Chapter 5 : Him...

11 1 0
                                    

" Bakit naman niya yun sinabi sayo? ", pagtatanong ni Jas matapos kong ikwento sakanya yung nangyari kanina.

Andito kami ngayon sa soccer field at nakaupo dito sa bleachers. Vacant time namin ngayon eh. Si Lara naman, may pasok.

" Dunno ", sabi ko at tumingin sa field, may nagpaparactice ngayon ng soccer dito.

" Ayiee. Baka naman gusto niya talaga yun kaya niya sinabi. Saka, boyfriend mo na siya ngayon kaya natural lang para sakanya na sabihin yun ", kumento pa ni Jas.

" Jas, nag-iisip ka ba? Diba kahapon ko lang yung nakita at nakilala tapos sasabihin mo talagang gusto niya yun? Baka nga niloloko lang ako ng lalaki na yun eh. Saka narinig mo naman si Lara kanina, dating gangster si Jake kaya walang kasiguraduhan kung safe ba ko dun kay Jake ", litanya ko at napabuntong hininga.

" May point ka rin naman dun. Pero para makasigurado ka bakit hindi mo imbestigahan yung totoo niyang pagkatao? ", - Jas

Napaisip naman ako dun sa sinabi niya.

" Hhmm... Jas ano nga pala yung school na pinapasukan dati ni Lara? ", - ako

" Huh? Uhm.. Amorris Academy yata. Ah oo! Amorris Academy nga. Bakit? ", - Jas

" Wala naman. Ilang minutes pa ba bago sa next subject natin? ", - ako

Tumingin naman agad si Jas sa wrist watch niya " Uhmm... 1 hour and 45 minutes pa ", sagot niya.

" Oh. Tara na sa Amorris Academy ", sabi ko kasabay nun ang pagtayo ko sa kinauupuan ko.

" What?! You mean iimbestigahan mo talaga yung pagkatao ni Jake? ", gulat na tanong ni Jas ngumiti lang ako at saka tumango.

" Tsk. Kapag talaga naisipan mo gagawin mo talaga 'noh? ", saad pa niya, tumango lang ako ulit.

" Sige na nga. Tara na "

~~~

( At Amorris Academy -AA- )

Habang naglalakad ako sa hallway kasabay si Jas ay may napansin ako. Sobrang tahimik ng campus at aakalain mong walang nag-aaral gayon din sa paligid wala kang makikita na naglilisawan na mga estudyante. Geez. Creepy.

" Chrys, may nag-aaral ba talaga dito? ", pagtatanong ni Jas.

" Malay ko. Kita mong ngayon lang ako nakapunta dito eh ", medyo iritado kong sagot.

" Nagtataray ka nanaman. Uhm, Chrys nagugutom ako eh, pwede bang maghahanap muna ako ng makakainan dito? ", - Jas

" Samahan na kita? ", suhestiyon ko.

" Wag na. Hintayin mo nalag ako dito, sandali lang ako ", pagtanggi niya.

Tsk.

" Okay ", I said and by that she leaves.

Great. Iwanan daw ako?

Habang wala pa si Jas ay naglakad-lakad muna ako para naman hindi ako mainip.

Ang weird talaga ng campus na 'toh. Super tahimik talaga. Tapos lahat ng pinto ng room nakasarado. Teka, baka naman walang pasok dito ngayon? Oo nga 'noh?? Pero, imposible Tuesday ngayon eh, saka bakit may guard kami kaninang nakausap at ang sabi may pasok naman daw.

Psh. Ang c----

" Hey you! "

Napatigil ako sa paglalakad ko ng may biglang sumigaw at nanggagaling yun mula sa likod ko kaya agad ko itong tinignan.

O_O?!

Nakita ko ang mga lalaki. Sa tingin ko nasa 20 sila. At lahat sila ay nakatingin sakin. Wait dagdagan niyo ng salitang masama. I mean masama silang nakatingin sakin.

Till They Take My Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon