Chapter 3 : Black Rain

17 1 0
                                    


Kinabukasan. . . .

(At Room)

" Good morning Chrys ", napatingin ako sa nagsalita na si Jas na kararating lang.

Ngumiti lang ako sakanya.

" Oh, ano nanaman ba yang problema mo at bakit magang-maga nakasimangot ka? ", pagtatanong ni Jas.

" Nothing ", pagsagot ko at dumukdok nalang sa armchair.

" Chrys --- "

" Hello "

Agad napaangat ang ulo ko ng may ibang nagsalita at ---

" Do I know you? ", sabay naming tanong ni Jas sa lalaki ay babae pala, ay hindi binabae pala. Aish!

" I don't think so, anyway I am Lance Aguilar but can you please call me Lara? And by the way I'm the new transferee ", nakangiti niyang sabi.

O_o?

Lance tapos naging Lara? Hahaha. Agad naman akong tumayo.

" Oh! Hi Lara, nice to meet you and welcome to BA (Brilliant Academy). By the way I'm Chrystal Yves Damian ", nakangiti kong sabi at nakipagkamay sakanya.

Sayang gwapo pa man din, yun nga lang...

" Thank you and nice to meet you too ", sabi pa niya.

" A-ahm. Ako nga pala si Jasmin Javate. Welcome to BA and nice to meet you ", sabi naman ni Jas. Hahaha. Awkward. Eto pala yung sinasabi niyang new transferee. LOL.

" Thanks ", nakangiti pa ring sabi ni Lara at nagkamayan sila.

" Uhm, pwede bang dito na ko umupo sa tabi niyo? Wala pa kasi akong ibang kakilala dito eh ", tanong niya.

" Sure ", pagsagot ko and by that umupo na siya sa tabi ko, pinagigitnaan nila akong dalawa ni Jas.

~~~

Dumating na yung first subject Prof namin, at ngayon ay nasa kalagitnaan kami ng madugong paglelecture. Psh.

* knock knock *

Napatigil kaming lahat ng may kumatok sa pinto.

" Come in ", Prof

* The door opens *

O_O

" Oh Mr. Fernando? ", Prof

" Excuse me Sir, mayron lang po akong ibibigay kay Ms. Damian ", sabi ni Jake. Argh. Ano nanaman ba 'toh?!

" Go ahead ", Prof

Ngumiti lang si Jake at naglakad siya papunta sa direksyon ko, at nakalagay yung isa niyang kamay sa likod niya na parang may itinatago.

" Good morning Babe, for you ", nakangiti niyang sabi at iniabot sakin yung nakatago sa likod niya na isang boquet na white and pink roses.

Huh?! What?!

" Ayieeeee!! ", narinig kong kantyaw ng mga classmates ko.

O//O

Seriously? Binigay niya talaga sakin 'toh? But why?!

Lumapit sakin si Jake at bumulong.

" Sabay tayong maglunch sa likod ng school. Aryt? ", sabi niya, sa sobrang lapit ng mukha niya sakin ay napatango nalang ako.

" Okay, I love you Babe, see you later ", nakangiti niyang sabi.

O////O?

" Thank you Sir ", paalam pa niya sa Prof namin at umalis na.

" Tsk. Tsk. Iba na talaga kapag inlove ", natatawang kumeto ni Sir at nagsulat na ulit sa board.

" Ayiee, ang swerte mo naman Chrys ", classmate 1

" Oo nga, gwapo na sweet pa ", classmate 2

" Class, be quiet ", sabi naman ni Sir and by that tumigil na sa pag-iingay yung mga classmates ko.

Argh. This is so embarassing.

" Sumpa pa rin ba? ", napatingin naman ako kay Jas na natatawa. Hmp. Oo sumpa talaga.

" Che ", inis kong sambit.

" Jake Fernando ", napatingin naman ako bigla sa isa ko pang katabi na si Lara.

" Kilala mo siya? ", gulat kong tanong.
" Pano mo siya nakilala? ", gulat din na tanong ni Jas.

" Panong hindi ko siya makikilala eh sikat siya sa campus na pinagaaralan ko dati ", sabi ni Lara. Agad naman kaming napalapit sa sinabi niya.

" What? Pano naman naging sikat? ", tanong ko.
" Saka you mean ka-schoolmate mo siya dati? ", tanong naman ni Jas.

" Girls at the back! ", pagsigaw nung Prof samin, masyado sigurong napalakas yung pag-uusap namin dito.

" Sorry Sir! ", sabay-sabay naming sabi.

" Dali, sagutin mo yung tanong namin ", pangungulit namin ni Jas. Ewan ko kung bakit naging interesado ako sa lalaking yun.

" Sige ganito yun. Si Jake ang isa sa mga leader ng Black Rain kaya siya sikat ", paninimula ni Lara.

" Huh? ", ako
" Black Rain? ", Jas

" Oo, Black Rain, isa yung grupo ng mga gangster na binubuo ng 20 member at second leader nun si Jake. Isa yun sa mga grupo na kinatatakutan ng buong campus namin. Napakalawak ng koneksyon nila at sobrang laki ng impluensya nila. Saka walang nagkakamaling lumaban sakanila kasi kahit ano pwede nilang gawin. Wala silang sinasanto ", litanya ni Lara na sobra naming ikinagulat ni Jas.

Wtf?!

Gangster si Jake?! Yung boyfriend ko?! Truelala ba?! OhGhad!

" Talaga?! ", gulat na tanong ni Jas, ako nasosorpresa pa ko sa mga nalalaman ko.

" Sshh. Wag kang maingay. At ang isa pa, balita ko tanggal na dun si Jake kasi nga lumipat na siya dito sa BA. Pero, hindi ko lang sure kung totoo ba talaga na tanggal na dun si Jake. Sa totoo nga lang sobrang nakakatakot si Jake isa siya sa pinakamabagsik at nakakatakot na miyembro ng Black Rain. Kaya ikaw Chrystal, ingat ka ng konti kay Jake, kilalanin mo muna siyang maigi ", saad pa ni Lara.

* Gasp! *

" Okay class dismiss! Girls at the back sa susunod kung hindi niyo kayang tumahimik sa oras ng klase ko. Huwag na kayong pumasok sakin. That's all. Bye ", Prof. Patay.

* Deep Sigh *

Napatingin ako sa boquet na hawak ko. Ano pa ba ang kailangan kong malaman tungkol sayo Jake? Saka tototohanin kaya namin talaga yung relationship na 'toh?

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon