Chapter 22 : Another you

5 0 0
                                    

CHYRS' POV

Matapos namin maligo ni Jake (Oy hindi kami sabay naligo ah. Pinaalala ko lang. Baka kung ano isipin niyo) ay kaagad na rin kaming bumaba at nagtuloy sa isa pang restaurant dito isla na hindi rin naman kalayuan sa hotel. Pinapapunta kasi kami doon ni Tita, para doon na kami magbreakfast at saka may dumating daw na bisita, hindi ko lang alam kung sino.

Magkahawak-kamay kami ni Jake habang naglalakad sa buhangin papunta ng restaurant, at sa bawat madadaanan namin na may tao ay may mga mata ring nakasunod sa kasama ko. Tss. Dukutin ko yung mga mata ng mga talandi dito eh.

Nang makapasok kami sa restaurant ay agad namin nakita si Tita kaya lumapit na rin kami sakanya.

"Mom", pagtawag ni Jake sa ina niya na nabaling naman ang atensyon samin. "Oh! Gising na pala ang mag-asawa. Good morning!", masiglang sabi ni Tita. Naman eh. -3-

"Good morning po Tita", nakangiti kong bati ko sakanya, gayon din naman si Jake.

"Maupo na kayo para makakain na kayo ng breakfast", alok niya kaya naupo na kami ni Jake. "Asan nga po pala yung sinasabi niyong bisita?", magalang na tanong ni Jake. Napansin ko rin na wala pa pala yung bisita na sinasabi ni Tita.

"Ah oo. Si Jack yung sinasabi kong bisita nagpunta lang siya saglit sa CR"

Si Jack?!

"Mom, ano'ng ginagawa niya dito?", napatingin ako kay Jake dahil narinig ko na nag-iba ang tono ng pananalita niya. "Nagbabakasyon siya. Wala daw kasi silang pasok ng isang linggo katulad niyo. Bakit?", litanya ni Tita.

Huh? Hindi ba niya alam ang tungkol sa away ni Jake at Jack?

"Nothing", wala sa mood na sabi ni Jake. Nararamdaman ko rin ang pag-iiba ng awra niya lalo na ng dumating si Jack sa hapag.

"Chrystal? Wow. Long time no see", nakangiting bati sakin ni Jack. Ngumiti din ako nang pabalik sakanya. "Yeah. Long time no see din"

"Magkakilala rin kayo ni Jack?", pagtatanong naman ni Tita. "Of course Mom, sino ba ang hindi makakakilala sa magandang girlfriend ng kapatid ko, right Jake?"

Nakaramdam ako bigla ng pagkailang, lalo na ng banggitin ni Jack ang pangalan ng kapatid niya.

Tinignan ko lang si Jake at nakatingin lang siya kay Jack.

"Yeah, sobrang friendly mo nga pala kaya paanong hindi mo makikilala si Chys? Halos lahat nga gusto mong kaibiganin para makuha mo sila", maririin at matatalim ang binibitawan na salita ni Jake kay Jack.

Oh no. This is no good.

"Wait. Ano ba yang sinasabi mo Jake sa Kuya mo ha? Mayroon ba kong hindi alam dito?", naguguluhan pero nakaseryosong sabi ni Tita.

"Wala po. Excuse us"

Huh? ---

Kaagad akong hinila ni Jake at nagmadali kaming lumabas sa restaurant.

"Jake, dapat hindi mo yun sinabi sa kapatid mo", malumanay kong sabi ng makabalik kami sa hotel.

"What do you expect me to say to him Chrys? I hate that bastard!", napaatras ako ng biglang magtaas ang boses niya. Ayaw niya talaga kay Jack at ngayon ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya.

Napalunok ako ng tignan niya ako ng malamig. Huli ko itong nakita noon'g nag-away kami ng dahil rin kay Jack na nauwi sa pagbebreak namin.

*Slam!*

Napaupo ako sa kama ng umalis si Jake na walang ibang iniwan na salita sakin kundi ang malalamig at matatalim lang niyang tingin.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa noo ko. Kailangan lang muna niya sigurong mapag-isa.

~

Tumingin muli ako sa relos ko. Anong oras na ah? Bakit hindi pa siya bumabalik dito sa hotel?

Napabangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ako sa balkonahe para tignan ang lumulubog na araw sa dagat. Magdidilim na. Asan na kaya siya?

Maghapon lang akong nagkulong dito sa kwarto, baka kasi mamaya bumalik dito si Jake at magalit yon pag hindi niya ako naabutan na nandito.

Mas maganda sanang i-appreciate yung view lalo na kapag may kasama, kaso, wala siya eh.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa papalubog na araw. Hindi pa kaya siya babalik? Gusto pa ba niya ng oras para mapag-isa siya?

Sa gitna ng pag-iisip ko ay bigla akong nakaramdam ng gutom, hindi pa pala ako kumakain ng umagahan at tanghalian, at ngayon maghahapunan.

Napagdesisyunan ko na bumaba muna at kumain, saglit lang naman akong kakain para kung sakaling umuwi na si Jake ay maabutan niya ako sa kwarto.

Nagdala rin ako ng sweater sa paglabas, dahil malamig din ang simoy ng hangin.

"Good evening Ma'am", nakangiting bati sakin ng waiter at iniabot sakin ang menu. "Ma'am what's your order?", tanong naman niya matapos ang isang minutong paghihintay.

"Uhm, one order of beef steak with extra rice, pineapple juice, and a chocolate mousse", order ko. Nagutom talaga ako eh.

"Okay Ma'am. Your order is coming right up", masigla niyang sabi at umalis na.

Nang makatapos akong kumain ay agad na akong bumalik sa hotel, pero pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ni Jake ay nabigo ako, dahil wala akong nakitang bakas ni Jake.

Napabuntong hininga nalang ako at isinarado na ulit ang pinto. Lumabas  ako muli ng hotel at napagpasiyahan na maglakad-lakad muna sa dalampasigan.

Malulungkot lang ako kapag pumasok ako sa loob, kasi alam kong wala naman doon si Jake. Sabi niya babawi siya sakin kaya kami nandito? Pero, bakit ganito? Mas inuna pa niya yung pagkamuhi niya sa kapatid niya kaysa sakin.

Habang naglalakad ako ay bitbit ko ang aking mga tsinelas at hinayaan kong matapakan ang mga basang buhangin at ang mga tubig na humahampas sa binti ko.

Ghad. Ang lamig dito.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin na may nabunggo na pala akong tao.

"S-Sorry po", paumanhin ko sa tao, pero natigilan ako ng biglang humarap sakin yung nabunggo ko. "Jake?"

"No. It's me. Jack", nawala bigla ang pag-asa ko. Akala ko siya si Jake, kamukha niya kasi eh. Duh? Magkapatid kaya sila 'no?

"Oh sorry. My bad", nag-iwas ako ng tingin. Bakit siya pa yung nabunggo ko? Pag nalaman 'to ni Jake paniguradong magagalit yon sakin at mas lalong madadagdagan ang pagkagalit niya sa kapatid niya.

"It's okay. Where's Jake?", tanong nito, nagsimula na ulit akong maglakad at sumabay din naman siya.

"I dunno", sagot ko at kasabay non ang pagbuntong hininga ko. "Nagalit ko ata siya kanina", sabi niya at medyo natawa siya.

"Baka nga. Hindi pa kasi  siya bumabalik simula pa kanina", malungkot kong sabi at inalala ko nanaman ang mukha niya kanina na sobrang lamig. Ayokong nagkakaganon si Jake. Nasasaktan din kasi ako eh.

"Sorry. Pati ikaw naiipit sa away namin ni Jake", napatingin ako kay Jack, nakayuko lang siya habang patuloy na sinasabayan ako sa paglalakad.

Nakaramdam tuloy ako ng pagkaawa at pagkakonsensya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit. "Bakit hindi kayo mag-usap ng maayos at para makapagpatawaran kayo?"

Napatingin naman siya sakin at ngumiti ng mapait. "Nagpapatawa ka Chrystal. Kailanman hindi yan mangyayari. Sarado ang utak ni Jake pagdating sakin. Hindi niya ko maiintindihan pag napaliwanag ako sakanya", may hinanakit sa boses ni Jack.

Hinawakan ko siya sa balikat para iparamdam sakanya na naiintindihan ko siya. "Handa ako makinig", nakangiti kong sabi na ikinagulat niya ngunit binawi rin naman niya ito at saka ngumiti sakin.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon