Napakaraming araw ang nagdaan. At lahat ng araw na iyon ay naging masaya, mas lalong nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't isa at sa bawat araw na dumadaan ay lalo pa ito'ng nadadagdagan. Madalas na silang magkasama. Pinapahalagahan nila ng sobra ang isa't isa at iniingatan.
~~~
CHRYS' POV
" Totoo ba yan? Hahaha ", natatawang sabi ni Jas kay Jake.
" Oo naman. Diba Babe? ", sabi naman ni Jake at nilingon ako.
" Oo nalang. Hahaha ", sabi ko, pano sabi ni Jake oras daw na nasa tamang edad na kami ay papakasalan daw niya ako. Ang saya nga pakinggan eh.
" Anong oo nalang? Napipilitan ka lang ba sumagot? * Pout * ", parang bata niya'ng sabi.
" Hahaha. Hindi naman ", sagot ko. Natatawa ako sa inaasta ni Jake ngayon. Hahaha.
Andito kami ngayon sa park at nakaupo lang sa damuhan. Weekend kasi ngayon eh, saka nagbabonding lang kaming magkakaibigan. Kami nila Jas, Lara at syempre kasama si Jake.
" Anong hindi naman? Ayaw mong maniwala sakin? Pwes sa harap ngayon ng mga kaibigan mo at sa harap mo--- ", sabi niya at tumayo pa at itinaas ang kanan niyang kamay na parang manunumpa.
" --- mangangako ako, ako si Jake Fernando na ngayon ay nangangako kay Chrystal Yves Damian na papakasalan ko siya kapag nasa tamang edad na kami ", saad pa niya.
Aww...
Hahahaha.
" Oo na. Naniniwala na ako sayo. Maupo ka na ", pagpapaupo ko kay Jake. Hahaha. Baliw na lalaki. Pero sana nga ulit matupad niya yung pangako niya.
" Hahaha. Oo nga Jake maupo ka na, satisfied na kami ", sabi naman ni Lara samantalang si Jas naman ay tawa lang ng tawa.
" Tss. Wag nga kayong tumawa. Seryoso ako ", parang nagmamaktol ulit na sabi ni Jake at naupo na ulit sa tabi ko.
" Sige na ikaw na seryoso. Pero eto lang sinasabi ko sayo Jake, oras na saktan at iwanan mo si Chrys ako kauna-unahan na bubugbog sayo ", - Jas
" Oo nga. Ako rin baka makita mo kong maging lalaki sa kauna-unahang pagkakataon ", pagsang-ayon naman ni Lara.
Napangiti nalang ako sa sinabi nila. Ngayon lang ako nakahanap ng mga tunay na kaibigan.
" Ano? Hindi ko sasaktan at iiwan si Babe. Mahal na mahal ko 'to eh. Saka, baka nga siya pa mangiwan sakin eh ", sabi ni Jake at humarap ulit sakin.
" Ha? Wag ka ngang magsalita ng ganyan Jake. Kahit kailan hindi kita iiwan, mahal na mahal din kaya kita 'no ", - Ako
" Awtsu. Hops na nga. Naiinggit lang kami ni Jas ", - Lara
" Oo nga. Saka baka langgamin na tayo dito ", - Jas
" Hahaha. Kayo kaya yung nagsimula nito 'no ", - Ako
" Oo kami nga, pero sino ba may sabi sainyo na magpakasweet kayo diyan ha? ", - Jas
" Tss. Hahaha. I love you Babe "
!
Nagulat ako ng bigla akong halikan ni Jake at sinabi ang mga katagang iyon.
" Oh my ghad. Nasusuka ako sa nakikita ko ", maarteng sabi ni Lara.
" True. Like eew ", sabi naman ni Jas.
Hala? Hahaha.
" I love you too Babe ", nakangiti kong sabi kay Jake at hindi nalang pinansin sila Jas at Lara na nag-iinarte.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Novela JuvenilPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...