CHRYSTAL YVES DAMIAN
Errr. Ayaw nilang tumigil. Pano ba tuu >.<?!
"Walang hiya ka talaga Jake. Pinagkakaingat-ingatan namin si Chrystal tapos ikaw gaganyanin mo lang siya?", umiiyak na sabi ni Jas habang nakayakap sakin. Napatingin naman ako kay Jake na may pag-aalala. "Okay lang yan", I mouthed. Sinisisi nila kasi si Jake. Eh si Jake naman apektadong-apektado sa sinasabi nila Jas sa kaniya.
"Kung lalaki lang talaga ako Jake. Nasapak na talaga kita. Hindi mo alam kung gano kami mamatay sa pag-aalala sakanya", naluluha namang sabi ni Lara.
Tumigil na kayo. Ghaaad. Hindi naman kasalanan lahat ni Jake eh. (T.T)
"Jas, Lara. Wag na kayong umiyak. Nakita niyo naman, okay lang ako at nandito na ko. Promise, hindi ko na uulitin yon. I'm sorry", pag-aalo ko naman sakanila. Andito na kami sa mansyon namin at ng sabihin ko kila Jas na nandito na ako ay kaagad silang nagtungo dito.
Nag-alala talaga sila sakin ng sobra. Si Marie naman, hindi ko pa nakakausap. Pero mamaya nalang, kapag kami nalang dalawa ang nandito.
Humiwalay sakin sa pagkakayap si Jas at pinunasan ang mukha niya dahil nabasa na ng luha niya. "You better be. Ngayon ko lang nalaman na nakakamatay pala ang pag-aalala. Ikaw naman Jake, kapag umalis nanaman si Chrys ng dahil sayo, ako na mismo ang magdadala sayo sa impyerno", kagat-labi akong tumingin kay Jake. Nakayuko lang siya. Nako naman, pinag-iinitan talaga nila si Jake.
"Oo nga. Ako na rin mismo gagawa ng kabaong mo", saad naman ni Lara kaya tinignan ko silang dalawa at binigyan ng Stop-na-look. Tinotorture nila ang Jake ko eh. T3T
"Ako rin ang may kasalanan kaya please, hindi rin kagustuhan yon ni Jake. Wag niyo na siyang sisihin", mahinahon kong pakiusap. Naaawa na kasi ako kay Jake.
Nakita kong bumuntong-hininga silang dalawa. "Okay. I'm sorry din. Pinapatawad na kita Jake. Wag niyo nalang uulitin yon", hay salamat naman at napatawad na nila si Jake. "I'm sorry three. Apology accepted Jake", sabi naman ni Lara. Ngumiti ako sakanila at niyakap silang dalawa.
Mga tunay na kaibigan ko talaga sila. Nakakatuwa lang isipin na nagkaayos-ayos na kaming lahat.
~
"Matulog ka ng maaga ah? Bumawi ka ng tulog. Dapat hindi ko na makita yang mga eyebags mo sa susunod na araw", paalala ko kay Jake.
"Yes Babe", nakangiti naman niyang sagot. Uuwi na kasi siya at andito kami sa harapan ng gate. Sila Jas at Lara naman kanina pa nakauwi. Pagkatapos ng drama kanina ay nagkwentuhan lang kami at saka kumain, pagkatapos non ay napagpasiyahan na nilang umuwi.
"Good. Bukas nalang ulit. Bye", lumapit ako sakanya at binigyan siya ng kiss. Yung smack lang ah. "I love you!", masaya kong sabi. "I love you too!", sagot naman niya at pumasok na sa kotse niya.
Akala ko ay aalis na siya pero binuksan muna niya ang window ng sasakyan niya. "Sabay tayong pumasok bukas", paalala nito. "Sure!", kaagad ko namang sagot.
"Alright. Goodbye. See you tomorrow. I love you", nakangiti niyang sabi. Gawd. Sumosobra ata kami sa asukal ngayon ha? Ihhh! Hahaha.
"I love you too! Take care!", masaya ko namang sabi. And by that, pinaandar na niya ang sasakyan niya at umalis na. Hinintay ko siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan nito at saka ko napagpasiyahan na pumasok na sa mansyon. May kailangan pa kong kausapin.
"Marieeeee!", pagtawag ko sa taong namiss ko rin ng todo. Wala pang minuto ay nasa harapan ko na siya at hingal na hingal. "Po?"
Napangiti ako ng dumating siya. "Tara sa kwarto ko", sabi ko at di ako nag-atubiling hilahin siya papunta sa kwarto ko. Marami kaming pag-uusapan ng Ate ko. Hihihi.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay kaagad niya akong niyakap. "Ma'am namiss po kita", sabi niya at naramdaman ko sa balikat ko na parang nababasa na ulit ang damit ko. "I miss you too", nakangiti ko namang sabi at saka niyakap rin siya.
"Hindi niyo po alam kung gaano ako nag-alala sainyo. *sniff*", tugon nito. Nakakalambot ng puso, ang daming nagmamahal sakin.
Humiwalay ako sakanya at saka inupo siya sa mini sala dito sa kwarto ko. "I'm sorry Marie kung pinag-alala kita ng sobra", nag-aalala akong tumingin sakanya at naupo na rin ako sa kaharap niyang upuan.
"Sa susunod naman po kasi Ma'am, magpasabi po kayo kung aalis kayo at kung saan kayo pupunta", malungkot pa rin nitong sabi habang pinupunasan ang mata niya.
"Okay. I'm sorry again. Babawi ako sayo. Wag ka ng umiyak, baka pati ako mapaiyak na rin eh", nagpipigil kong sabi. Nagbabanta na kasi yung mga luha ko eh. Parang si Marie na rin kasi ang tumatayo kong magulang.
Tumango lang siya at tumigil na sa pagluha. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang pag-aalala at pagkalungkot.
Bumuntong hininga muna ako at saka pinaglubag ang loob ko. "Anyway, habang wala ako dito anu-ano ang mga nangyari?"
"Ma'am, bago po iyon may gusto po muna akong sabihin sainyo", napa-ayos ako ng upo at sumeryoso ng tingin dahil biglang nag-iba ang tono at mukha ni Marie.
"What is it?", seryoso kong tanong sakanya at tinitigan siya sa mga mata.
"Ma'am. Bukas na po ang uwi ng Mama at Papa niyo. Nalaman po kasi nila na umalis ka---"
"W-What?!", agad kong pinutol ang sinasabi ni Marie. Hindi pupwedeng malaman nila yung ginawa ko. "Pano nila nalaman?"
"Ma'am, iyan nga po yung ikinakabahala ko. Nanggaling po sa school niyo yung balita na iyon. Hindi ka raw po kasi pumapasok kaya ipinaalam po nila yon sa magulang niyo, kaya nung malaman po nila yung balita na iyon ay ako naman po yung tinawagan nila at sinabi nga po na ganun, wala po akong nagawa kundi sabihin ang totoo. Natakot po ako sa magulang niyo. I'm sorry po Ma'am. I'm sorry", litanya niya at nagsisimula na ulit tumulo ang mga luha niya.
Kinabahan ako bigla sa nalaman ko. Bukas na sila uuwi. Pano 'to? Anong sasabihin ko? Ano gagawin ko? "M-Marie, alam din ba nila na si Jake ang dahilan kung bakit ako umalis?", nanginginig ko ng tanong.
"Ma'am,hindi ko po sinabi. Pero, alam na rin po nila. Sinabi po nila sakin, na habang wala daw po sila ay pinae-espiyahan kaw daw po nila. Kaya mas lalo po akong natakot, galit na galit po yung magulang niyo nung nakausap ko po sila. I'm sorry po Ma'am. Wala po akong nagawa. I'm sorry po", sagot niya pagkatapos ay humagulgol na siya sa iyak. Naramdaman ko rin na tumutulo na ang luha ko.
Sa isang desisyon na nagawa ko, bakit eto pa yung parusa ko? No. This is not happening. Wala sana silang masamang gawin kay Jake.
Pinunasan ko ang mga luha ko at saka nilapitan si Marie. "No, it's okay Marie. Don't blame yourself. I'm not mad, just please stop crying. I know I can handle this", pag-aalo ko sakanya. Wala naman talaga siyang kasalanan. Ginawa lang niya ang trabaho niya. Mas mabuti na nagsabi siya ng totoo, kung hindi baka tinanggal na siya sa trabaho niya. Baka, mawalan pa ko ng kakampi.
Patuloy lang siya sa pag-iyak . Sinisisi niya talaga yung sarili niya. Naawa tuloy ako kay Ate. "Okaaayy. Marie, may iuutos nalang ako sayo. Tawagan mo si Jake. Sabihin mo sakanya na huwag muna niya akong sunduin dito bukas. Kung pupwede ipaliwanag mo na uuwi yung parents ko, pero wag mong sasabihin na may problema okay?", utos ko. Maiintindihan naman panigurado ni Jake yun.
Tumango lang ulit si Marie. Medyo, humihina na rin yung pag-iyak niya.
"Alright. *Deep sigh* Maaayos din ito. Tiwala lang", ngumiti ako kay Marie at saka pinahid ang pisngi niya gamit ang palad ko. "Ssshh. Ganito talaga ang buhay. Maraming up's and down's. Tao lang tayo, kaya hindi natin maiiwasan ang magkamali. Huwag mo ng intindihin yon. Huwag mong sisihin ang sarili mo nang dahil sa pagkakamali ng iba", saad ko pa at niyakap na si Ate Marie.
"Everything's gonna be alright"
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Novela JuvenilPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...