na kami sa kotse kung saan papunta kami sa condo ni Jake. Nagsisimula na rin akong kabahan.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko mamaya pag nagkita na kami.
"Malapit na tayo. Relax yourself Chrystal." ,mula sa malalim na pagiisip ko ay napatingin ako sa katabi ko na si Andy na nasa kasalukuyang nagmamaneho.
Tumango nalang ako at ibinaling nalang ang tingin sa labas. Hindi ko talaga maibsan ang kaba na nararamdaman ko.
Sunod-sunod na mabibigat na pagbuntong-hininga ang ginawa ko bago pihitin ang doorknob sa kwarto ni Jake. Oo, andito na kami mismo sa loob ng condo at sinalubong kami ng iba pang kasama sa Black Rain, pero wala pa raw ideya si Jake na darating ako. At ngayon nga ay handa na kong magpakita sakanya.
Pagkabukas ko sa pinto ay kusa nalang akong napahinto at kusa ring tumulo ang mga luha ko.
Mula sa pagkakatayo ko ay nakatalikod mula sa akin si Jake. Nakaupo siya, habang pinipinta ang pigura ko.
"Jake", pagtawag ko mula sa pangalan niya. Mukhang hindi niya ako narinig . Isinarado ko muna ang pinto at saka nagsimulang lumakad palapit sakanya.
Pero napahinto ako ng dahil sa sinabi niya. "Wag mo kong lalapitan---." Napaawang ang bibig ko sa narinig ko.
"Jake", pagtawag kong muli sakanya, mas lumalakas nanaman ang pag-agos ng luha ko.
"Kung isa ka nanamang panaginip Chrystal. Wag mo na kong lapitan. Masasaktan lang ako.---"
Napatakip ako bigla ng bibig ko. Akala niya, nananaginip lang siya? Natawa ako ng pagak sa ideyang iyon.
"--- Kita mo nga, may gana ka pang tumawa? Pakiusap, umalis ka na. Ang kailangan ko, ang totoong Chrystal. Hindi ang panaginip na isang katulad mo. Dahil alam kong hindi ka rin naman magtatagal. Iiwan mo rin ako.", saad pa niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa sakanya.
"Jake", pagtawag kong muli sakanya.
"Damn. Sabi ko, iwan mo na ko", pagkasabi niya non ay humarap siya sa akin at nakita ko ang mukha niya.
At ang mga mata niyang lumuluha.
Parang tinusok nanaman ng milyon na karayom ang puso ko sa aking nakita.
"Jake", pagtawag kong muli sakanya at lalapit sana ako ng bigla niya akong pigilan.
"Huwag. Chrystal, pakiusap masakit kasi eh. Nasasaktan na ako ng sobra. Mahal na mahal kita. Pero wala akong magawa para hanapin ang totoong ikaw. Kasalanan ko kung bakit iniwan mo ko. Ayoko lang kasing magising ulit at malaman na wala ka pa rin sakin. Kaya kung pupunta ka dito, siguraduhin mo lang na hindi na ko magigising." , litanya niya at yumuko siya dahilan upang hindi ko makita ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Roman pour AdolescentsPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...