Chapter 12 : This Feeling

3 1 0
                                    


CHRYS' POV

" Ayan. Kasya naman pala sayo yung damit ni Papa eh ", nakangiti kong sabi ng makalabas na si Jake sa bathroom. Basang- basa kasi kami kanina kaya nagbihis muna kami, at pinahiram ko muna si Jake sa isa sa mga maliit na damit ni Papa dito at mabuti nalang ay nagkasya yun sakanya.

" Oo nga. Salamat Chrys ", - Jake

" Wala yon. Sige na ihahatid na kita sa guest room para makapagpahinga ka na ", - Ako

" Ayoko. Gusto ko tabi tayong matulog ", - Jake

?!?

" Tumigil ka nga Jake! ", pagbulyaw ko sakanya. Ano ba yung sinasabi ng lalaki na 'to ha?

" Hahaha. Just kidding. Sige tara na ", - Jake

-__- Sapakin ko 'to eh

Huminga muna ako ng malalim at saka sinamahan ko na si Jake sa kwarto niya. Dito ko na siya pinatulog, masyado kasing malakas ang buhos ng ulan, baka kung ano pa mangyari sakanya.

" Thank you Babe ", nakangiti niyang sabi habang nakatayo siya sa harap ng pinto ng kwarto niya.

Ngumiti lang din ako pabalik.

" Goodnight ", - Ako

" Goodnight ", - Jake

Aalis na sana ako ng magsalita ulit si Jake.

" Uhm Chrys ", pagtawag niya kaya agad akong humarap sakanya.

" Bakit? ", - Ako

" Bati na ba tayo? ", tanong niya. Napangiti naman ako at tumango na lang bilang sagot.

" Talaga? ", - Jake

" Talagang-talaga ", - Ako

" So, tayo na ulit? ", - Jake

" Hhmm... Ewan ", sabi ko, bigla ko kasing naalala yung nangyari sa bar. Argh.

" Ha? Bakit ewan? ", nagtataka niyang tanong.

" Sino yung kahalikan mo sa bar noon? ", taas-kilay kong tanong. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko. Psh.

" A-Ah. Yun ba? Hindi ko rin yun kilala ", pagsagot niya.

~~~

JAKE' S POV

" ANO?! HINDI MO YUN KILALA?! ", pagsigaw sakin ni Chrys.

" Oo, hindi ko naman talaga kilala yun eh ", - Ako

Totoo naman kasi eh, nakita ko kasing pababa na nun sila Chrys kaya humitak nalang ako ng babae dun sa bar at hinalikan. Baka kasi mahalata niya na sinusundan ko siya.

Oo, inaamin ko, sinusundan ko nga si Chrys, simula nung araw na nag-away kami hindi talaga ako nagpakita sakanya, pero palagi ko siyang sinusubaybayan at binabantayan mula sa malayo. Nung una ayoko kasi nagagalit ako dahil nga kapakanan lang niya ang iniisip ko pero ginawa ko pa rin. Gusto ko siyang ingatan. Pero katulad ng nangyari kanina, biglang sumulpot yung Jack na yon at balak pa niyang halikan yung girlfriend ko. Tss. Hindi ko alam kung ano yung pakay niya kay Chrys.

" Kung hindi mo yun kilala, bat hinalikan mo yun ha?! ", pagsigaw pa niya. Tsk. Masama pa lang magalit 'to. Masisira eardrums ko nito eh.

" Sorry na. Hindi ko na yun uulitin. Gusto mo ikaw nalang ikiss ko? ", pagtatanong ko sakanya at nginitian siya ng todo.

" Che! Matutulog nalang ako! ", sigaw niya ulit at madaling umalis.

Okaaay. Galit nanaman ata siya sakin. Tssss...

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon