Chapter 9 : Self Defense

10 1 0
                                    


( At BA )

Kababalik lang namin dito sa campus at kasama pa rin namin si Jake.

" Sige Chrys ah. Kita nalang tayo mamaya paguwi ", sabi ni Jas, tumango lang ako sakanya and by that naghiwalay na kami ng daanan, kasama niya si Lara at ako kasama ko si Jake.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Jake, tahimik lang kami sa paglalakad.

" Uhm. Jake--- "

" Don't talk ", agad niyang pagputol sa sasabihin ko. Psh. Ano ba problema nito? Asar ah. Kanina pa 'to. Tsk.

Hindi na ko nagsalita tulad ng sabi niya. Tssss..

~

Dito kami nagpunta sa likod ng school. At pagkadating namin dito ay agad akong naupo sa damuhan at saka sumandal sa pader.

Ugh. Napagod ako sa kakalakad.

" Bakit mo kasama yung lalaki na yun ha? ", pagtatanong niya kaya agad akong napatingin sakanya. Nakatayo lang siya at nakacross arms. Halata mo rin talaga sa boses at mukha niya na wala siya sa magandang mood ngayon.

" Hindi ko naman talaga kasama si Jack. Nagkataon lang na dumating siya dun sa cafeteria at iniligtas ako, kasi may nambabastos sakin na mga lalaki. Tinulungan lang ako ni Jack, yun lang ", pagpapaliwanag ko.

" Tss. Kung hindi mo sana ako iniwan kanina sa bodega hindi ka sana mapapahamak ", - Jake

" Huh? Wala naman din kasi akong mapapala kung nag-stay ako dun. Ayaw mo nga ako kausapin ng matino eh. Tss ", inis kong sabi.

" Hmp. Eto sinasabi ko sayo Chrystal. Iwasan mo yung lalaki na yun ", - Jake

" At bakit naman? Kapatid mo naman yun diba? ", -Ako

" Basta. Iwasan at layuan mo yung lalaki na yon dahil kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magkita ", -Jake

" Ha?! Ano ba problema mo? Wala kang karapatan para diktahan ako ", bulyaw ko sakanya at saka nagwalk out. Argh! Nakakabadtrip siya!

" Chrystal ! ", narinig kong pagsigaw niya.

" Che! Break na tayo! ", pagsigaw ko rin ng hindi siya tinitignan at tuluyan na akong umalis.

Nakakabwisit talaga siya! TSK.

~

( At Mansion )

" Ma'am bat ang aga niyo po yatang umuwi ngayon? ", pagtatanong ni Marie ng makasalubong ko siya.

Agad na kong dumiretso dito sa bahay. Nawala na ko sa mood para sa pag-aaral. Ugh.

" Che ", sambit ko at nagpunta na sa kwarto ko.

Bwiset talaga yung lalaki na yan. Ang kapal niya para pigilan ako. Ano ba karapatan niya ha? Tatay ko ba siya? Hindi naman diba? Psh.

ARGH!!! Nababadtrip at naiinis talaga ako.

~~~

( At School )

" Ha?! Break na kayo?! ", sabay na tanong ni Jas at Lara. Ikinwento ko kasi sakanilang dalawa yung nangyari kahapon.

" Oo. Kasasabi ko nga lang diba? ", wala naman sa mood kong sabi.

Andito kami ngayon sa green garden at nakaupo lang sa damuhan. Lunch time namin ngayon. At hanggang ngayon din ay hindi ko pa nakikita si Jake. Tss. Ano nga ba pakielam ko dun?

" Ganun?? Eh wala pa nga kayong one week tapos break agad? ", - Jas

" Oo nga naman. Baka pwede pa yang maayos ", - Lara

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon