CHRYSTAL YVES DAMIAN
Hindi ko na nagawang magpaalam kay Tita Jane at wala rin naman kasi akong magandang maidadahilan sakanya pag nagtanong siya sakin, gayon rin kay Jack.
Sa ngayon tahimik lang akong nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang bawat nadadaanan na sasakyan at mga bahay. Papauwi na ko sa bahay. Minu-minuto ring tumatawag sakin si Jasmin at Lara para siguraduhin kung ayos lang ba ako o kung hindi naman ay kung malapit na raw ba ako sa bahay.
Andun na rin kasi sila sa bahay ko at hinihintay ang pag-uwi ko. Ano sasabihin ko sakanila? Wala akong maisip na idahilan kung bakit ako nawala ng dalawang araw. Itinaggi rin naman ni Jake na hindi niya ako kasama, kaya ano pa idadahilan ko?
Na sinolo ko yung sarili ko at nagbakasyon ng dalawang araw? Tss. Kalokohan.
"Manong dalhin niyo po ako sa airport", utos ko sa taxi driver. "Okay po Ma'am"
Pinatay ko rin muna yung cellphone ko. Kailangan kong mag-isip at mapag-isa. Mabuti nalang at dala ko lahat ng credit cards ko.
Hindi ko lubos maisip na ginawa sakin yon ni Jake. Siya yung nagdala sakin sa isla na yon, tapos iiwanan lang pala niya ako. Hindi ko pa talaga siya kilala. Pero,
Ang sakit pa rin eh.
~
"Thank you", sabi ko sa delivery boy. Matapos kong kunin ang ang in-order kong pizza, ay isinarado ko na ulit yung pinto.
Dalawang linggo na akong hindi umuuwi at nanatili pa rin ako dito sa condo na kabibili ko lang din a few weeks ago. Andito ako ngayon sa Cebu, malayo sa ka-Maynilaan at malayo sakanya.
Hanggang ngayon rin ay hindi ko pa rin binubuksan ang cellphone ko, maski yung mga social media accounts ko. Ayokong may makaalam kung nasaan ako.
Saka siya? Tss. Itinaggi at iniwan na nga niya ako eh, ano pa ba inaasahan ko sakanya?
Sarado nga talaga ang pag-iisip niya gaya ng sabi ni Jack.
Inialis ko nalang sa isip ko ang lalaki na iyon at kumuha nalang ako ng isang slice ng pizza.
Wala naman akong ginagawa dito kung hindi ang kumain, matulog, maglaro ng xbox mag-isa, at kung sisispagin ako ay lalabas lang ako para magmall, magbar, kumain at bumili ng pagkain. Oh diba? Ang sarap ng buhay ko dito.
Walang maingay, walang panggulo, walang sakit ng ulo, walang stress, at mas nakakapag-isip ako ng mabuti.
Matapos kong maubos ang isang buong pizza ay nagpahinga muna ko at saka naligo. Napagdesisyunan ko kasi na mag-mall muna.
Saka, nagke-crave ako ngayon sa ice cream. Harhar. Stress food? No, I'm not. Hilig ko lang talaga ang pagkain. Don't 'ya worry, kahit gaano naman ako kalakas lumamon ay hindi ko rin naman kinakalimutan ang pag-eexercise saka, hindi ako tumataba 'no. I'm a healthy person, physically, emo---.
Nevermind -.-
Hhmm... Hindi ako nagagandahan sa kulay. Tsk.
Hinubad ko agad yung damit at saka isinuot naman yung isa ko pang napiling dress.
Woah. Now, this is revealing. Yuck, I'm not a slut though.
Napatigil ako sa naisip ko.
You're a slut.
You're a slut.
You're a slut.
GHAD! Ayokong maalala yon! Damn him. So much.
Kaagad kong hinubad yung dress na revealing at saka isinuot ko na talaga yung damit ko.
Curse him. Shit. Ang sakit pa rin.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away
Teen FictionPaano mo nga ba mamahalin yung tao na ayaw mo naman talagang mahalin? Makikilala niyo dito si Chrystal Yves Damian, isang kolehiyala na may simpleng pamumuhay pero mag-iiba ang direksyon ng buhay niya ng makilala niya ang isang ex-gangster na si Jak...