Chapter 27: Way Back Home

5 0 0
                                    

CHRYSTAL YVES DAMIAN

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at saka huminga muna ng malalim bago ko sagutin ang tawag ni Carlson.

[ Good evening Miss ]

I clear my throat first. "Hi."

[ Ang ganda pa rin pala ng boses mo kahit sa cellphone 'no? ]

Hindi ko namalayan, nakangiti na pala ako. Siraulo talaga yung tao na 'to. "Baliw. B-Bakit ba?"

[ Nothing. Namiss lang kita. Kumain ka na ba? ]

"Oo, ikaw ba?", sagot ko nalang kahit hindi naman. Nawalan ako ng gana'ng kumain nang dahil sa mga narinig ko kanina.

[ Good. Oo katatapos ko lang. Anyway, kapag gumaling ako saka natin itutuloy yung date ah? ]

"S-Sure. Basta, wag mo ng uulitin yung ginawa mo. Baka magkasakit ka ulit. Konsensya ko nanaman yon pag nangyari", paalala ko. Totoo naman kasi eh, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkasakit nanaman siya ng dahil sakin.

Narinig ko naman sa kabilang linya na napatawa siya sa sinabi ko.

[ Concern ka talaga sakin huh? Don't worry, hindi ko na uulitin yon, magpapakamatay nalang ako sa susunod ]

O.O!

"Baliw ka ba talaga ha?!", napasigaw ako ng wala sa oras sa sinabi niya.

[ Woman, easy easy. I'm just kidding. Hahahahaha. ]

-_____- Ako papatay dito.

"It's not a good joke Carlson", inis kong tugon. Pati ba naman iyon ha? Seriously? Tss. Aatakihin ako sa puso eh.

[ Hahaha. Okay. I'm sorry. I'm sorry. Hindi ako magpapakamatay hangga't hindi pa kita napapasagot. Tandaan mo yan. ]

"Bahala ka sa buhay mo. Magpahinga ka na. Matutulog na rin ako. Goodnight"

[ Alright. Concern ka talaga sakin. Goodnight. Bukas ulit ah? ]

"Oo na"

[ Thanks. Goodnight. ]

Matapos iyon ay ako na mismo ang nagpatay ng tawag. Kasunod naman non ang pagtext niya.

From Carlson:

Mukhang hindi ata ako makakatulog sa kakaisip ko sayo. Babantayan nalang kita. Goodnight again. Sweet dreams. :)

Napangiti nalang ulit ako sa nabasa ko. Kahit papano gumaan ang loob ko ng makausap ko si Carlson.

Ibinababa ko nalang ang cellphone ko sa tabi ko at saka nahiga na.

Kailangan ko ng magdesisyon kung kailan ako babalik sa Manila, at kung babalakin ko pang makipagbalikan kay Jake.

Ang hirap talaga ng sitwasyon ko.

~

*Buzz! Buzz!*

"Hhmm", naalimpungatan ako ng marinig ko ang doorbell ko na tumutunog.

*Buzz! Buzz!*

O_O?!

Nagpa-deliver ba ko ng pagkain o ano? Wala naman akong natatandaan na nag-order ako ah?

Baka naman si Carlson lang yon?

With that thought -- Ugh. -___-

Ang aga naman niyang nambubulabog. Tss.
Tamad akong lumabas sa kwarto ko at lumapit sa pintuan ng condo ko upang pagbuksan ng pinto si Carlson.

"Chrystal"

"Bakit ba dang aga mo dito Carl--- ANDY?!"

Napaatras ako ng mapagtanto ko na hindi pala si Carlson ang kaharap ko ngayon kung hindi si Andy, na isa sa ka-gangmate ni Jake.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon